You are on page 1of 2

TASK SHEET#1

Ang unang bahagi ng paggawa ng marketing plan ay tungkol sa 2Cs: Customer at


Competitor. Ang iyong mga nalakip na data mula sa naunang questionnaire form ay
maari mo nang isalin sa iyong marketing plan.

Sagutan ang Marketing Plan: 2Cs at i-apply ang iyong mga natutunan sa lesson na
‘Understanding the Market’.

Narito ang sample at blankong template para sa Marketing Plan: 2Cs (Customer/Mamimili at
Competitor/Kakumpetensya):

Sample:

MARKETING PLAN
MAMIMILI
Sino ang iyong mga mamimili?

Karamihan ay mga estudyante at pumapasok sa trabaho

Ano ang pangangailangan ng iyong mamimili?

Meryenda, load, sigarilyo, toothpaste, sabon, candy

Kailan sila kadalasan bumibili?

Bago pumasok at pagkagaling sa eskwela at trabaho

Saan pa sila namimili?

Manuela's Sari-Sari Store, Aling Rea's Karinderya

Bakit pumupunta sa iyo ang mga mamimili?

Mas malapit ako sa kanilang dinaraanan papuntang eskwelahan at paradahan ng sasakyan


patungong trabaho

KAKUMPETENSIYA
Ang mga kalamangan (strengths) ng aking kakumpetensiya ay:

Store signage, kasama sa pagtitinda, may upuan sa harap ng tindahan

Ang mga kahinaan (weaknesses) ng aking kakumpetensiya ay:

Pwesto sa kanto ng kalye, mas maruming uri ng paninda, madumi at mabahong tindahan
Blankong template:

MARKETING PLAN
MAMIMILI
Sino ang iyong mga mamimili?

Ano ang pangangailangan ng iyong mamimili?

Kailan sila kadalasan bumibili?

Saan pa sila namimili?

Bakit pumupunta sa iyo ang mga mamimili?

KAKUMPETENSIYA
Ang mga kalamangan (strengths) ng aking kakumpetensiya ay:

Ang mga kahinaan (weaknesses) ng aking kakumpetensiya ay:

You might also like