You are on page 1of 1

Mga Hinaharap ng mga Bansang Asyano tungo sa Pandaigdigang Pagbabago

Mga hamon sa mga Asyano patungo sa tunay na pagsasarili:


1. Tensyong nag-ugat sa Cold War
2. Pagkakaiba ng mga grupong etniko
3. Pagkakaiba sa relihiyon
4. Labanan sa hangganan at teritoryo

Cold War – isang diplomatikong tension sa pagitan ng mga bansa na sadyang pinaninindigan ang kani-kanilang pulitikal at ekonomikal na kapakinabangan.
- Higit na kilalang tensyon sa pagitan ng demokrasya (malayang daigdig) at komunismo (pagkakapantay-pantay ng pamumuhay ng bawat mamamayan) na
naghati ng daigdig sa Silangan at Kanluran.
- Gamit ng bansang United States of America (USA) at Union of Soviet Socialists Republic (USSR) ang kanilang kapangyarihan at impluwensya hinikayat nila
ang mga bansang sumanib sa kanilang paninindigan.
- China 1949: People’s Republic of China (Communist) vs Republic of China (Taiwan)
Mao Tse Tung Chiang Kai Shek
- Korean War 1950-1953: North Korea vs South Korea
Armistice – isang kasunduang tigil-putukan habang idinaraos ang usapang pangkapayapaan.
- Vietnam War 1954: North Vietnam vs South Vietnam at Ho Chi Minh vs Ngo Dinh Diem
Vietminh – grupong komunista
Domino Theory – tumutukoy sa pniniwalang ang pagbagsak sa kamay ng komunismo ay maaaring mauwi sa pagbagsak ng iba pang kalapit na bansa
nito sa sistema.
- Cambodia 1970: Lon Nol – inagaw ang pamahalaan ng Cambodia mula kay Norodom Sihanouk.
Khmer Rouge – grupong komunista na pinamumunuan ni Pol Pot (naghasik ng brutal na rehimen sa bansa) na tumalo kay Lon Nol.
Relihiyon - Sanhi ng Tensyon sa India
Bunga ng matagal na pananakop ng mga Muslim sa India, marami sa mga Hindu ang nag-iba at lumipat sa relihiyong Islam. May mga naging Muslim dahil sa
pwersahang pananakot at ang iba ay nahimok ng kasimplehan ng relihiyong Islam kumpara sa napakakumplikado at mapamahiing Hinduismo.
Mohammed Ali Jinnah
- Nagsusulong ng paghiwalay ng mga Muslim at pagtatag ng sariling bansa para sa mga Muslim.
- Dahil sa hindi magkatugma ang pananalig , gawi, at tradisyong Muslim at Hindu kung kayat mahirap na para sa kanila ang mamuhay sa iisang estado.
Jawaharlal Neru
- Naniniwala siya na sa kabila ng magkaibang relihiyon, iisa lamang ang ugat na pinagmulan ng mga Indian at may pag-asa pang sila ay mamuhay nang
mapayapa.
- Kasarinlan ng India na ipinahayag ng Prime Minister ng Britanya na si Clement Attlee – naging ugat ng matinding labanan sa pagitan ng mga Muslim at Hindu.
- Nag-resulta sa kasarinlan ng dalawang bansa: India at Pakistan noong Agosto 15, 1947.

Pagkakaiba ng grupong etniko – Sanhi ng Pagkakahati ng Pakistan


Sa kabila ng magkatulad na pananalig, ang dalawang rehiyon ay binubuo ng magkakaibang grupong etniko.
Pakistan – nangangahulugang “Dalisay na Bansa” o Pure Nation.
- Binuo ni Choudri Rahmat Ali mula sa unang pantig ng limang lalawigan ng bansa: P-Punjab, A-Afghan, K-Kashmir, I-Islam, S-Sind, at T-Tan(Baluchistan).
- Dahil sa kapansin-pansing higit na pag-unlad ng West Pakistan kaysa East Pakistan, nagsimulang maghimagsik ang mga Bengali sa silangang Pakistan
na nauwi sa digmaang sibil noong 1971.
- Benazir Bhutto – kilalang Miss Independence at unang babaing Muslim na punong ministro ng Pakistan.
Bangladesh – Land of the Bangladese Speaking People o Bengali Nation

Kashmir – Ang pinagtatalunang teritoryo ng India at Pakistan


Ang pagtatalong tumagal ng limang dekada mula pa noong 1949 at itinuring na pinakamalaking digmaan ng mga tangke. Malaking pera ang nagastos upang
tustusan ang hidwaang ito na nakapagpahina ng kondisyong pang-ekonomiya ng kanilang mga mamamayan.
Nagsimula sa kalituhan sa interpretasyon ng planong partisyon ng tangway. Ang prinsipe ng Kashmir ay binigyan ng Britanya bago ito umalis, ng kapangyarihan na
madesisyon kung sila ay magpapasakop sa India o sa Pakistan sa malinaw na kasunduang ang estadong higit na marami ang Muslim ay magpapasakop sa Pakistan at
estadong higit na marami ang Hindu ay sa India.
Hindi agad nakapagpasya ang Maharaja ng Kashmir na si Haring Singh, sanhi ng maraming bilang ng Muslim sa kanyang nasasakupan at medyo kiling ang kanyang
desisyon sa pagsasarili. Bunga nito, pinili niyang lumagda muna sa isang standstill agreement na nauwi sa tensyon.
Plebisito – mungkahi ng United Nations upang maresloba ang isyu ng Kashmir.
Line of Control – ang hangganan sa pagitan ng dalawang bansa na may habang 780km. Resulta ito ng Tashkent agreement na nagtatalaga ng isang pandaigdigang
tigil-putukan.
Operation Gibraltar – limitadong digmaan na inilunsad ng Pakistan sa Kashmir na sinagot ng isang madugong opensiba ng India.
Siachen – kinikilalang pinakamataas na hot spot sa daigdig.

Hidwaang Kultural sa Gitnang Silangan


Mahigpit ang pag-aangkin ng mga ARAB at JEWS sa sinaunang lupain ng PALESTINE. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, milyun-milyong Jew ang bumalik
sa teritoryo sanhi ng lumalakas na kilusang Zionismo.
Naniniwala ang mga Jew na sila ay mabibigyan din ng estado gaya ng ipinangako sa kanila ni James Balfour sa Balfour Declaration of 1948. Ang Arab ay naghintay
rin ng suporta ng mga British upang sila ay pagkalooban ng estado sa nasasakupan ng Palestine.
Nang bumalik ang mga Jew sa Palestine, natagpuan nilang naninirahan na rito ang mga Arab sa gitna ng kahirapan. Dala ng kaalaman ng mga Jew sa makabagong
teknolohiya, industriya, agrikultura at syensya, nagkaroon sila ng mataas na antas ng pamumuhay. Ito ay labis na kinainggitan ng mga Arab at kanilang ipinatigil ang
pagbabalik ng mga Jew sa Palestine.
Inirekomenda ng General Assembly ng United Nations ang paghahati sa Palestine sa dalawang estado. Iprinoklama ang estadong Israel bilang nag-iisang bansa
noong Mayo 14, 1948 na ikinagalit ng mga Arab.
Idineklara ng ARAB LEAGUE (samahan ng mga bansang nagkakaisang magtulungan sa mga bagay na may kinalaman sa pulitika at kultura) ang pakikidigma sa
estado ng Israel – Ang ARAB-ISRAELI WARS
1st war – Pagkakatatag ng Israel;
2nd war – Isyu ng Suez Canal;
3rd war – US & Israel vs. Egypt & Jordan;
4th war o Yom Kippur war – Peace Accord o Peace of the Brave na nilalaman ng OSLO B na nilagdaan nina Yitzhak Rabin(Prime minister Of Israel at Yasser Arafat ng
Palestinian Liberation Organization) .

You might also like