You are on page 1of 5

Enclosure 4.

Teacher-made Learner’s Home Task


School: LATABAN NATIONAL HIGH SCHOOL Date: _______________________________
Grade/Section: GRADE 8 Subject Area/s: FILIPINO 8

I. MELC: F8PB-Ia-c-22- Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa


mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
F8PS-Ia-c-20- Naisusulat ang sariling salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang
kalagayan
II. Objective/s:
Knowledge: Nasusuri ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasaliukuyan.
Skills: Nakabubuo ng sariling salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan
Values/Attitude: Napapahalagahan ang panitikang umusbong sa panahon ng mga katutubo

III. Subject Matter: Mga karunungang-bayan (salawikain, sawikain o kasabihan)


IV. References: Pintig ng Lahing Pilipino 8 (ikalawang edisyon)

V. Procedure:
A. Readings
Ang Karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan ay ilan lamang sa mga akdang
pampanitikang umusbong o lumaganap sa panahon ng mga katutubo.
Masasalamin sa karunungang-bayan ang kultura ng mga Pilipinong kinapapalooban ng mga mensahe o
aral na magagamit sa buhay.
Ang salawikain ay karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma. Naglalaman ito ng mga aral at
mensaheng magsisilbing gabay at patnubay sa buhay.
Halimbawa: Ang kahoy na liko’t baluktot
Hutukin hanggang malambot
Kung lumaki at tumayog
Mahirap na ang paghutok
Ibig sabihin: Habang bata pa ay pangaralanan na at ituwid ang mga pagkakamali
dahil kapag malaki na ang bata mahirap na ito pangaralanan.
Samantalang ang sawikain ay isang paraan ng pagsasalitang hindi gumagamit ng mararahas na salita
upang maiwasang makasakit ng loob. Ito ay masasabing mga idyomatikong ginagamit upang maging
maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa: itaga mo sa bato- pakatandaan
parang natuka ng ahas- natulala
Ang kasabihan ay tumutukoy at naglalarawan ng kilos, ugali at gawi ng isang tao.
Halimbawa: tulak ng bibig
kabig ng dibdib
Ibig sabihin: Kung ano man ang lumabas sa bibig mo (kung paano ka magsalita)
ito ay sumasalamin sa nilalaman ng iyong kalooban.
malakas ang loob
mahina ang tuhod
Ibig sabihin: Malakas and determinasyon o gusto na gawin ang isang bagay pero
hindi kayang isagawa ng katawan ang nais ng puso at diwa dahil maaaring sa
takot o sakit. Malakas lang ang determinasyon pero hindi ang katawan. 
B. Exercises for skill subjects / Analysis questions using HOTS for content subjects
Exercise 1 Tukuyin Natin
Directions: Tukuyin ang kaisipang nakapaloob sa sumusunod na mga salawikain. Bilugan ang
titik ng iyong sagot.
1. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
a. Magreklamo kapag hindi naibigay o nabili ang gusto
b. Magtiis habang gipit
c. Magtipid para makaipon.
2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Di makakarating sa paroroonan.
a. pagtanaw ng utang na loob
b. kalimutan ang taong tumulong sa iyo
c. masakit ang leeg
3. Nasa Diyos ang awa,
Nasa tao ang gawa.
a. Palaging humingi ng awa sa Diyos
b. Kahit na hindi gumawa ang tao, siya ay aasenso.
c. Magsikap ka at ikaw ay tutulungan ng Diyos.
4. Kapag tanghali kang magising,
Maging dumi ng manok,
Wala kang mapupulot
a. Maging maagap at masipag
b. Pagwawalambahala
c. Pag-aaksaya ng oras
5. Sa panahon ng kagipitan,
Makikilala ang kaibigan.
a. Pagtanggi ng kaibigan sa pagtulong
b. Naghihintay ng kapalit o kabayaran sa ginawang pagtulong
c. Pagbibigay ng tulong ng kaibigan sa oras ng pangangailangan
.

Exercise 2 Payamanin Natin


Directions: Basahin at suriin ang mga salawikain, sawikain at kasabihan sa ibaba. Ipaliwanag ang
mensaheng nakapaloob sa mga ito pagkatapos ay iugnay mo sa mga pangyayari sa iyong buhay.
1. Ubos-ubos biyaya, pagkagtapos nakatunganga.
2. Kapag may tiyaga, may nilaga.
3. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
4. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
5. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

C. Assessment/ Application
Directions: Gumawa ng isang karunungang-bayan (alin man sa sawikain, salawikain o kasabihan)
na maaari mong iugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyang kalagayan. Ipaliwanag mo ang ibig sabihin
nito.
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Prepared by: FARRAH CHLOE B. UGHOC


Teacher Verified by: MARYLUZ T. CANEN
School Head
Enclosure 4. Teacher-made Learner’s Home Task

School: Date:
Grade & Section: Subject Area:

I. MELC

Knowledge:
II. Objectives: Skill:
Values/Attitude:
III. Subject Matter:
IV. References:

A. Readings

B. Exercises for
skill subjects /
Analysis
V. Procedure: questions
using HOTS
for content
subjects

C. Assessment/
Application

Prepared by: ____________________________


Teacher Verified by: ___________________________
School Head

You might also like