You are on page 1of 30

Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education


Social Media: Impluwensiya sa Pagpapalago Ng Wikang Filipino
__________________

Isang Tesis na
Iniharap sa Guro sa Filipino ng
Kagawaran ng Wika, Linggwistika at Literatura
Pamantasang Normal ng Pilipinas – Bisayas
Lunsod ng Cadiz

_______________

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan sa Asignaturang Introduksyon sa


Pananaliksik (S. Fil 19)

Mga Mananaliksik:

Rhea Jane N. Cañete


Bryan D. Orosio
Jestone B. Canoy
Angel Fatima P. Clemen
Marilyn B. Cainiela

Prop. Ralger D. Jocson


Propesor

Akademikong Taon
2015-2016
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 2
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

DAHON NG PAGPATIBAY

Bilang pagtugon sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang S.Fil 19


na Introduksyon sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “
Social Media: Papel Na Ginagampanan Sa Pagpapalago Ng Wikang Filipino” ay
inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Ikaapat na
Pangkat ng mga mag-aaral sa III-I na BSE-Filipino, binubuo nina:

EMILYN T. BATULAT
Tagapayo

Pinagtibay bilang bahagi ng pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang


SFil. 19 na Introduksyon sa Pananaliksik.

______________________________
Kasapi ______________________________
Kasapi

______________________________
Kasapi ______________________________
Tagapangulo

Petsa:
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 3
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Abstrak
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 4
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

DEDIKASYON
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 5
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

PAGKILALA
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 6
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education


Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 7
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

TALAAN NG APENDIKS
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 8
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT
DAHON NG PAGPAPATIBAY
ABSTRAK
DEDIKASYON
PAGKILALA
TALAAN NG APENDIKS
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1 Ang Suliranin at Sanligan Nito

1.1 Panimula
1.2Batayang Konseptwal/Teoritikal
1.3Balangkas ng Pag-aaral
1.4Paglalahad ng Suliranin
1.5Haypotesis
1.6Kahalagahan ng Pag-aaral
1.7Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
1.8Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit

KABANATA 2 Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

2.1 Mga Literaturang Konseptwal


2.2 Mga Literaturang Pananaliksik

KABANATA 2 Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

3.1 Disenyo ng Pag-aaral


3.2 Kasali sa Pag-aaral
3.3 Instrumento sa Pangangalap ng Datos
3.4 Pag-analisa ng mga Datos
3.5
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 9
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

KABANATA V PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon

Talasanggunian
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 10
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Kabanata I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO
1.1 Panimula
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”.
Nang isinilang ang tao, kakambal na nito ang pisikal at mental na potensyal sa
paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng paggamit ng wika, nauunawaan at nagkakaisa
ang bawat tao. Ngunit higit sa lahat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat tao
at nagiging salamin kung anong kultura, tradisyon, at paniniwala mayroon ang isang
bansa na siyang nagsisilbing gabay ng bawat mamamayan.

Makapangyarihan ang wika. Sa anumang lipunan, kultura, tradisyon at lahi,


kinikilala ang hindi matatawarang ka[angyarihan nito. Wika ang pinakaprominenteng
behikulo ng paghahatid ng mga imahe, positibo o negatibo man.

Maraming depinisyon ang ibinibigay upang maunawaan kung ano ang


kahulugan ng wika. Ang pinakapopular ay ang pagtingin dito bilang isang paraan ng
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa pamamagitan ng salita. Ito rin ay
tinitingnan bilang isang sistema ng mga arbitrayong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng mga tao at isang sistemang pansagisag na binubuo ng mga salitang
binibigkas o isunusulat at may kahulugang maunawaan ng bawat isa na gumagamit at
umiintindi nito.
Ang salitang sistema ay nagpapahiwatig ng konsistensi o pagkakaroon ng
tinatawag na patern. Hindi tinatanggap at lalong hindi naiintindihan ang walang taros o
walang pakundangang pagsasama-sama lamag ng mga tunog at salita.

Ang wiak ay pawang arbitrary lamang sapagkat ito ay walang rasyunal na


maipapaita upang mabigyang linaw ang pagkakaugnay o koneksyon ng mga ito sa
kahulugan.Tinatanggap ang wika na hindi isang nyutral na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Laging sinasabi na ang bawat wika ay itunuturing na
tagapaglarawan ng kapaligiran at tagabadya ng mga karanasan at kasaysayan ng mga
tao.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 11
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Tagapaglahad din ito at tagapagsalaysay ng mga panlipunang pangyayari at


pagpapahalaga. Sumisibol ito at nabuo sa pakikipamuhay at pakikipa-ugnayan ng mga
tao sa isa’t isa sa loob ng isang pamayanan.Walang maibigay na tiyakang paliwanag
kung paano nagsimula sa tao ang pagpapahayag na ginagamitan ng wikang pasalita.
Wala ring matanggap at matibay na ebidensiya tungkol ditto kundi mga haka-haka
lamang batay sa mga hindi tuwirang patunay.

Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas epektibong at


malawakang komunikasyon, sanligan at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at
pakikipagugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng pangalan,
kahulugan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, simbolo o titik na ating
nakikita, naririnig, at nababasa.

Ang isa sa mahalagang katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko o


nagtataglay ng pagbabago (tao). Sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng
pagbabago sa kapaligiran at dahil likas sa tao ang pagkakaroon ng malikhaing pag-iisip
na nagdulot ng pagkakatuklas ng mga bagong salita.

Ang pagkaroon ng Wikang Pambansa ay nagbibigay-daan sa paguunawan,


pagkakaisa at pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ng mga mamayan at higit sa lahat
ito’y tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya at sa iba’t ibang sector at larangan ng
komersiyo, teknolohiya, medisina at edukasyon. Ang sariling wika ay mahalaga
sapagka’t ito ay nagpapakilala sa isang bansa at upang magamit sa pangaraw-araw na
pakikipagkomunikasyon.

Ayon sa Saligang Batas Artikulo XIV, Seksiyon 6: Ang Pambansang wika ng


Pilipinas ay Filipino. Sa patuloy na pagbabago nito, ito ay mas lalong paunlarin at
pagyamanin gamit bilang batayan ang mga kasalukuyang mga wikain ng Pilipinas.

Bilang isang realidad, Filipino ang nasyonal nalingua franca, ang wikang nabuo
sa interaksyon ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang katutubong wika ng
Pilipinas. Pagkakakilanlan ng ating magkakaibang katutubong kultura at mayaman
nating historikal na karanasan bilang isang lahi ang nasyonal na lingua franca na ito.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 12
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Bilang isang ideya, dinamikong nabubuo ang Filipino bilang ekspresyon ng


pambansang kaluluwa. Isang proseso ang ebolusyong ito ng paglilinang o
pagpapayaman mula sa mga wika ng Pilipinas. Kaya higit pang nagiging tunay na
ekspresyon ng ating isipan at damdamin bilang isang nasyunal na komunidad na may
respeto sa mga pagkakaiba at may pagmamahal sa pagkakaisa ng Wikang Filipino.

Sagana na ang wikang Filipino sa mga salitang nakabatay sa tunog na naririnig


sa paligid tulad ng tikatik ng ulan, kaluskos ng dahon, aliw-iw ng batis, salpok ng alon,
dagundong ng kulog, pagaspas ng bagwis, lawiswis ng kawayan, alit-it ng siit, kokak
ng palaka at tiririt ng pipit.

Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, natuklasan ng mga Kastila noong 1521, na


mayroong humigit kumulang dalawang daang dayalekto ang ginagamit ng mga
Pilipino. Ngunit kinakailangan ng isang bansa na magkaroon ng wikang pambansa.
Kaya, ayon sa batas ng Komonwelt Blg. 184 (1996) na naglikha ng isang lupon at
nagtakda ng mga kapangyarihan nito, kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong
wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.

Ang walong(8) wikain ng Pilipinas na pinagbatayan ng wikang pambansa ay


ang Tagalog, Hiligaynon, Sebuano, Waray, Pangasinense, Bicolano, Ilokano, at
Kapampangan. Ayon sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1987, ang Filipino ang
siyang magiging pambansang wika at opisyal na wika ng Pilipinas.

Dumaan ang mga kabanata sa kasaysayan ng tao sa iba’t ibang panahon .


Dahilan sa mabilis na pag-unlad ng buhay na bunga ng pagtaas ng antas ng tekolohiya,
sumapit ang mundo sa tinatawag na Panahon ng Impormasyon.

Ang Wikang Filipino sa modernong panahon ay patuloy na nagbabago at


umuunlad. Gumagamit na rin ang halos ng mga Filipino ng iba’t ibang pamamaraan
upang mas mapaikli ang pagbigkas at paggamit ng wika.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 13
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Kaalinsabay ng pagbabago ng panahon ay ang pag-usbong ng mabilisan at


madalian na modernong panahon na dala ang makabagong teknolohiya, bunga ito ng
mga bagong kaalaman ng tao buhat sa pananaliksik at malikhaing pag-iisip. Isa sa
produkto ng makabagong teknolohiya ay ang pinakatampok na Social Media. Ito ay
sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi
at nakikipagpalitan ng mga impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at
mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-Based na mga
aplikasyon.

Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay nabibilang sa tinatawag na Generation Z


na mahilig sa makabagong teknolohiya tulad ng paggamit ng internet o isang sistema
na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at pag-aaral at kadalasan ito ang pinakamdali
na gamit sa pagpapalaganap ngmga impormasyon at ito ang tumutulong sa
pagpapaunlad sa iba’t iabng larangan tulad ng edukasyon, siyensa at iba pa.

Sa kasalukuyang kalakaran partikular sa akademya, isa sa kinahuhumalingan ng


mga ito ay ang social networking sites o services (SNS). Halos bahagi na ng pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang SNS. Sa ibang salita, ito ang mga
websites na nagsisilbing daan sa pakikipag-ugnayan tulad ng facebook na madalas
gamitin ngayon sa ating bansa, gayundin ang twitter, tumblr, my space, idagdag pa rito
ang google sites at yahoo group. Ang mga site na nabanggit ang nagiging daan upan
mapabilis ang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa, katulad ng mga
kamag-anak, mga kakilala na nasa malayong lugar, matagal nang kakilala, kapareho ng
interes, kapareho ng mga Gawain at iba pa.

Nagsisilbing tulay o daluyan ang internet na makipag-ugnayan o kumonekta sa


kapwa, makakuha o makapag- ambag ng mga impormasyon, mga bagay tulad ng mga
kasalukuyang ginagawa o events na aabangan o isasagawa o kaya, mga larawan,
mensahe o notifications, video, wall posting, at iba pang dahilan ng pakiikipag-ugnayan
o koneksyon. Malawak na ang saklaw ng modernisasyon, lumaganap na ito mula sa
ating lipunan hanggang sa mga komunidad. Ang institusyon ng edukasyon ay hindi
ligtas dito at nakikinabang sa teknolohiya kung saan ang information technologies (IT)
na may taglay na pananagutan ng pagbabago ng pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto.
(Halverson at Smith 2009-2010).
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 14
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Sa kasalukuyan, mas lumalaeak na ang daluan ng impormasyon na maaring


gamitin ng mga mananaliksik, guro, estudyante at ng bawat isa. Hindi na lamang
limtado sa mga aklat, journal , magasin, aklat at iba pamg mga nakaimprentang
babasahin ang mga “nalathalang materyales”. Ginagamit na ring sangunnian ang mga
nalathalang materyales sa internet tulad ng online magazines, e-journals, websites,
blogs at iba panfg katulad na anyo o mga sangguniang elektroniko, tulad ng aklat
elektroniko o e-book, at iba pang uri ng e-learnings.

Sa pagusbong ng ganiton gui ng materyales at sanggunian, lalo na sa tulong ng


social media gamit ang internet.Ngunit, kailangan ang higit na pag-iingat sa mga
gumagamit ng mga elektronikong materyales sapagakat maari na nagbabago ang
nilalaman ng mga ito. Bukod sa hindi katiyakan ng nilalaman nito sanhi ng kaluwagan
o malayang umedit sa internet, kailangang mas isaalan-alang ng bawat isa ang
awtensidad ng materyales.

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matugunan ang mga suliranin sa


pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pambansang wika. Ang pagmulat sa isipan ng
mga mag-aaral at guro tungkol sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng
makabagong teknolohiya. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan ang mga
mag-aaral at guro paano gamitin ng tama ang pambansang wika na Filipino para sa
pagpapalago nito.

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraan gamit ang dulot ng


makabagong teknolohiya ang Social Media bilang kagamitan sa pagpapalago sa
Wikang Filipino.Ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito ay matukoy, malaman at makita
ang impluwensiya ng Social Media sa pagpapalago ng Wikang Filipino.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 15
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

1.2 Konseptwal/Teoritikal na Balangkas

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ag wika ay paraan ng pagpapahayag ng


pagkukuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang sa pamamagitan ng
mga salita upang ipakipag-unawaan sa kapwa tao at nalilikha ang mga sailta at
isinisilang sa pangangailangan ng sambayanan at nagtataglay ng mga kahulugang
itinatag ng mga kaugalian.

Ang wika ay siyang pagkakakilanlan ng isang lahi at bansa. Dito naipapakita


ang pagiging maunlad ng isang lahi at kung anong pamamaraan ang kanilang iniisip at
ginagagawa para mapalago ito.

Ayon kay Gleason ang wika ay may tiyak na katangian at kalikasan.Ito ay mga
tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong gumagamit
nito at isang paraan upang ipahayag ng tao ang kanyang mga iniisip at
nararamdaman.At higit sa ;ahat, ang wika ay hindi mahihiwalay sa kultura ng isang
bansa, ito ay nakabatay sa kultura ng taong gumagamit sa pamamagitan nito
nagkakugnayan ang tradisyon at kaugalian, mga mithiin at paniniwala ng mga tao.

Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas epektibong


komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan.
Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng kahulugan, interpretasyon at
kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at simbolo na ating nakikita, naririnig at
nababasa.

Ayon kay Carrol (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay ang resulta ng unti-unting
paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon ngunit, sa
isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaan ng gawi na
pinag-aawalan at natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng
pangkat o komunidad.

Ipinaliwanag ni Chomsky (1965) na ang kakayahan ng wika ay kasama na pagkaanak


at likas itong nalilinang habang tayo ay nakikipag- interaksyon sa kapaligiran.Ito’y
nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nagbibigay-hugis ng sosyo-kultural na
kaligiran kung saan ito nabubuo at nagbibigay-kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 16
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Ayon kay Edward Sturtevant, ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong
simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao. Ang salitang sistema ay
nagpapahiwatig ng konsistensi o pagkakaroon ng patern. Ito ang dahilan kung bakit ang
isang wika na banyaga sa kanya ay nahihirapangmagtagumpay sa unang pagtatangka.

Ang wika ay isang sistema o kaparaanan . May katangiang pangkayarian, may


kaanyuan at may maayos na pagkakasunod-sunod.Ito ang ginagamit bilang instrument
sa pagkakaunawaan kaya kailangan ang kakayahan sa paggamit nito.

Ito ay hindi lamang nagsisilbi bilang insrumento sa pakikipagkomunikasyon at


sagisag ng pambansang pagkakilanlan bagkus ito rin ay kasangkapan sa paglaya, kung
paamong ito’y maari ring gamitin bilang instrument sa pang-aalipin o dominasyon at
ito ang nagdadamit sa ating kamalayan, mga ideya ay nabubuhay at nagbibigay-
katawan sa kaluluwa.

Ang pagiging dinamiko o pagbabago ay isa sa mga makabuluhang katangian ng


wika. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran
at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao na nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon
ng mga salita.

Sa pag-usbong ng modernong panahon at makabagong teknolohiya, nagkaroon


ang mga tao ng mga bagong kaaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing pag-iisip.
Isa sa mga produkto ng makabagon teknolohiya ay ang social media.

Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan, sa


lahat ng aspeto ng buhay. Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo
ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Wikang Filipino. Ang pagpapalit
anyo nito at pagbihis mula sa makalumang mga salita hanggang sa kasalukuyan upang
manapay at maipabatid sa karamihan, lalo’t sa mga kabataan at sa mga Filipino ang
kayamanang angkin ng Wikang Filipino.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 17
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Ang pagkakaroon ng mga Social Media ay may iba’t iabng dahilan kung gayon
ang pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon at pakikipagtalastasan ay isa na
rito. Ang Facebook ay isang Social Media na ginagamit ng halos ng bawat tao
saanmang lupalop ng mundo. Sa pamamagitan nito, nakakapag-usap ang mga
gumagamit kahit saan, anumang oras at panahon.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistemang pakikipag-ugnayan sa mga tao na


kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya saisang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang
pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyonng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. 

Halos bahagi na ng pamumuhay ng bawat Pilipino ang Social Media. Itoa ng


mga website na nagsisilbing daan sa pakikipag-ugnayan tulad ng Facebook, Twitter,
Tumblr, My Space, Yahoo Sites at Google Sites. Ang mga ito ang nagging daan upang
mapabilis ang pakikipag konekta sa mga kaibgan, mga kamag-anak, mga kilala na nasa
malalayong lugar, matagal nang kakilala, kapareho ng interes, naisin o mithiin, o
kapareho ng Gawain (Gannaban, 2013).

Ayon sa Freelance. Org, nangunguna sa usapan ng mga kabataan na Social


Networking Sites ay ang Facebook, Tumblr,Twitter at Instagram.

Sinabi sa pag-aaral ni Walling 2009, ang unang henerasyon ng internet ay


tinawag na positibong paglalathala o passive display. Lumawak ito at naging
interaktibo lalo na sa aspekto ng pagsulat at pagbasa na lalong humikayat sa mga
gumagamit/user nito na magbahagi ng kanilang mga ideya, palagay o maging ang mga
malikhain nilang gawa o likha. Bahagi ng SNS ang terminong Web 2.0, na mas kilala
bilang ikalawang henerasyon (Second Generation) ng pag-unlad ng web.
Ang pagtaas nang paggamit ng Social Media sa loob at labas ng bansa ay hindi
naging pangkaraniwan sa loob lamang ng ilang taon. Nagsimula lamang itong libangan
ng mga taong bihasa sa kompyuter na naging pamantayan sa lipunan at naging bahagi
na ng buhay ng maraming tao. Tanggap na ng mga kabataan sa ngayon na ang mga
sites na ito ay ang kumukonekta sa kanila sa ibang tao, bahaginan ng mga impormasyon
at iba pa.(Boyd,2007)
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 18
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Iskematik na Balangkas sa Batayang Konseptwal na Pag-aaral

MAG-AARAL GURO

SOCIAL MEDIA

PAGLAGO NG
WIKANG FILIPINO
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 19
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

1.3 Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aral na ito ay naglalayong maipakita ang pananaw at masiyasat ang


Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral
na nasa Ikalawang Taon na mga mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Filipino ng
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Bisayas, Lungsod ng Cadiz sa Taong Panuruan
2015-2016.
1. Anong Social Media Site ang kadalasang ginagamit ng mga Mag-aaral?

2. Ano ang propayl ng mga mag-aaral na kadalasang gumagamit ng social media


kung papangkatin ayon sa:
1.1 Kasarian
1.2 Antas ng pamumuhay

3. Ano ang antas sa paggamit ng social media o social networking sites ng mga
mag-aaral kung papangkatin ayon sa:
2.1 Kasarian
2.2 Antas ng pamumuhay

4. Ano ang antas ng impluwensiya ng Social Media sa pagpapalago ng Wikang


Filipino ayon sa gamit:
3. 1 Paglalaro
3.2 Pakikipagkomunikasyon
3.3 Pampalipas-oras
3.4 Pananaliksik

4. Nagkakaroon ba nang makabuluhang antas ng pagkakaiba ang impluwensiya ng


social media kung papangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang kasarian at
antas ng pamumuhay?
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 20
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

1.4 Haypotesis

Ang haypotesis sa pag-aaral:

1. Walang makubuluhang pagkakaiba ang propayl ng mga mag-aaral na


gumagamit ng Social Media kung papangaktin ayon sa kasarian at antas ng
pamumuhay.

2. Walang makabuluhang pagkakaba ang antas ng paggamit kung papangkatin


ayon sa kasarian at antas ng pamumuhay.

3. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng paggamit ng Social Media.


Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 21
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa mas malawak na pag-unawa at


makapagdulot ng pakinabang at kahalagahan sa mga sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mas lalo


nilang maintindihan ang kabuluhan ng social media sa kanilang pagkatuto at kung
paano ito gamitin para maipalago ang Wikang Filipino.
Sa Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng kabuluhan at tulong
sa pagpapahiwatig sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtangkilik sa wika.
Sa Mga Mananaliksik. Sa kanilang pagbuo ng iba pang kagamitang
pangedukasyon sa paghahanda na mapapakinabangan ng mga guro tungo sa
pagpapalago ng wikang pambansa.
Sa Mga Manunulat. Sa kanilang pagpaplano ng mga bagay upang mailahad
ang kabisaan ng pagpapalago ng wikang Filipino upang mapakinabangan ng mga guro
at mag-aaral.
Komisyon ng Wikang Filipino. Sa kanilang pagpupursigi na maisulong na
maiangat ang antas at kahalagahan ng Wikang Filipino gamit ang makabagong
teknolohiya para lalong maging mabisa at mas mapabilis ang pagpapalawak ng
kaalaman ng bawat isa sa sariling wika.

1.6 Saklaw at Delimitasyon Ng Pag-Aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang malaman ang impluwensiya ng Social Media sa


pagpapalago ng wikang Filipino. Anupa’t ang desinyong ginamit ay ang Desinyong
Deskriptibo, na kung saan tinaya at masusing pinaghambin ang antas ng pagkakaiba
gamit ang kasarian at antas ng pamumuhay at malaman ang antas ng impluwensiya
ayon sa kanilang paggamit.

Ang tatlumpo’t anim na mga mag-aaral na sumailalim sa pag-aaral ay ang


mga kumukuha ng kursong BSE- na nagpapakadalubhasa sa Filipino na nasa ikalawang
taon, taong panuruan 2015-2016 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Bisayas,
Lungsod ng Cadiz.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 22
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Ginamit ang kabuuang bilang sa pagtataya . Tinukoy rin ng mga


mananaliksik ang propayl at makabuluhang pagkakaiba ng antas ng impluwensiya ng
Social Media gamit ang kasarian at antas ng pamumuhay.

1.7 Katuturan ng mga Terminilohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod na mga terminolohuya ay binigyang-kahulugan batay sa


konseptwal at kung papaano ginamit ang mga ito sa pag-aaral upang maiwasan ang
maling pagpapakahulugan at interpretasyon ng buong konsepto sa pananaliksik.
Kaya’t minarapat ng mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na
terminolohiya na ginagamit sa pag-aaral.

Social Media. Mga website at aplikasyon na nagpapahintulot sa mga ginagamit upang


lumikha at magbahagi ng nilalaman o upang lumahok sa mga social networking sites.

Teknolohiya. Ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at


proseso upang tumulong sa paglunas ng suliranin ng tao.

Impluwensiya. Ay isang lakas, puwersa o kapangyarihang nakapagpapabago na


nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay na naimpluwensiyahan nito. Maaari
itong sinadyang binalak ng iba, o maaari ring resulta na hindi binalak na naganap dahil
sa ibang mga kaganapan.

Paglago.Ito’y nagpapahiwatig ng pag-unlad at nagsaad ng patulog na pagbabago.

Wikang Filipino. Ang pambansang wika ng Pilipinas. Bahagi na pangaraw-araw na


pakikipagtalastasan at lingua franca ng mga Filipino.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 23
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga basahin na may


kinalaman sa ginawang pag-aaral. Nagbibigay rin ito ng higit na mainaw na kaalaman
sa literature at pag-aaral inilakip sa pananaliksik ang motibo ay madagdagan ang
kaalaman ng mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-
aaral. Mayroon ding bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu
particular sa pananaliksik.

2.1 Mga Literaturang Konseptwal

Galing sa pananaliksik nina (Leonardo et.al,2014)


Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Languange Acquisition
Device(LAD). Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar
in their brains—basic rules which are similar across all languanges.

Antonio Pigafetta (1521), mas maaga pa napormalisa ang wikang Filipino ngayon
kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang lugar na naiintidihan sa
kahit saan mang dako ng bansang Pilipinas. Katulad na lamang ng mga salitang buhok
at ngipin. Ibig sabihin nagkakaisa na ang bawat mamamayang Filipino sa usapin
tungkol sa wika.

Barker at Barker (1993),ikinukunekta ng wika ang nakaraan sa kasalukuyan at ang


hinaharap. Iniingatan din nito ang kultura, tradisyon at paniniwala ng isang lipunan o
pamayanan. Maaring mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng
wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, prinsipyo
at maging ang kanilang mga plano at dahilan para sa hinaharap.Sa pamamagitan nito,
ang sumusunod at susunod pang mga henerasyon ay natututo o maaring matuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman
kaya ay naitutuwid o maitutuwid ang mga dating pagkukulang at pagkakamali.
Masasabi kung sa gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo intelektwal,
sikolohikal at cultural na aspeto.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 24
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education


Ayon kay Rene Descartes, ang tao ay hindi pangkaraniwang hayop kung kaya’t
likas sa kanya ang guamagmit ng wika sa aangkop sa kanyang kalikasan bilang tao.
Mayroong aparato ang tao lalo na sa kanyang utak gayundin din ang pagsasalita upang
magamit sa mataas at komplikadong antas ng wikang kailangan hindi lamang para
mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.

Ayon kay Edward sapir, ang wika ay isang likas at makabagong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.

Ayon kay Anonuevo at Nocum, ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay


nagbibigay daan sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga mamamayan at ng iba't-ibang
aspeto ng isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa
sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi
nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog PilipinO/Filipino:


Do they Differ sa bisa ng Exectuive Order. 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo
ng Wikang Pambansa.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001)sapagkat ang Pilipinas ay


mmultilinggwal at multicultural, nabubuklod angating mga watak-watak na isla ng
iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon
kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi
matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan
ng isang bansa.

Ayon kay Mallary Jean Tennore, higit na nakakatulong ang social media sa
pagpapaunlad at pagpapalakas ng wika. Ang wika ay palagi at patuloy na
nagbabago(nageevolve) at ang magandang salik ng pagbabagong ito ay ang
teknolohiya.Ang Social media ang nagdadala sa atin sa makalumang panahon ng
pakikipagkomunikassyon o pakikiapg-usap gamit ang pagsasalita, dahil ito ay isang
konbersisyunal na pakikipagtalastasan.Ang SNS ang tumutulong sa pagpapakilala ng
mga bagong salita at kaalaman.

Ang social media ay gumagawa upang mapadali ang lahat sa kasaysayan lalong
lalo na sa aspeto ng pagbabago ng wika.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 25
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education


Ayon kay Boeree (2003) na ipinakita sa pag-aral nina------ang paglikha ng mga
ideya ay mabilis na kumakalat sa iba pang tao kaya’t nagkakaroon ng pangalan o
katawagan ang mga bagay-bagay.

Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan
at pagkakabilang. Iminungkahi niya na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao ang pagkakaroon ng wika.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistemang pakikipag-ugnayan sa mga tao


na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya saisang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang
pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyonng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. 

Ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin
ang nilalamang binuong gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isangmatibay at
malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal.

Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga gumagamit ng internet ang


patuloy na gumugugol ng oras para bisitahin ang maraming mga site ng social media
kaysa sa anumangi ba pang uring site.

Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin ang katotohan ang malaki ang
naiaambag ng social media sa ikauunlad ng anumang aspetong buhay ng isang tao. 

Ang pangunahing benepisyong social media ay ang kakayahan nito na magbigay


ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o
malayo sa iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang mas malayo,
mas malawak na hanay ng mga opinyon. Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi
ang iyong opinyon sa mas maraming mga tao kahit saanmang bahagi  ng mundo. Dito
ay maaarimo ring limitahan ang mga tao na mayroong parehong opinyon at paniniwala
sa iyo at limitahan ang mga taong gusto mong makatransaksyon. 
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 26
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education


2.2 Mga Literaturang Pananaliksik

Apektado ang wika sa paglitaw ng mga imbensyon, inobasyon o pagbabago at


sistemang tumutugon sa pagtaas ng lebel ng impormasyon.Pininiwalaan na ang mga
makabagong teknolohiya at kalakaran ng kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing
nab anta bagkus ito ay magsisilbing isang hamon sa bawat isa (Quijano, 2015).

Ayon sa pag-aaral ni Rozal (2015), ang pinakapopular na social media site ay


ang Facebook. At ang iba pa nito ay katulad ng Edmodo, Twitter, Google Apps, I-
ready, Slide Share, Instagram at KhaN Academy.
Anonuevo at Nocum (2015), Nangunguna na danang pag-gamit ng mgaSocial
Media Sites na patok sa makabagong panahon. Ito ay uri ng pahayagan kung saan
inilalahatla mo ang iyong nararamdaman, nababasa, nakikita o anomang bagay na gusto
mong sabihin na nangyayari sa iyong buhay. Ito'y mistulang dayari ngunit ito ay
nakikita ng ibang tao o ng iyong mga kaibigan. Sa panahon ngayon karamihan ng tao
ay gumagamit na ng Social Media Sites.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.


Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o
paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang
paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o
tumatayo bilang kapalit ng salita. Hinggil sa pag-gamit natin ng teknolohiya saating
pang araw-araw na komunikasyon at pakikipag-halubilo sa kapwa tao. Malaki ang
nagiging epekto ng teknolohiya sa ating wika at komunikasyon. Karamihan ay mga
salitang gawa ng tao na nagiging normal na sa wika ng Filipino at ito ay nagiging
batayan ng bawat indibidwal o grupo sa isang komunidad. Nang kadahilanan ng
teknolohiya, malaki at marami ang naging impluwensya nito sa komunikasyon at
wikang Filipino.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 27
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Sa pag-babago ng panahon, pag-dating o pag-imbento ng mga bagong salita, mga


bagong paraan upang daan sa komunikasyon ng tao. Hindi man lahat ito ay nakakabuti
meron paring parte nito ay nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na buhay upang
makipag talakayan o sa pakikipag-usap natin sa kapwa tao. Ito ay naging daan kung
saan nagiging madali ang ating pakikipag komunikasyon sa iba’t ibang tao. Naging
paraan din ito upang mapadali ang paglalahad ng nararamdaman at nasa isipan ng isang
indibidwal. Ngunit meron din itong mga panganib at maling pag-gamit na pwedeng
makasira sa komunikasyon ng bawat isa. Na nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng
pagkakaisa ng bawat indibidwal. Katulad nalang ng pagkakaiba-iba ng mga salita na
naiimbento ng isang grupo sa isang komunidad na nagiging sanhi ng hindi
pagkakaintindihan o pagdidiskriminasyon sa isa’t isa. Ang pag lalahad ng damdamin at
isipan sa publiko sa pamamagitan ng Social Media Sites kung saan nagiging hindi
maganda hinggil sa pang pipintas ng iba at pang huhusga. (http://filipino3bsit3-
2.blogspot.com/2015/08/wikang-filipino-komunikasyon-sa_20.html)
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 28
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

KABANATA III

METODOLOHIYANG PAMPANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga kinalap na pamamaraan,
instrument, neribesang mga katanungan at istatistikal na datos. Deskritiptiv-Komparativ
na metodo ang ginamit sa pag-aaral na ito, inilarawan at inihambing ang propayl at
antas ng paggamit ng Social Media sa pagpapalago ng Wikang Filipino.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito ang paghahambing sa ng propayl ng mag-aaral na


gumagamit at ang antas ng paggamit ng Social Media. Para mabatid ang antas ng
kakayahan sa paggamit ang disenyong Deskriptiv-Komparativ ang ginamit.

Sinimulan ng mga mananaliksik ang pagbabasa, pagtatala at pangangalap ng mga


datos sa iba’t ibang aklat, proyekto, tesis, e-journals, internet-based na babasahin at iba
pang uri ng print media upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa suliraning
nabanggit.Ang mga mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang sangunnian aupang
makaipon ng mga sapat at karampatan na mga datos at impormasyn.

3.2 Kasali sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa isasagawang pag-aaral na ito ay ang mga nasa ikalawang taon
na kasalukuyang kumukuha ng BSE na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa taong
panuruan 2015-2016 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Bisayas, Lungsod ng Cadiz,
Lalawigan ng Negros Occidental.

Sa kasalukuyan ay may talumpo’t anim na respondentekaming makukuha na kung


saan ang tatlumpo’t isa (31) ay babae at anim (6) ang lalaki. Ang mga mananaliksik ay
gagamit ng kabuuang bilang sa paggamit ng kanilang instrumento sa pananaliksik.

Kaligiran ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral sa Ikalawang Taon na


kumukuha ng BSE-Filipino ng Pamantasang Normal ng Pilipina-Bisayas, Lunsod ng
Cadiz, Lalawigan ng Negros Occidental.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 29
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education


3.3 Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Sapagka’t ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang impluwensiya ng Social Media sa


pagpapalago ng Wikang Filipino gumamit ang mga mananaliksik ng sariling gawang
katanungan. Ang talatanungan ay binuo ng dalawampung (20) bilang g mga aytem
ayon sa uri ng paggamit.

Kahusayan ng Instrumentong Ginamit

Matapos ginawa at nirebesa ang talatanungan, sinubok ito ng mga mananaliksik sa


ibang mag-aaral upang matiyak ang baliditi nito.Ang kabuuang bilang ng mga aytem
dalawampu’t (20) na sinubok sa mga mag-aaral. Ayon kay Quijano (2015), na sinabi ni
Cañeda (2014) sa David (2015), ang baliditi ay tumutukoy sa hangganan ng isang
instrumenting talatanungan na makakuha ng sapat na mga datos o impormasyong
gusting tasahin ng mananaliksik.

Ang mga talatanungang narebisa’t binuo ay inihanda para sa pagababalido ng bawat


aytem ay gumamit ng balidasyong pang-jury. Tatlo sa mga dalubhasa sa larangan ng
pananaliksik, linggwistika at asignaturang Filipino ang binigyan sa kopya ng
talatanungan upang ipasuri at ikunsulta ang katumpakan na ginawa.

Ang pag-aaral na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Bisayas na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ang
populasyon ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong ito sa pamantasan ay talumpo’t
anim (36) na may limang lalaki at anim na babae.Isisasagawa ang pag-aaral na ito sa
ikalawang semester ng taong panutuan 2015-2016.

3.4 Pamamaraan sa Paglikom ng mga Datos

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay humingi ng


pahintulot sa Dekanang Pangakademiko, Associate na Dekana para sa Panggurong
Kaunlaran at ang Tagapayo ng mga repondente na kasalukuyang itinalaga sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Bisayas, Lunsod ng Cadiz. Para masiguro ang
makatotohanang pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik mismo ang nagturo a
nagbigay ng mga talatanungan sa mga respondent para sa pag-alam ng impluwenisya
ng Social Media sa pagpapalago ng Wikang Filipino.
Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapalago ng Wikang Filipino 30
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-VISAYAS

The National Center for Teacher Education

Pagkatapos malikom ang mga kaukulang datos, isinagawa ang mga sumusunod:
pagtatali, paghahanay, pag-aanalisa at pagbibigay ng karampatang interpretasyon sa
mga datos para sa bawat tama at tiyak na mga katanunganm masagot din ang mga
inihandang haypotesis.

3.5 Pag-analisa ng mga Datos

You might also like