You are on page 1of 2

Tayo Na Lang

Ngayong gabi nais kitang makapiling


Pero ayus lang wag mo ko intindihin
Sa totoo lang nais ko lang makita ang iyong ngiti
Makausap ka hanggat magtagpo ang araw at dilim
Di bale ng mapuyat ako
Kaysa naman mapagod lang magisip sayo
Magpunta na lang tayo sa paraiso
Paraisong nakalaan sayo sakaling maging tayo

Haha, pero nalimutan ko


Kaya nga pala walang tayo
Dahil ayaw mo
Kaya nga wag mo ko intindihin
Dahil alam kong limitado lang ang iyong ngiti
Nakalaan na kasi yan sa taong ayaw mong banggitin
Wag na tayo magusap sa ilalim ng bwan
Dahil pakiramdam ko akoy mabubuang na kakapigil sa aking nararamdaman
Hayaan mo na kong magisang harapin ang malamig na madaling araw
Lalo't sanay na rin naman akong naiiwan
Napupuyat sa pagalala sayo
Nangangarap na mapili mo
Umaasang ako ang laman ng paraisong nilikha mo
Kasi ako ikaw...ikaw at ako
Tayo

Pero ang kulit ko wala nga kasing tayo


Ibigsabihin walang titulo, walang pagmamayari, walang pagmamahalan, walang
karapatan

Walang tayo
At paulit ulit akong nasasaktan
Dahil alam kong ako lang ang nagmamahal

Walang tayo
Siguro nga merong kayo
Pero sana aminin mo

Walang tayo
Wala akong papel sa buhay mo
Samantalang ako, ikaw ang buhay ko

Walang tayo
Hindi ako pwedeng humiling ng kahit ano
Hindi kita pwedeng kwestyunin sa iyong paglayo

Walang tayo
Walang tayo
Walang tayo... Araw araw kong pinapaala sa sarili kong bawal kang mahalin
Pero paano ba pigilan ang puso natin?

Nakakatawa. Nakakalungkot.

Pano ba magiging tayo?

#digitalart #hugot #halloween #poem

You might also like