You are on page 1of 3

MAR CHRISTIAN MARTILLANO y MALAPAD

BSCE-5B

REAKSYON SA PELIKULANG “Jose Rizal”

Bilang isang Pilipino, importanteng magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa buhay ng


ating pambansang bayani. Maliban sa pagbabasa ng libro, isa pang mainam na paraan upang
mas maunawaan natin ang tungkol sa buhay ng ating bayani ay ang pagsasapelikula nito. Sa
ganitong paraan, mas napalawig pa ang aking kaalaman tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino
noong mga panahon ng mananakop, at kung paano ipinaglaban ng ating mga bayani ang
kalayaan.

Napakaganda ng pakakagawa ng pelikulang ito, na kung sakaling mapanood ito ni Jose


Rizal ay talagang magugustuhan niya ito. Ang pagkakagawa ng pelikulang ito ay mukhang
pinaghandaang mabuti at pinagkagastusan upang maging perpekto ang palabas. Ang ginawang
lokasyon ng palabas ay talagang makatotohanan na tila parang nasa panahon ka ng Kastila.
Mahusay ang pagkakaganap ng mga aktor sa pelikulang ito. Labis ko hinangaan ang katapangan
ng mga gumawa ng pelikulang ito, dahil ipinakita nila ang kabuohang pangyayari maging ang
kalupitan ng mga Kastilang pari noong panahong iyon, sapagkat maaaring may magalit sa
kanila, dahil tayo’y isang katolikong bansa.

Ipinakita sa pelikulang ito ang buhay ni Rizal simula noong kanyang pagkabata hanggang
sa siya’y bawian ng buhay ng mga Kastila. Binigyang pansin dito ang mga mahahalagang
pangyayari sa kanyang buhay na nagbigay motibo sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan, ang
mga sakripisyong kanyang ginawa para sa bayan at kung gaano siyang kahusay bilang isang
manggagamot, manunulat, anak, kapatid at maging mangingibig. Labis kong nagustuhan ang
huling parte ng pelikula kung saan bumagsak siya sa lupa na nakaharap sa langit, tinitingnan ang
pagsikat ng araw habang naghihingalo. Dahil sa pelikulang ito, mas lalo kong naunawaan at
napahalagahan ang mga sakripisyo at pamanang ipinagkaloob nila sa atin.

ROSE ANN J. LAURESTA


BSCE-5B

Malinaw at magandang naipakita ng mga tauhan na nagsiganap ang mga karakter sa


pelikulang aking pinanuod. Dahil sa aking napanunuod ay mas lubusan kong naintindihan ang
dating kalagayan ng ating bansa noong tayo ay nasa ilalim pa ng pamahalaang Espanya. Ang
kabuuhan ng pelikula ay umikot sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw ng iba’t ibang yugto ng
buhay ng ating pambansang bayani. Inilarawan dito ang buhay niya mula pagkabata hanggang
sa makapag aral siya sa kolehiyo. Maging ang mga nobela at tulang ginawa niya ay ipinakita rin.
Labis na naantig ang aking damdamin sa mga nasaksihan kong pagpapahirap sa mga Pilipino
noon, lalo na ang pagpapahirap na ginawa nila kay Paciano na nakatatandang kapatid ni Dr.
Rizal.

Pantay-pantay na pagtingin ang tanging nais ng ating pambansang bayani. Masasabi


kong hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng pantaypantay na pagtingin ang bawat isa
sa atin. Isang halimbawa nito ay ang kasalukuyang nangyayari sa ilang pribadong paralan. Kapag
galing sa mayamang pamilya ang isang estudyante ay may mga pagkakataong mas pinapanigan
siya ng mga guro kaysa sa mga kapuspalad o mahihirap na estudyante.

CHRISTIAN MONTECLARO y CHIONG


BSCE 5B

Pagkatapos kong masilayan ang palabas na ito, lubhang pumukaw sa aking isipan at sa aking damdamin ang hindi ko
maintindihang reaksiyon. Hindi ko batid ang damdamin na aking nararamdaman, sa aking palagay ito ay galit,kasiyahan,
paghanga at matinding kalungkutan.
GALIT!.. dahil sa kabila ng mga nagawang kabutihan ng ating mahal at huwarang bayani ito pa ang naging mitsa ng
kanyang buhay. Nahatulan siya ng kamatayan dahil sa kanyang mabuting mithiin sa ating inang bayan, sa pag salba sa mga
pilipinong sunod-sunuran sa mga kastilang walang puso at kaluluwa.

KASIYAHAN!.. dahil sa kabila nang lahat ng paghihirap ng ating bayaning si Dr.Jose Rizal tumatak at pumukaw sa
utak ng bawat Pilipino ang salitang kalayaan.Dito nagsimulang gumamit ng dahas ang mga Pilipino para lumaya sa matinding
pagkakagapos sa kadenang bakal na gawa ng mga kastila.

PAGHANGA!.. dahil sa katalinuhang taglay ni Rizal ginamit niya itong kasangkapan upang labanan ang mga
kastilang mapagsamantala. Humanga ako ng labis dahil imbis na dahas utak ,papel at pansulat ang kanyang naging sandata upang
labanan ang mga kastilang nagpapahirap sa mga pilipinong inosente at walang kaalaman sa mga kahayupan at kababuyang
ginagawa nito sa bawat tao.

MATINDING KALUNGKUTAN!.. kung sakaling buhay pa si Rizal ngayon masisilayan niya ang kanyang nagawa sa
ating inang bansa. Isa din sa aking labis na ikinalulungkot ay ang pagpatay sa kanya na hindi naman dapat. Namatay siya dahil sa
kanyang mabuting nagawa,wala siyang laban at kapangyarihan upang pigilan ito subalit nagdulot ito ng paglaban ng mga Pilipino
sa kastila upang makalaya ang ating bansa. Naging daan ito upang kumilos tayo sa kadenang nakagapos sa atin.

Sa palabas na ito napakagaling ng mga nagsiganap lalo na si Cesar Montano bilang ating pambansang bayani. Sa mga
manunuod malalaman nila ang lahat ng ginawa ng ating pambansang bayani upang makalaya an gating bayan sa matinding
pagkakakulong sa rehas na gawa ng mga mapangsamantalang mga kastila.

You might also like