You are on page 1of 1

Buhay ni Flor Contemplacion Si Flor Contemplacion, isang pilipinong katulong na nakipagsapalaran sa ibang bansa ngunit naakusahang pumatay sa kapuwa

niya katulong at sa anak na lalake ng kaniyang amo. Dahil sa kahirapan ng buhay ay napilitan si Flor na magtungo sa Singapore upang maglingkod bilang kasambahay. Iyon ang napili niyang paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Hindi gaya ng ibang kasambahay, si Flor ay trinatong mabuti ng kaniyang mga amo, subalit ang magandang kapalaran ni Flor ay biglang nagbago nang maakusahan siyang pumatay sa kapwa niya kasambahay at sa anak na lalaki ng kaniyang amo. Ang hatol na kamatayan ng hukuman ng Singapore ay tinumbasan ng matinding simpatiya at protesta mula sa mga kapwa Pilipino na naniniwalang inosente siya. Maging ang gobyerno ng Pilipinas ay umapela upang magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon ngunit naging matigas ang desisyon ng gobyerno ng Singapore at natuloy ang hatol na kamatayan kay Flor.

You might also like