You are on page 1of 8

“Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon”

Ang isa sa mga nakaraan na maaalala mo na nangyari sa Pilipinas makalipas ang isangdaang taon ay ang
pagpupumilit ng mga mamamayan sa reporma na pinagbigyan ng Espanya ngunit ang ibang humiling lamang para
rito. Nagkaroon, bagaman sa maikling pagkakataon, ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes. Sa kakulangan ng
pagbabago ay 200 Pilipinong sundalo ang nag-alsa sa Cavite nang sumunod na taon. Dahil dito, maraming liberal at
repormista ang dinampot at ipinatapon.
Ang panahon naman sa kasalukuyan ay may mabilisang paglaganap ng mga balita at kaisipan sa buong kapuluan.
Narito ang radyo, dyaryo, telebisyon, at maging ang internet. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay pinag-aaralan sa mga
klase at hanggang ngayon.

Ngunit ang karapatan ng mga mamamayan sa edukasyon ay hindi pa sapat na naibibigay ng estado. Maging ito ay
ginagamit upang pigilin ang mga Pilipino na maging kritikal sa mga pangyayari. Laganap pa rin ang paniniwala ng
karamihan na ang pagiging matanong ng mga kabataan ay hindi nakakabuti. Ngunit isa itong negatibong pag-iisip na
hindi naman dapat paniwalaan.

Sa larangan naman ng paggawa ay halos wala pa ring pagbabago. Karamihan sa mga manggagawa ay inaapi at hindi
nabibigyan ng sapat na suweldo. Malaki rin ang impluwensiya ng mga mayayaman sa mga patakaran sa
pamahalaan. Isa sa mga patunay rito ay ang North Expressway sa may lugar ng Pampanga at sa mga daanan sa
Negros. Ang mga ito ay humahati sa kalagitnaan ng taniman ng asukal at kaakibat nito ay isang malawak na
network ng mga daan sa buong lupain. Mahirap bigyan ang mga mayayamang uri ng bahagi sa rebolusyon dahil nais
nilang maprotektahan ang kanilang mga pag-aari. Sa mga kaguluhan, sila ang mawawalan ng pinakamaraming pag-
aari. Sa panahon ng Rebolusyon, sinuportahan nila ang ibang mga Pilipino. Ngunit nang makita nila ang
pagkakataon na magkaroon ng mga katungkulan sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano, nakipagkasundo sila
na tumigil sa pakikisali sa Rebolusyon. Hanggang ngayon ay mapapansin natin ang pagkiling ng mga mayayamang uri
sa status quo, na kung saan ay mananatili sa kanilang pag-aari ang kanilang mga yaman. Ani ni Guerrero, hindi pa
tapos ang rebolusyon na nagsimula pa noong 1896. Ang mga kabataang Pilipino ang tagapagmana ng Rebolusyong
Pilipino sa panahon ngayon.

Ayon kay Rizal sa kaniyang sanaysay na Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon, “dalawa lang ang patutunguhan ng
Pilipinas: ang magpatuloy bilang sakop ng Espanya, ngunit may higit na mga karapatan at kaluwagan, o kaya’y
magpahayag ng kanilang kasarinlan, pagkatapos magbubo ng dugo at maduguan naman ang Espanya”. Aniya,
nangangailangan ang Pilipinas ng isang malayang pahayagan dahil “ang isang bansa’y iginagalang sa hindi pagsang-
ayon ni pagtatakip sa mga pagmamalabis, kundi sa pagpaparusa’t hindi pagsang-ayon sa mga iyon”.
Nangangailangan din ang mga Pilipino ng mga kinatawan, na makakatulong sa pamamahala. Kinakailangan din aniya
na paunlarin ang pagtuturo at ang mahigpit at madaling paggawad ng katarungan.

Ang pagkakaloob ng mga katungkulan at mga gawain ay dapat idaan sa pagsusulit; ang mga gawang isinali at ang
mga pasiya ay nararapat ilathala. Naghahangad din siya ng pagbabago sa pangangalakal, pagsasaka, at iba pa.
Marahil, lahat naman ng mamamayan ng Pilipinas ay naghahangad ng totoong pagbabago ngunit ang pagbabago ay
dapat munang umpisahan sa ating mga sarili. Ito ay upang laganap na mawakasan ang pagkatamad at kaisipang
kolonyal.
Ang sanaysay na "Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon" ay bahabahaging
lumitaw sa LaSolidaridad mula noong Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1,
1890. Ihinayag ni Rizal ang mga maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng isang
daang taon. Binigyan niyang pansin ang nakaraan upang alamin ang mga maaaring
kaganapan sa hinaharap.Ang sanaysay na "Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang
Taon" ay bahabahaging lumitaw sa LaSolidaridad mula noong Setyembre 30, 1889
hanggang Pebrero 1, 1890. Ihinayag ni Rizal ang mga maaaring maganap sa
Pilipinas sa loob ng isang daang taon. Binigyan niyang pansin ang nakaraan upang
alamin ang mga maaaring kaganapan sa hinaharap.Unang Bahagi: Upang malaman
ang Hinaharap, kailangang buksan ang Pinto ng KahaponKakakabit pa lamang ng
Pilipinas sa Espanya ay dumanas na ito ng malawakang pagbabago sa batas,
relihiyon, at mga paniniwala. Naging maunti, mahirap, at mabagal ang mga Pilipino
bunga ng malabis at mabilis na pagbabagong ito. Nawalan sila ng matibay na
paniniwala sa kanilang nakaraan, pananampalataya sa kanilang kasalukuyan, at
pagkahaling sa kinabukasan.Unti-unting nawala ang kanilang kultura at napalitan ng
ibang kasuotang hindi naman nila nauunawaan. Bumaba ang tingin nila sa sarili.
Sila’y nawasak. Pinatulog ng mga relihiyosong ritwal na sinabing nakagagaling ang
kinagisnang mga pamahiin subalit hindi nito nasira ang kamalayang Pilipino. Ang
huling plano nila ay gawing isang hayop panggawa ang mga Pilipino, sa paraan ng
di pagbigay sa kanila ng karapatan di lamang upang magkaroon ng natatanging
katangian pati rin ang tendensiyang mag bisyo.Pumalya ang kanilang plano. Ang
naghihingalong tao ay maaari pang mabuhay sa pamamagitan ng kabayanihan.
Nasagad na ang kanyang tibay at ang lakas ay muling nabuhay.Yaon ang nakaraan,
at ang ngayon ang kinabukasan? Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang,
at ang tanong na maaring sagutin batay sa panahong nais saklawin. Dahil dito,
ipapalagay nating marami tayong oras.Pangalawang Bahagi: Ano ang magiging
Kalagayan ng Bayan sa Loob sa Loob ng isang Daang Siglo.Ano ang mangyayari sa
Pilipinas sa loob ng isang siglo, lalo na kapag nahulog na ang maskara.Magiging
madali sana ang kasagutan kung naitanong na ito sa nakaraang mga dantaon.
Walang magbabago lalo na sa mga taong isinilang na nakagapos sa tanikala.Noo’y
pinamahalaan tayo ng mga Espanyol gamit ang kakaunting pulutong ng mga
sundalo at di regular na pangungusap, subalit tumagal ng 3 dantaon ang nasabing
pamamahala. Samakatuwid, sa unang tingin, ay nakatakda na ang lahat para sa
300 taon ng mapayapang pagdomina.Hindi umayon ang lahat sa inaasahan dahil
ang Pilipino na handang magsakripisyo ng lahat para sa isang hangarin ay
nakalilimot sa lahat ng kanyang sakripisyo minsang masugatan ang kanyang
pagmamahal sa sarili at hindi naman niya malimutan na ang minsang naisip niya
pero hindi natanggap. Ang dominasyong Espanyol ay lumakas pagkat hindi nakita
ng mga tao na masugatan ang kanilang pansariling pagmamahal, subalit ngayo’y
wala na silang kompiyansa sa mga protektor nila noon na ngayo’y pawang mga
mananamantala at mamimitay sa kanila (ang mga pari at ang pamahalaan).
Nalaglag na ang kanilang maskara, pekeng mukha. Nahayag na hindi lamang nila
nais na pakanin ang tao para lumaki, subalit nilason nila sila upang palakasin ang
sarili tungo sa paglaki. Gayundin, galit na galit sila ultimo sa maliliit na

mga pakikibaka. Sa panahong ito ay tumaas ang mga obligasyon at buwis, subalit
hindi ang

mga karapatan, pribilehiyo at kalayaan.

Samakatuwid, mayroong Penal Code, subalit maraming paraan upang pagdusahin


at patayin

ang isang tapat na mamayan.

Kardado na ang mga bateriya, anumang oras ay handa nang magliyab. Kapag hindi
nagbago

ang nasabing mga pinuno, mapipilitan ang bayan na kumilos maging malinaw
lamang ang

kanilang pag-iral.

Ang diwa ng bayan ay gising na, at ang mga pagpapababa sa kanila ng mga
kolonisador ay

nagbigkis sa kanila. Ang pagmamalupit na pinagdusahan nila ay hindi lamang nag-


udyok sa

mabilisan nilang pagkilos kundi nagpatibay pa man din sa kanila.

“It is impossible to brutalize the inhabitants of the Philippines!”

Ang pagsulong at etnikal na pag-unlad ng Pilipinas ay hindi maiiwasan at


nakatadhana. Kung

hindi, dadanak ang dugo sa Inang Bayan makamit lamang ng mga Pilipino ang
inaasam na

kalayaan.

Ikatlong Bahagi: Kinakailangan ang Pagbabagong Pulitikal upang Maiwasan ang

Karahasan kung hindi ay Maghahangad ang Pilipino ng Kalayaan

Kinilala ito ng mga gobernador, subalit sila’y mga nakahalukipkip lamang at ang
kanilang
pagkilos ay paiba-iba. Ang mga pagbabago ay hindi epektibo bagkus pa may
prehudisyal kapag

ginamit sa kasamaan kaya marapat lamang na gamutin sa radikal na pamamaraan.


Kaya

habang ang pamumuno ng Espanya ay gaya ng sa bulaang doktor sa Pulo ng


Barataria kung

saan ang interes ay upang hindi galawin ng Pilipinas ang mga pinagkukunang-
yaman nito

upang sila (mga Espanyol) ang magkamal nito, ang mga tao ay mabubuyong
maghimagsik

laban sa kanila.

Upang maging totoo ang mga pagbabago, dapat magkaroon ng malayang


pamamahayag. Di

tulad ng karaniwang paniniwala na mapanganib ang malayang pamamahayag,


ipinakita ng

kasaysayan na higit na marami ang mga pag-aalsa at paghihimagsik sa mga


bansang siniil

kung saan ang mga kaisipan at puso ng mga tao ay pilit na pinatahimik

At bakit nga ba hindi ginagawa ang mga reporma? Dahil ang mga pinunong Pilipino
ay isang

banta sa rehimeng Kastila. Maari silang hindi ma kontrol ng Espanya, maging


“Political

Trimmers,” o maging isang matinong pulitiko at hikayatin ang mga Indio na humingi
ng marami

pang karapatan at reporma.

Sa kabila noon at may ilan pang reporma na patungkol sa isang sibilisadong bayan.
“Kung ang

mga Pilipino ay nagbabayad ng buwis, nararapat din silang bigyan ng


karapatan”(Consejo).

Marapat din lamang na magkaroon ng pantay pantay na kumpetensya para sa mga


pwestong
pamumunuan, at tulad sa patakaran ngayon ay dapat malaman ng bansa ang
resulta nito.

Pang-Apat na Bahagi: Ano ang maaaring mangyari sa Pag-sasarili ng mga Pilipino?

Makikita sa siyensya na iilang bagay lamang ang maaring mangyari sa ganong


eksena.

Pwedeng maging iisa ang dalawa, ngunit halatang halata na hindi ito nangyari o
mangyayari sa

Pilipinas at Espanya. Malaki ang puwang sa gitna ng mga mamamayang Kastila at


Indio.

Pangalawa ay pwedeng mamatay ang orihinal na organismo. Sa layong ito ay


malinaw na hindi

madaling malulupig at mauubos ng iilang Kastila sa bansa ang libo libong Pilipino,
bukod pa dito

ay bakit mo papatayin ang kalabaw na pinagkakakakitaan mo? Mawawalang halaga


ang

Pilipinas sa mga Espanyol kung wala ang mga Filipino na magbubungkal ng lupa at
tapos ay

magababyad ng buwis. Huli ay pwedeng mabuhay ang dalawa na magaksabay at


mapayapa.

Ngunit hindi mabubuhay ang mga Pilipino at Kastila na magkasama, na may pantay
na

karapatan at responsibilidad ay hindi magtatagal at hindi na mapipigilan ang


pagdeklara ng

independensya ng mga Pilipino sa Espanya.

Ang napakaraming pagmamalabis ay nagpapalaki lalo ng patlang sa gitna ng


dalawang lahi.

Dahil dito ay kahit na isang tamang parusa ay nakikita na isang di makatarungang


paghuhusga

dahil sa isang banyaga na tingin nila ay walang simpatya o isang kaaway ang
nagpataw.

Sa huli, sinabi ni Rizal na kailangang ang isa ay magpaubaya. Kung hindi man ay
magkakaroon
ng matinding banggaan ang dalawa, at isa sa kanila ang malulupig. Ang Espanya na
mula sa

bilang ng mamamayan, sa kundisyon ng kanyang militar sa bayan, sa layo nito sa


Pilipinas, sa

di sapat na kaalamanan, hanggang sa pag away sa isang pamayanan na nawalan


na ng amor

sa kanya ay malamang na kailangang magbigay daan.

Pagkatapos ay tulad ng isang batang pinawalan sa eskwela ay matatayo ang


bayang Pilipino

ng pinkamalayang gobyerno. At pagkatapos naman ng maraming di pagkakasundo


dahil sa

pagdeklara nito ng kanyang independensya at mapaaalis nito ang Espanya, ay


sigurado nang

walang ibang banyagang bayang ang kukuha sa isang pobreng grupo ng mga isla
na di lamang

rebelde ay napakalayo pa sa kanila. Pagkatapos pa ng ilang taon ay makukuha ng


Afrika ang

buong atensyon ng mga Europeo at tuluyan nang iiwan ng mapayapa ang Pilipinas.

Isa isang tinignan ang mga banyagang bayan kng may sapat ba silang tao, kung
kailangan nila

ng iba pang kalonya, kung wala silang kanya kanyang problema. Malinaw na mas
pinipili ng

mga Europeong kolonyisador ang mga lugar na mas maraming yaman, walang
nagma may-ari,

at walang dumedepensa. As huli isa lang amg maramil na magkaroon ng adhikain


na kunin ang

Pilipinas; ang mga Amerikano. Mahihinuha ito sa nauuso at madalas mangyari sa


mga nasyon,

pagkagahaman, at pagka ambisyoso. Ngunit sa panahon ni Rizal ay wala pang


pngangailangan

ang nasabing bansa sa lupa at yama dahil marami pa naman sila nit sa kanilang
lugar.
Ngunit kahit na anu pa man as malamang na ipaglalaban ng husto ng Pilipinas ang
kanyang

kalayaan, dahil magiging mahal ang presyo nito. Pagkatapos ay gagamitin nila ang
mga likas

na yaman ng bansa upang muling buhaying muli ang lahing mapayapa, masayahin,
at

mapangahas.

Sinabing maraming maaaring mangyari sa loob ng isang daang taon. Maaaaring


may

magkataon lamang na pangyayari na babaliktad sa paniniwala ng isang lahi tulad


ng

pagkakapako kay Kristo, ngunit hindi dapat iasa sa isang aksidente ang
kinabukasan ng ating

bayan. Kaya dapat hanggat may oras pa, mas mabuting makinig sa kagustuhan ng
lahing

Pilipino na tutugunan naman nila ng simpatya at pagmamahal, kabaligtad kung


hindi bibigyang

pansin ay magkakagera. Di magsasawang bigkasin ng mga manunulat ng La


Solidaridad ang

kanilang pagmamakaawa, dahil di hamak namang mas madali ang di kaaya-ayang


gawaing ito

kaysa sumating sa puntong kailangan nilang sabihin sa Pilipinas na ang Madre


Espanya ay

hindi nakinig, o makikinig kialanman sa kanya at upang maibsan ang


pagpapakasakit ay

kailangan kunin niya ito para sa kanyang sarili.

Ukol sa artikulong ito, itinatalakay dito ang pagbabago ng Pilipinas sa loob ng Isang
daang taon.

Nakasaad dito na sinabi ni Rizal na walang ipagbabago ang Pilipinas sa loob ng


taong ito na

kung saan magdudusa parin ang Pilinas sa kahirapan. Sa artikulong ito, isinaad na
ang
kahirapan ang pinakamatinding kalaban ng Pilipinas at tama nga si Rizal sa puntong
iyon dahil

ang kahirapan ang siyang nagdudulot o bumubunga sa mga masasamang gawain


ng mga

pilipino gaya ng pagnanakaw upang mabuhay. Isinaag din sa artikulo na ang


katumbas ng mga

lumang bayani ng Pilipinas, gaya nina Rizal ay naikukumpara sa mga OFW sa


ngayon o ang

tinatawag na mga Oversees Filipino Worker, dahil gaya nina Rizal, ang mga OFW ay

nagtrabaho at tumungo rin sa ibang bansa ngunit sila nga ba ay pumunta sa ibang
bansa upang

pagsilbihan ang Pilipinas. Maaaring oo at maaring hindi dahil iba iba ang intensyon
ng mga

OFW ngunit ang mga OFW kumpara kina Rizal, ay tumungo sa ibang bansa upang
magkaroon

ng pera na kung saan ay kabaliktaran nina Rizal na sadiyang nagutom at naghirap


habang

gingawa niya ang kanyang mga nobelo. Naisaad sa nasabing artikulo kung gaano
kalayo ang

mga bagong bayani kumpara sa mga lumang bayani ng Pilipinas, at sino sino nga
ba ang nag

udyok upang tumungo ng ibang bansa sina Rizal pati narin ang mga OFW? Isa lang
ang

maaring sagot diyan at ito ay dahil sa paghihirap dahil hindi naman tutungo sa
ibang bansa sina

Rizal at ang mga OFW kung masagana ang buhay sa Pilipinas.

You might also like