You are on page 1of 6

FILIPINO (PANANALIKSIK)

Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa.


– maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo
– sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag
oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin,
pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao
Aquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor-
masyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan
Manuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon
para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan
Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga
tanong na ginawa ng mananaliksik
Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa
mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon
Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang
matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at
lipunan

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK


 Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
 Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong
mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.
 Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang
mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng
pagsisiyasat.
 Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
 Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang
 Kwalitatibo – tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro
 Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat
na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
 Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula
pa lamang ng pag-aaral.
 Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag
sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring
naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na
pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.

Mananaliksik – may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging


matagumpay sa gagawing pananaliksik.

KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK


 Masigasig – Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang
impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
 Masinop – Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.
 Masistema – Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng
gagawin niya sa oananaliksik.
 Mapamaraan – Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
 Magaling magsiyasat – Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama.
 May pananagutan – Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi
maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao.

RESPONSIBILIDAD NG ISANG MANANALIKSIK


 Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon kay
Atienza atbp., ang plagiarism ay:
 Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng bantas
na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan
 Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang
pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan
 Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik at pinagsama-sama
lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos
 Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na
salin ang mga ito
 Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala
ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang
naghagilap ng mmga datos na ito
 Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.
 Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan
ng ideya o mga impormasyon.
 Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian.
 Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta.
 Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


 KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
 Panimula – mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Binabanggit
din sa bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.
 Paglalahad ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag-
aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang masagot
sa sulating pananaliksik.
 Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral – tinatalakay sa bahaging ito ang
kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa
larangan ng edukasyon at siyensya.
 Batayang Konseptwal/Teoretikal – ipinaliwanag ni Kerlinger na ang teoretikal/
konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa
set ng magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na
nagpapakita sa sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy
sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralan – inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito
kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito
gagawin. Ipinaliwanag nina Sevilla atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto
ng pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral na maaaring makasama
subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
 Kahulugan ng mga Katawagan – may dalawang paraan.
 Konseptwal na Pagpapakahulugan – (ayon kina Sevilla atbp.) matatagpuan sa
mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na
nauunawaan ng maraming tao.
 Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger) eksperimental at
nasusukat.
 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:
 Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa
pananaliksik.
 Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning
sanggunian.
 Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksa.
 PAMAMARAAN
 Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa
pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y
eksperimental. Ipinapakita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo
ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.
 PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
 Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.
 PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON
 Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang
mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral
na ginawa.

MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK


 PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA – dapat isaalang-alang ng mananaliksik na
makatutulong ang paksang mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza atbp., mahalaga na sa
simula pa lamang ay limitahan na ang napiling paksa upang hind imaging masyadong
masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin dito. Batayan sa Paglilimita ng Paksa:
 Panahon
 Edad
 Kasarian
 Pangkat na Kinabibilangan
 Anyo/Uri
 Perspektibo
 Lugar
 PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON
 GAMIT NG DOKUMENTASYON
 Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon
 Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya
 Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel
 Pagpapalawig ng ideya
 Content notes – talang pangnilalaman
 Informational notes – talang impormasyonal
Mga Sistema ng Dokumentasyon
 Footnote-bibliography (Sistemang talababa-bibliograpiya) – karaniwang ginagamit sa
larangan ng humanidades at agham panlipunan. Pansining mabuti ang mga ss:
 Paglalagay ng superscript – Ang superscript ay isang nakaangat na
numerong Arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita,
pangungusap o taltang naglalaman ng hinalaw na ideya o nais bigyang-diin.
 Pagnunumero ng tala
 Pagbabantas
 Indensyon – limang espasyo sa kaliwa, sunod ang superscript, sunod ang isang
espasyo at kasunod ang mg impormasyong bibliograpikal
 Unang Pagbanggit sa mga Sanggunian - ibinibigay dito ang
kumpletong impormasyong ibiliograpikal. Isinasama ang mga ss:
o Kumpletong pangalan ng awtor
o Pamagat ng aklat
o Editor/Tagasalin
o Edisyon
o Bilang ng tomo
o Lungsod o bansa ng publikasyon
o Tagapaglimbag
o Petsa ng Publikasyon
o Bilang ng tiyak na tomo na ginamit
o Pahina
 Muling Pagbanggit sa Sanggunian
o gumagamit ng mas maikling pormat: huling pangalan ng awtor at
pahina
o kung may dalawa o higit pang sanggunian: huling pangalan ng
awtor, pinaikling pamagat at pahina
o kung walang nakalagay na awtor: banggitin lamang ang pamagat
ng aklat/artikulo at pahina
o kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang hanggang 3
pangalan ng awtor. Kung may higit sa tatlong awtor: banggitin
ang unang pangalan at isunod ng et. al.
o kung may mga awtor na magkatulad ang huling pangalan:
banggitin ang unang pangalan o inisyal
o kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming tomo:
isama ang bilang ng tomo na pinagkunan ng impormasyon
 Pagdadaglat na Latin
o Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggit ng iisang sanggunian
o Op. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian
ngunit hindi magkasunod
o Loc. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian
at pahina ngunit may pumapagitnang ibang sanggunian
 Tala (Endnotes) - pinagsama-sama sa katapusan ng papel.
 Parenthetical-reference list (Sistemang parentetikal-sanggunian) – paglalagay ng
mga impormasyong bibiliograpikal sa loob ng parenthesis na nasa teksto mismo.
Karaniwang ginagamit sa larangan ng agham. Pormat ng Talang Parentetikal:
 Apelyido o pinaikling pamagat
 Pahina
Iba pang alituntunin:
 Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.
 Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.
 Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at
sundan ng et. al.
 Kung pamagat lamang ang naibigay: banggitin ang pinaikling bersyon at
pahina
 Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo: banggitin
ang tomo (tutuldok ang maghihiwalay sa tomo at pahina)
 Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor: banggitin na
lamang ang akda.
 PAGSULAT NG BURADOR
 PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK
Transcript of Mga Bahagi ng Pananaliksik: ANG PAMANAHONG PAPEL

Mga Bahagi ng Pananaliksik: ANG PAMANAHONG PAPEL


Mga Bahagi ng Pananaliksik: ANG PAMANAHONG PAPEL
isang uri ng papel-pananaliksik na karaniwang ipinapagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangan sa isang larangang akademiko ang pamanahaong papel. Ito ay kadalasang nag sisilbing
kulminasyon ng mga pasulat ng mga gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o isang subject
sa loob ng isang panahon o term na kadalasa'y saklaw ng isang semester o trimester
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
1. Fly Leaf- ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel
2. Pamagating Pahina- ang tawag sa pahinang nag papakilala sa pamagat ng pamanahong-pel. Nakasaad din
dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel.

3. Dahon ng Pagpapatibay- ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkapasa ng mananaliksik at


pagkatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
4. Pasasalamat o Pagkilala- tinutukoy dito ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo'y nararapat pasalamatan o
kilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman- nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at
nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kng saan matagpuan ang bawat isa.
6.Talaan ng mga Talahayanan at Graph- nakatala ang pamagat ng bawat talahayanan o graf na nasa loob ng
pamanahong-papel at ang bilang ng pahina king saan matatagpuan ang bawat isa.
7. Fly Leaf 2-ay isang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.
Kabanata I: Ang sulinarin at Kaligiran nito.
1. Introduksyon- ay isang maiklimg talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng
pananaliksik.
2. Layunin ng pag aatal-inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral
3.Kahalagahan ng Pag-aaral- inilalahad ang kalahagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik na paksa ng pag-
aaral.
4.Saklaw at limitasyon-tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng
pananaliksik.
5. Depenisyon ng mga Terminolohiya- ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat
isa'y may kahulugan.
Kabanata II: Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura
- Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik. Kailangan ding matukoy dito ng mananaliksik kung sino-sino ang mga may-akda ng naugnang
pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resultang pag aaral
-Hanggat maari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga bago o nalimbag
sa loob ng huling sampung taon.
-Hanggat maari rin tiyaking ang mga materya na gagamitin ay nag tataglay ng mga sumusunod na katangian.
--Objective o walang pagkiling;
--Nauugnay o relevant sa pag-aaral; at
--sapat ang dami o hindi napakaunti o napakarami
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
*Disenyo ng pananaliksik-nilinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
*Respondente-tinutukoy ang mga sarbeyor, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
*Instrumento ng pananaliksk-inilalawaranng paraang ginamit ng pananaliksk sa pngangalap ng mga datos at
impormasyon.
*Tritment ng mga datos-inilarawan kung anong istitistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na
datos ay mailalarawan.
Kabanata IV: Presentasyon at interpretasyon ng mga datos
* Sa kabanatang ito ay inilahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at
tabular o grapik na presentasyon. Sa tektso, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

You might also like