You are on page 1of 2

ANG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

Ang Mahal na Birheng Maria ay nagpakita ng 18 beses sa pagitan ng Pebrero 11 hanggang


Hulyo 16, 1858 – kay Bernadette Soubirous. Ang lahat ng “aparisyon” o pagpapakita ng Mahal
na Ina ay naganap sa isang ‘grotto’ na tinatawag na “Massabielle” sa tabing-ilog malapit sa isang
pook-pamilihan sa bayan ng Lourdes.
Noong Pebrero 11 ng nasabing taon, Si Bernadette na 14 na taong gulang na anak ng isang
‘miller’ ay inutusang kumuha ng panggatong sa tabing-ilog, kasama ang dalawa pang bata (na
hindi nasaksihan ang aparisyon). Si Bernadette ay nagulat sa nakita sa grotto – pumapagaspas
ang mga dahon, at nakakita siya ng “babae na nakasuot ng puti, na kasintangkad niya, at binati
siya sa pamamagitan ng pagtango ng kaniyang ulo.” Ang babaeng ito ay may gandang hindi
masayod ng dila. Mayroon siyang asul na laso sa kanyang baywang at ang kanyang mga paa ay
naliligiran ng mga dilaw na rosas. Mayroong isang rosaryong nakasabit sa kanyang braso, at tila
ba ay iniimbitahan niya si Bernadette na magdasal kasama siya. Hindi sila nagusap o nagsalita
ng anuman, at pagkatapos ng pagdarasal nila ng rosaryo, ay nawala ang pagpapakita.
Ang mga pagpapakita ng magandang babaeng ito ay naulit noong Pebrero 14 at 18, 1858. At
noon ngang Pebrero 18, tumanggi ang babaeng isulat ni Bernadette ang kanayang pangalan sa
isang papel, ngunit nagtanong ang magandang babae: “Maaari ka bang pumunta rito araw-
araw sa loob ng dalawang lingo para sa akin?”
Tumupad si Bernadette sa ninais ng babae, kahit na siya ay pinipigilan ng kaniyang ina. At sa
mga araw ng kanilang pagkikita ay binigyan siya ng babae ng mga lihim na mensahe at mga
mensahe na dapat marinig ng buong mundo.
Sa ika-siyam na aparisyon (Pebrero 25, 1858), Nangusap ang babae kung maaari bang uminom
si Bernadette sa bukal. Wala namang nakitang bukal doon ang batang si Bernadette, kaya’t siya
ay dumakot ng lupa sa likod ng yungib ng grotto, lumuhod, at nakainom mula sa tubig na
bumukal sa lupang iyon sa grotto.
Nang sumunod na araw, napatunayan nga na mayroong bukal sa grotto, na hanggang ngayon
ay nakapagbibigay ng 27,000 gallon sa araw-araw. Naroon na nga ang bukal, subalit si
Bernadette ang nagging daan upang ito ay pakinabangan ng lahat. Nang gabi ring iyon, may
isang bulag na minero na ang ngalan ay Louis Bouriette – pinapunta niya ang kanyang anak na
babae sa bukal para kumuha ng tubig. Ito ay inihilamos niya sa kanyang mga mata, at
makaraan ang tatlong araw ay nakakita na siya. Ito ang unang himala ng Birhen ng Lourdes.
Ang kapistahan ng pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Lourdes ay ipinagdiriwang tuwing ika-11
ng Pebrero. Si Bernadette Soubirous ay ipinahayag na santa ng simbahan noong Disyembre 8,
1833. Ang kaniyang kapistahan ay tuwing Abril 16.

You might also like