You are on page 1of 5

Enclosure 4.

Teacher-made Learner’s Home Task


School: LATABAN NATIONAL HIGH SCHOOL Date: _______________________________
Grade/Section: GRADE 8 Subject Area/s: FILIPINO 8

I. MELC: F8PB-Ia-c-22- Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa


mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
F8PS-Ia-c-20- Naisusulat ang sariling bugtong na angkop sa kasalukuyang kalagayan
II. Objective/s:
Knowledge: Napaguugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa bugtong sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
Skills: Nakabubuo ng sariling bugtong na angkop sa kasalukuyang kalagayan
Values/Attitude: Napapahalagahan ang panitikang umusbong sa panahon ng mga katutubo

III. Subject Matter: Mga karunungang-bayan (Bugtong)


IV. References: Ang Panitikan at Kulturang Pilipino

V. Procedure:
A. Readings
Ang mga bugtong ay mga palaisipan o suliraning pasalita na lumaganap dahil sa nagpasalin-salin
sa bibig ng mga tao. Ito’y mga tradisyunal na katanungan na ang mga kasagutan ay parang hindi inaasahan;
isang uri ng panlilito na isinaalang-alang ang kalutasan sa pamamagitan ng paghihinuha ng mga bagay sa
paligid. Ito’y isang paraan upang linangin ang katalasan ng isipan ng madla o ng mga nakikinig o
nagmamasid.
Ang mga bugtong ay inayos ayon sa paksa. Sa mga paksa ng bugtong ay malinaw na masisinag
ang pag-iisip ng mga tao hinngil sa mga bagay na kanilang nakikita sa kapaligiran.
1. Kasangkapan sa Pamamahay- Sari-saring kasangkapan, palamuting panloob sa pamamahay at mga
kasangkapan na nagbibigay ng liwanag o init.
a. May isang kabayo
Sa isang lugar lamang tumatakbo
(kudkuran)
2. Mga Pananim
a. Langit sa itaas,
Langit sa ibaba
Tubig sa gitna
(niyog)
3. Palahayupan- Mga hayop at insekto
a. Mataas kung naka upo
Mababa kung nakatayo
(aso)
4. Pananamit at Kagamitan
a. Pumasok sa isang butas
Sa tatlong butas lumabas.
(damit)
5. Topograpiya- mga bagay na nakikita sa kalikasan o kalangitan
a. Tinaga nang tinaga
Hindi nahihiwa.
(tubig)
6. Mga Gawaing Panrelihiyon
a. Kung malayo babae
Kung malapit lalaki
(pari)
7. Mga Pagkain
a. Ang anak ng kanyang anak
Ang siyang tunay niyang anak
(itlog)
8. Palatauhan o Pantao
a. Dalawang bolang sinulid
Umaabot sa langit
(mata)
9. Instrumentong pangmusikal
a. Kati nang kati ang tiyan
Leeg ay sakal-sakal
(gitara)
10. Pagsusulat
a. Walang bibig
Pero nakapagsasalita

B. Exercises for skill subjects / Analysis questions using HOTS for content subjects
Exercise 1 Tukuyin Natin
Directions: Tukuyin ang paksang nakapaloob sa sumusunod na mga bugtong. Bilugan ang titik ng
iyong sagot.
1. Nakaitim kung buhay
Nakapula kung patay.
(alimango)
a. Kasangkapan sa pamamahay b. pananim c. palahayupan d. kagamitan
2. Nasa loo bang balat
Nasa labas ang laman.
(balumbalunan)
a. Pagkain b. pananim c. palahayupan d. kagamitan
3. Dalawang tuka sa harapan
Dalawang mata sa likuran.
(gunting)
a..Kasangkapan sa pamamahay b. pananim c. palahayupan d. kagamitan
4. Ang dami-daming mata.
Hindi makakita
(pinya)
a..Pagkain b. pananim c. palahayupan d. kagamitan
5. Ang butas kinukuha
Ang poste iniiwan.
(singsing)
a.. Pagkain b. pananim c. palahayupan d. kagamitan

Exercise 2 Payamanin Natin


Directions: Basahin at suriin ang mga bugtong sa ibaba. Ibigay ang tamang sagot sa mga ito
pagkatapos ay iugnay mo sa mga pangyayari sa iyong buhay.
1. Walang sala ay ginapos
Tinapakan pagakatapos.
2. Hindi naman hari, hindi naman pare,
Nagsusuot ng sari-sari.

3. Nandito na, nandito na


Ngunit hindi nakikita.

4. May isang kubo


Walang tao, pero maingay.

5. Ikaw mayroon, ako mayroon


Ngunit lahat tayo’y wala.

C. Assessment/ Application
Directions: Gumawa ng isang bugtong na maaari mong iugnay sa mga pangyayari sa
kasalukuyang kalagayan. Isulat ang bugtong at sagot nito pagkatapos ay ipaliwanag mo ang ibig sabihin
nito
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Prepared by: FARRAH CHLOE B. UGHOC


Teacher Verified by: MARYLUZ T. CANEN
School Head
Enclosure 4. Teacher-made Learner’s Home Task

School: Date:
Grade & Section: Subject Area:

I. MELC

Knowledge:
II. Objectives: Skill:
Values/Attitude:
III. Subject Matter:
IV. References:

V. Procedure: A. Readings
B. Exercises for
skill subjects /
Analysis
questions
using HOTS
for content
subjects

C. Assessment/
Application

Prepared by: ____________________________


Teacher Verified by: ___________________________
School Head

You might also like