You are on page 1of 1

Publikong Sektor

- ay binubuo ng mga sangay, ahensya at kaagawaran ng pamahalaan na aktibong nakikilahok sa mga gawaing pang-
ekonomiya tulad ng produksyon, pagkonsumo at distribusyon ng mga produkto at serbisyo.

- Mga Tungkulin:
o Magkaloob ng serbisyong panlipunan
o Patatagin ang ekonomiya
o Pagpapanatili ng kapayapaan

Pampublikong Pananalapi o Public Finance


- may kinalaman sa pagdesisyon ng pamahalaan ukol sa mga gastusin at mga paraan upang makalikom ng pondo at
kita.

- Mga aspekto:
o Gastusing pampubliko
o Publikong kita
o Publikong administrasyon
o Patakarang piskal

Mga Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan


1. Pagbubuwis o Taxation
2. Kita ng mga Gov’t. Owned & Controlled Corp.(GOCC) at (Gov’t. Financed Institutions) GFI
3. Tulong mula sa ibang bansa o foreign aid
4. Pagbebenta ng mga ari-arian ng pamahalaan o privatization
5. Pangungutang sa mga institusyong pananalapi sa loob at labas ng bansa o Foreign debt

Pagbubuwis o Taxation
- ay sapilitang kontribusyon na sinisingil ng pamahalaan sa mga taong naghahanapbuhay at sa mga kompanya.
- pinanggagalingan ng pinakamalaking pondo ng pamahalaan

- Mga teorya:
o Ability to Pay Principle – ang pagbabayad ng buwis ay naaayon sa kakayahan ng mamamayan.
o Benefit Theory – ang pagbabayad ng buwis ay dapat gawin ng mga mamamayan na direktang nakikinabang sa
paggamit ng salapi mula sa buwis.
o Equal Distribution Theory – ang binabayarang buwis ay kalakip na iba’t-ibang bilihin na pare-parehong
binabayaran ng lahat ng uri ng tao anuman ang kalagayan nito sa buhay.

- Mga Uri ng Buwis:


o Batay sa Antas ng Buwis:
 Progressive – ang buwis ay tumataas habang ang halagang binubuwisan ay tumataas din.
 Regressive – ang buwis ay lumiliit kahit na ang halaga ng binubuwisan ay lumalaki.
 Proportional – hindi nagbabago ang buwis na sisisingil kahit magbago ang halaga ng binubuwisan.

o Batay sa Pagbabayad:
 Direct
 Income Tax
 Community Tax Certificate o Cedula
 Business Tax
 Real Property Tax
 Documentary Tax
 Indirect
 Value Added Tax – ipinatupad ni Pres. Aquino noong Jan. 1 1988.
 Expanded Value Added Tax – Ipinatupad noong May 5, 1994 sa pamumuno ni Pres. Ramos.
 Amusement Tax
 Travel Tax
 Excise Tax – buwis na ipinapataw sa lahat ng produkto na ginagawa at ipinagbibili sa loob ng
bansa
o Specific Tax – inaayon sa bigat ng volume ng produkto ng ginawa at ipinagbibili.
o Ad Valorem Tax – ibinabatay sa presyo ng produkto.

You might also like