You are on page 1of 6

San Lorenzo School

608 Mayumi st. USPS. San Pedro City Laguna


S.Y. 2019-2020

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


KONTEMPORARYONG ISYU
Ikatlong Markahan

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa:
mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan
upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay:
nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay– pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.
D. Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian.
AP10KIL-IIIa-2
I. NILALAMAN
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Pinakapaksa: Uri ng Kasarian

II. Kagamitang Panturo


Laptop, DLP, Manila paper, Strips of Cartolina
A. Sanggunian
1. TG - pahina 220 hanggang 225
2. LM-pahina 262 hanggang 266

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Pagbabalik Aral:
Isang napakagandang umaga sa inyong
lahat mga minamahal kong mga mag-aaral.
Bago natin simulan ang lahat ay nais ko
munang tumayo ang lahat para sa isang
panalangin.

Maraming salamat! Maaari ng maupo ang


lahat. Ngayon bago natin simulan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito ay nais ko
munang magbalik tanaw tayo sa nakaraan.
Balikan muna natin ang ating tinalakay
kahapon.

Batay sa natalakay natin sa nakaraang


leksyon ano ang pagkakaiba ng gender at sex?

B. Paghahabi sa Layunin:
Maari nyo bang basahin ang ating layunin
sa araw na ito ng sabaysabay? (Powerpoint
slide)
Gawain 1: Buuin ang mga pinaghalo-halong letra 1.KASARIAN
upang makabuo ng salita.

1. ANKASARI
2.TAO

2. OTA
3.GENDER

3. GERDNE
4.SEX

4. EXS 5.LGBT

5. BGLT

C.Pag-uugnay ng halimbawa
Pagpapakita ng larawan.
Gawain 2. Ipakita Ko, Tukuyin Mo!
(Four Pics one word)
Handa na ba kayong umpisahan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito? Kung kayo’y
handa na, itaas ang inyong kanang
kamay.Ngunit bago ang lahat ay magkakaroon
muna tayo ng isang laro, ang larong ito ay
tatawagin nating “Ipakita Ko, Tukuyin Mo!”.
Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Meron
akong ipapakitang mga larawan, ang inyong
gagawin ay huhulaan ninyo kung sino ang
pangalan at ano ang uri ng kasarian ng
nasabing larawan sa pamamagitan ng paunahan
ng pagsagot gamit ang metacards. Handa na ba
kayo? Isa, dalawa, tatlo… 1.Rodrigo Duterte - Lalaki
2. Marian Rivera - Babae
1. 2. 3. Vice Ganda - Gay
4. Aiza Seguera - Lesbian

3. 4.

- Opo/hindi Ma’am!
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o
ipinahihiwatig ng bawat larawan? - Ang naging basehan po namin
2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa ay kilala sila sa industriya ng
pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan? telebisyon.

Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa


ating panibagong aralin sa araw na ito. Mayroon
na ba kayong ideya kung ano ang ating pag-
aaralan sa araw na ito?

D. Pagtalakay sa konsepto
Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay
tungkol sa Uri ng Kasarian.

1. Babae-
Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo! 2. Lalaki-
Sa pagsisimula,magkakaroon tayo ng 3. Lesbian (tomboy) - Sang babae
Pangkatang Gawain. Hahatiin ko kayo ulit sa na may emosyonal at pisikal na
limang pangkat. Ang bawat pangkat ay atraksyon sa kapwa babae at
bubunot ng kani-kanilang numero. Bibigyan ng kinikilala ang sarili bilang
tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat lesbian;
na may lamang paksa o kasarian. Kailangang Jane Lynch, Amerikanang artista
ipakita ng bawat pangkat ang angkop na kilos sa Glee, isang palabas sa
telebisyon (tinatawag sa ibang
ng kasariang kanilang nabunot.Bawat pangkat
bahagi ng Pilipinas na tibo at
ay bibigyan lamang ng tatlong minuto sa tomboy)
paghahanda at dalawang minuto naman para 4. Gay (bakla) - Isang lalaki na may
sa presentasyon. emosyonal at pisikal na atraksyon
para sa kapwa lalaki at kinikilala
1.Lesbian ang sarili bilang gay. Ginagamit
2.Transgender din ang salitang ito para sa mga
3.Bisexual lesbyana sa labas ng Pilipinas.
4.Gay may iilang bakla ang nagdadamit
5. Transexual at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na; bakla, beki, at
bayot).
John Amaechi, retiradong
manlalaro ng NBA ;
5. Bisexual – isang tao na may
pisikal at emosyunal na atraksyon
para sa dalawang kasarian babae
at lalaki.
6. Transgender - Salitang
naglalarawan sa mga taong ang
gender identity o gender
expression ay hindi tradisyunal na
kaugnay ng kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak at kinikilala ang sarili
bilang transgender;
Sila ay maaaring transsexual,
cross-dresser, o genderqueer .

Justine Ferrer, ang unang


babaeng transgender sa palabas na
Survivor
* Transexual-mga taong binago
ang kanilang katawan o
bahaging kanilang katawan sa
pamamagitan ng
pagpapaopera.

* Cross Dressers o CD—mga


taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan.
Hal.Victoria Prince,
isang aktibistang CD
sa Amerika.
* Genderqueers—mga taong
itinatakwil ang gender binary o ang
konsepto na dalawa lang ang kasarian.
Minsathoseere are only two genders.
Naniniwala ang ibang genderqueer na
sila ay walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin (intergender).
Hal. Riki Wilchins, isang manunulat

Krayterya sa paggawa ng Gawain:


1. Nagawang mabuti ang kilos 25
2. Wastong datos 25
Kabuuang puntos: 50

E. Paglinang sa Kabihasaan
Pagbigay ng mga pamprosesong tanong ukol
sa isinadula ng bawat pangkat.

1. Ano ang naging saloobin ninyo habang


ginagawa ang pag-uulat at kilos?
2. Batay sa isinagawang gawain ng bawat
pangkat,paano nagkakaiba ang katangian ng
bawat kasarian?
a. Emosyon
b. Kilos

F. Paglalapat ng Aralin
Pagtanong sa mga mag-aaral. 1. Aiza Seguerra
Sino-sino ang mga kilala ninyong 2. Vice Ganda
personalidad o celebrity na masasabing: 3. Charise Pempengco
1. Lesbian o Tomboy 4. Ellen de Generez
2. Gay o Bakla 5. Rustom Padilla
3. Transgender
4. Bisexual
5. Transexual

- Opo ma’am, meron pong


lalaki, babae, tomboy at bakla
G. Paglalahat ng Aralin
Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong - Ang konklusyon ko po ay
iba’t ibang uri ng kasarian? tanggap na sa bansang
Pilipinas ang mga tinatawag na
Kung meron, ano ang inyong mabubuong LGBT.
kunklusyon dito?
- Maipapakita ko po ito sa
pagbibigay ng respeto kung
ano mang uri ng kasarian ang
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa kanilang gusto, dapat
bawat kasarian? tanggapin at walang
pagdidiskrimina sa kanila

H. Pagtataya ng Aralin
Gawain: Tukuyin ang bawat pahayag kung
anong uri ng kasarian ito at piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Bisexual Lesbian
Transexual Gay
Transgender Babae

- Transexual

_______1. Mga taong binago ang kanilang - Gay


katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera.
_______2. Mga lalaking nakararamdam ng
atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang
babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na; bakla, beki, at bayot). - Transgender
_______3. Kung ang isang tao ay
nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma. - Bisexual
_______4. Mga taong nakararamdam ng
atraksyon sa dalawang kasarian babae at lalaki. - Lesbian
_______5. Sila ang mga babae na ang kilos at
damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

I. Takdang Aralin:
Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at
isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex
mula sa mga natutunan mo sa aralin sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa mga
pangungusap sa ibaba.
Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng
kasarian.
Mula sa araling ito, natutunan ko na merong
iba’t ibang uri ng kasarian ito
ay____________________________________
_____________,transgender naman
ay____________________________________
___________________________samantalang
ang lesbian naman ay tumutukoy
sa___________________________________.

IV. MGA TALA/PAGNINILAY


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking na solusyunan sa tulong ang aking punung guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko
guro

Inihanda ni:

JIJI A. ABADIANO
Araling Panlipunan Teacher

Pinuna ni:

SEPHORA M. ROLDAN
EPS-Araling Panlipunan

You might also like