You are on page 1of 1

HEKASI 6

I. Identification
1. Ibigay ang inilalarawan ng leon na nasa simbolo ng kalayaan ng bansang Pilipinas
2. Inilalarawan ng agilang nakabuka ang pakpak
3. Inilalarawan ng araw
4. Inilalarawan ng tatlong bituin
5. Kahulugan ng “Republika ng Pilipinas”
6. Tumutukoy sa pagkakaroon ng isang bansa ng kapangyarihang makapagsarili at pamahalaan
ang buo nitong nasasakupan
7. Kapangyarihan ng bansang mamuno at magpatupad ng batas sa lahat ng nasasakupan nito
8. Kapangyarihan ng bansang maging Malaya sa pakikialam ng ibang bansa
9. Ito ay isang mapayapang kilusan tungo sa pagbabago na itinatag noong 1892
10. Mga nobelang nagpapahayag ng kalupitan at pang-aabuso ng mga pinunong Espanyol at prayle.
11. Mga katha ni Jaena na nagpapahayag ng kahiya-hiyang pamumuhay ng mga paring Espanyol.
12. Naging patnugot ng pahayagang “La Solidaridad” na itinatag ng mga propagandista
13. Naging patnugot ng pahayagang “Kalayaan ng Katipunan” at naghanda ng Kartilya ng
Katipunan.
14. Batas na nilagdaan para sa pagtatakda ng 10 taong panahon ng transisyon ng malasariling
pamahalaan na tinawag na Pamahalaang Commonwealth upang ihanda ang bansa sa pagsasarili
sa 1946.
15. Sinalungat niya ang pakikipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano kaya nagtatag siya ng
pamahalaan sa Katagalugan.

II. Sagutin ng Tama o Mali


16. Layunin ng La Liga Filipina na gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas
17. Layunin ng kilusang Propaganda na paunlarin ang edukasyon, agrikultura at pangangalakal
18. Tinuligsa ni Marcelo H. del Pilar ang mga prayleng Espanyol sa pamamagitan ng dahas na
pakikipaglaban
19. Ang Pilipinas ay may karapatang makipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa
20. Karapatan ng Pilipinas na bilhin sa makatarungang halaga ang anumang ari-arian kung
gagamitin ito sa kapakanang pampubliko
21. Ang soberanya ay maaaring angkinin ng iba
22. Ang lahat ng pag-aari ng bansa ay saklaw ng soberanya
23. Ang isang bansang malaya ay may soberanya
24. Ang pagiging malaya mula sa pakikialam ng ibang bansa ay karapatan ng Pilipinas
25. Ang paglaya ng Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan ay siyang pangunahing layunin ng KKK.

III. Ibigay ang buong petsa kung kailan naganap ang mga makasaysayang pangyayari
26. Noong _________, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng United States at Spain
27. Nagsimula noong __________ ang rebolusyon sa Pilipinas
28. Itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK noong ___________
29. Ang ibinigay ng Estados Unidos na kalayaan ng Pilipinas na __________ ay itinuturing na
American-Filipino Friendship Day
30. Ang kinikilalang kalayaan ng Pilipinas ay _________

You might also like