You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 16: Natutukoy ang mga kagamitang likas at
gawa ng tao.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Shirley M. Bonuan
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC PhD / Josephine Z. Macawile
Tagasuri(Teknikal): Birnalyn S. Lorayes
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 16
Natutukoy ang mga kagamitang Likas at
Gawa ng Tao
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol sa Pagtukoy
ng mga kagamitang likas at gawa ng tao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling iyo, ikaw ay inaasahang matutukoy


ang iba’t ibang materyal na kagamitang likas o gawa ng tao.

PAUNANG PAGSUBOK

Anong likas na materyal ang pinagmulan ng mga larawan sa


hanay A. Hanapin ang sagot sa hanay B. Isulat ang titik lamang.

Hanay A Hanay B

___1. upuan A. Ginto

___2. Litson manok B. metal

___3. singsing C. puno

___4. pako D. mais

___5. Popcorn E. manok


BALIK-ARAL

Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay


nagpapakita ng tamang paraan ng pag-aalaga ng halaman at
malungkot naman na mukha kung ito ay maling paraan ng
pag-aalaga ng halaman.

_______1. Dinidiligan ko araw-araw ang mga alaga


kong halaman.
_______2. Kapag nakakakita ako ng magandang halaman
pinipitas ko ito kahit hindi sa akin.
_______3. Sinisira ko ang mga halaman na nasa gilid ng daan.
_______4. Tinatanggal ko ang mga damo sa gilid ng halaman.
_______5. Binubungkal ko ang lupa sa gilid ng aking halaman
Upang ito ay bumuhaghag.
ARALIN

Basahin ang kwento alamin ang mga likas na materyal at


materyal na gawa ng tao.

Buhay Seaman
Si Mang Lito ay isang “Seaman” nagtatrabaho siya sa barko. Halos
naikot na niya ang buong mundo dahil sa kanyang trabaho.
Napag-aral din niya ang kanyang mga anak sa mga sikat na
Unibersidad sa Metro Manila. Nakabili na din siya ng kotse, dyip
na pampasada, motor ng kanyang mga anak at iba’t ibang mga
kagamitan sa bahay gaya ng telebisyon, ref, bentilador, cabinet,
mesa, upuan, at mga mamahaling kagamitan sa kusina tulad ng
kaldero, kaserola, baso, plato, kutsara, at marami pang iba.
Marangya ang pamumuhay ng kanyang pamilya dahil sa
buwanang padala nito.

Taon-taon ay may isang buwang bakasyon si Mang Lito.


Pagkatapos ng nakalaang bakasyon ay muli itong bumabalik ng
barko ngunit ngayong taon ay kaiba ang pangyayari dahil hindi na
ito muling nakabalik sa kanyang trabaho gawa ng Pandemic na
tinatawag na “COVID-19”. Ilang buwan siyang natigil sa kanilang
tahanan at paubos narin ang naipon niyang pera. Hindi rin ito
makapamasada ng dyip dahil ipinagbabawal ito ng gobyerno. Kaya
naisip ni Mang Lito na iuwi na lang muna ang kanyang pamilya sa
kanilang probinsiya sa La Union upang makatipid sa kanilang
gastusin sa bahay.

Malapit sa dagat ang bahay nina Mang Lito. Napapalibutan ito ng


mga puno at sari-saring halaman malayong-malayo sa siyudad na
tinitirhan nila. Napakapresko din ng hangin sa paligid, at maaaliw
ka sa mga tunog ng ibon, manok, kambing, baka, aso,
at iba pa.
Habang nagpapahinga si Mang Lito sa kanilang bakuran Nakita
niyang maraming bunga ang mga puno ng saging kaya naisip
niyang gumawa ng “Banana chips” at ibenta ito “”on-line”. Sa
unang subok ni Mang Lito ay nakabenta siya ng marami kaya
laking tuwa ng kanyang pamilya. Sa tulong ng kanyang mga
anak at asawa ay nadagdagan pa ang kanyang paninda
naghango sila ng isda at ginawa nila itong daing. Nagluto naman
ng cassava cake ang kanyang asawa mula sa mga tanim nilang
kamote, ang bunso naman nitong anak ay nagbenta din online
ng mga damit, sapatos, pabango, at alahas para may pandagdag
sa kita ng pamilya.

Unti-unti ay nakakaipon ng Malaki ang mag-anak dahil sa


kanilang sipag at tiyaga sa pagbebenta. Tuwang-tuwa sila dahil
bukod sa kumikita sila ay sama-sama pa ang buong pamilya.
Dahil dito napagdesisyunan ni Mang Lito na ipagpatuloy nalang
ang kanilang Negosyo at manatili nalang dito sa Pilipinas.

Mula sa binasang kwento sagutan ang organayser.

Mga binanggit Mga binanngit Kahulugan Kahulugan ng


na Likas na na Materyal na ng Likas na Materyal na
Materyal Gawa ng Tao Materyal Gawa ng Tao
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
MGA PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Ikahon ang likas na materyal sa pangungusap at bilugan
naman ang materyal na gawa ng tao.

1. Binigyan kami ng aming kapitbahay ng sariwang gulay.

2. Ugaliing magsuot ng mask kapag lumalabas.

3. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bulaklak.

4. Matamis ang mangga na nabili ni Nanay.

5. Tinuruan niya akong magluto ng adobo.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung ang produkto ay likas na materyal o gawa
ng tao. Isulat ang sagot sa patlang.

1. eroplano - ___________________________

2. Hipon - ___________________________

3. Bayabas - ___________________________

4. aklat - ___________________________

5. bibingka - ___________________________

Gawain 3
Ilagay ang sumusunod na materyal sa tamang kolum.

pinya aklat puno


pritong manok sumbrero
Likas na Materyal Materyal na Gawa ng Tao

PAGLALAHAT

Ano ang pagkakaiba ng likas na materyal sa materyal


na gawa ng tao

Kabutihang dulot
PAGPAPAHALAGA

Sumulat ka ng sitwasyon na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa mga materyal na bagay.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang puno kung ang materyal ay likas na


materyal at tao nman kung ito ay materyal na gawa
ng tao.

1. Nakikinig sa radyo si Lola. ____________

2. Masarap ang niluto nilang suman. _____________

3. Namitas kami ng mais sa bukid. ____________

4. Maraming ginto sa Pilipinas. ____________

5. Ang bango ng bulaklak ng Rosas. ____________


Panapos na Pagsasanay 3 Pagsasanay 2
Pagsusulit Likas na Materyal 1. gawa ng tao
1. 1. pinya 2. likas na materyal
2. puno 3. likas na materyal
2.
Gawa ng Tao 4. gawa ng tao
3. 3. aklat 5. gawa ng tao
4. 4. pritong manok
5. sumbrero
5.
Pagsasanay 1 Balik aral
1.
1. D 5.
2. B 4.
2. A 3.
3.
E 2.
3.
4. C 1.
4. 5. Pagsubok
Paunang
5.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like