You are on page 1of 8

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP

Araling Panlipunan – 10 (3 hours/week)

First Quarter
Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

Week- 7-8
Lesson-7
Lesson 4: Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

a. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

Teacher: Joniel P. Galindo

_________________________________________________

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-10
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________

Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga Hamong Pangkapaligiran upang maging bahagi ng
pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng tao.
Pangunahing Pang-unawa: Mahalagang maging mulat tayo sa mga kontemporaryong isyu sa ating lipunan, sa bansa, at sa
buong mundo.

Pangunahing Tanong: Paano natin matimbang ang mga pahayag tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa
buong mundo?

I. LEARNING COMPETENCY

 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

Layunin:

 naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

 Pagkatapos ng aralin inaasahang makakakuha ng 100% na matutuhan ang mag mag-aaral.
 JUNE fruits of normalization (FRIENDLINESS) Beatitude ( blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven.
Sariling Layunin: Kaya kong … ______________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT

Lesson 2 : Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya
a. Ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran
References:

Unang Palabas https://www.youtube.com/watch?v=wSa9tvIzp48 – Mga paalala tuwing may baha

Ikalawang Palabas - https://www.youtube.com/watch?v=R2LxqjgLBko – Mga paalala tuwing may lindol
Ikatlong Palabas - https://www.youtube.com/watch?v=UzR0Rt3i4kc – Mga paalala tuwing ay tsunami

III. LESSON PRESENTATION

Panimula :
COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT
— isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga
risk na maaari nilang
maranasan.
Top-down approach
— lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas
nakatataas na tanggapin o ahensya ng paaralan.
Bottom-up approach
— nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag aanalisa at paglutas
sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
Mga Yugto sa Pagbuo ng CBDRRM Plan
UNANG YUGTO: Disaster Prevention and Mitigation
—tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa
mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng
sakuna at kalamidad.
Hazard Assessment
—tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
—Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon
mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantalang ang Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
Vulnerability Assessment
—ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon
itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas
malawak ang na dulot ng hazard.
Capacity Assessment
—sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o
Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung
ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling
pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong Panlipunan naman, masasabing may kapasidad
ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang
kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management
plan. Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay
nagpapakita na may kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.
Risk Assessment
—Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard
at kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na
mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay
tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang
pinsala sa tao at kalikasan.
~Dalawang uri ng Mitigation~
Structural migitation
—tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging
matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang
baha, paglalagay ng mga sandbags,
pagpapatayo ng mga flood gates,
pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro namay fire exit ang mga ipinatatayong gusali.
Non Structural migitation
—tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng
pagtama ng hazard. Ilan sa
halimbawa nito ay ang pagbuo ng
disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information
dissemination, at hazard assessment.
IKALAWANG YUGTO: Disaster Preparedness
—Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
IKATLONG YUGTO: Disaster Response
—ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha
mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng
isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
IKAAPAT NA YUGTO: Disaster Rehabilitation and Recovery
—ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad

Gawain 1: Ating damhin at alalahanin

Panuto ; Pagmasdan ang larawan sa ibaba, ito ay isang halimbawa ng epekto ng sakuna na kong saan
humantong sa pagkawala ng maraming buhay. Pagkatpos tignan ang mga larawan, sagutin ang mga Pamprosesong tanong.
BAGYONG SENDONG

Pamprosesong Tanong :
1. Ano ang iyong nararamdaman habang ikaw ay naka tutok sa mga larawan? Bakit ?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya nagyayari ito sa ating lipunan o pamayanan? __________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
Panimula
Nakararanas ang Pilipinas ng iba't ibang uri ng kalamidad gaya ng pagbagyo, pagbaha, abnormal na pagtaas ng tubig (storm
surge), paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, El Niño, at La Niña.
May mga kagawaran/ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mga mamamayan tulad ng:
 Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),
 Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
 National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC),
 Department of Transportation and Communications (DOTC),
 Department of Science and Technology (DOST),
 Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),
 Philippine Coast Guard (PCG),
 Philippine Information Agency (PIA),
 National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at
 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang
kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.
Sa panahon ng kalamidad, maging kalmado at alerto. Manatiling may alam at laging handa sa mga nangyayari sa paligid. Laging
tumutok o makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno.
Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari, kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng
kapaligiran at sa balanseng ekolohikal. Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan omaagapan sapagkat
sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan. Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya at ng
hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng
lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa kalikasan.
Mga Paghahandang Nararapat Gawin kung may Puputok na Bulkan

Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng lahat ng bulkan sa Pilipinas. Ito
ang nagbibigay ng mga babala kung may napapansin silang kakaibang aktibidad sa paligid o sa ilalim ng bulkan. Kapag naglabas na
ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung pinalilikas, lumikas na.

Sa paglikas, magdala lamang ng mahahalagang kagamitan. Huwag kalimutang magdala ng tubig, flashlight, at radyo. Kung kakayanin
pa, isama ang mga alagang hayop. Sundin ang lahat ng paalala at babala ng mga kinauukulan upang hindi malagay sa panganib ang
buhay.

 Kahit pa tapos na ang pagputok ng bulkan ay maaari pa rin itong sundan ng mahihinang pagsabog pati na rin ng paglindol. Huwag
piliting bumalik sa lugar hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan.
Paghahanda para sa El Niño at La Niña
Hindi gaya ng ibang natural na kalamidad gaya ng pagbagyo, paglindol, o pagputok ng bulkan, mas nababantayan at napaghahandaan
ang pagdating ng El Niño at La Niña at mas malilimitahan ang pinsalang maaari idulot.
Bago pa tumama ang El Niño sa bansa, dapat tiyak na ng pamahalaan na ang mga tao ay handa na sa lahat ng negatibong maaaring
idulot ng penomenong ito.
Gayundin, dapat seryosong nakikiisa at nakikibahagi ang mga tao sa paglaban sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig.
Dapat planuhin at ihanda na ng mga magsasaka ang kanilang mga sakahan.
Halimbawa, iakma ang mga pananim sa abnormal na panahon at gawan ng paraan upang tumagal ang patubig kung sakaling lumala pa
ang sitwasyon.
Sa lahat, dapat laging may baong tubig at pamaypay kung lalabas ng bahay. Magsuot ng preskong kasuotan. Ugaliin ang regular na
pag-inom ng tubig.
Para sa La Niña, dapat malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng pagbaha.Dapat
laging alerto ang mga tao sa maaaring idulot ng pagbagyo, malakas na pag-ulan, at pagbaha.
Disiplina at Kooperasyon sa Panahon ng Kalamidad
Sa kasalukyan, maraming seminar na isinasagawa ang gobyerno at mga nongovernmental organization (NGO) upang magbigay-
kaalaman kung paano maging handa sa mga paparating na kalamidad.
Dahil sa mga karanasan, marami tayong napupulot na aral kung paano maiiwasan o malilimitahan ang mga pinsala.
Naging mas alerto ang mga kagawaran at ahensiya. Marami na ring mga nongovernmental organization ang tumutulong sa
paghahanda.
Ngunit lahat ng adhikain ng gobyerno, maging ng mga NGO ay hindi magiging matagumpay kung hindi makikipagtulungan ang mga
mamamayan.
Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang
kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.
Sa disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan, maraming buhay at ari -arian ang maaaring mailigtas.

Mga Paraan ng Paglaban sa mga Epekto ng Climate Change

 Bukod sa mga programa, polisiya, at patakarang ipinapatupad ng mga pamahalaan at ng mga pandaigdigang samahan, ang bawat
isa ay makatutulong din sa paglaban sa mga epekto ng climate change sa sariling kaparaanan.
 Upang mabawasan ang carbon footprints o mga bakas na ambag sa nakapipinsalang carbon emissions, tayo ay maaaring gumamit
ng compact fluorescents bulbs, renewable energy sources (tulad ng hangin, sikat ng araw, tubig), at ang paghugot sa naka-plug na
linya ng TV, computer, at iba pang electronics kapag hindi naman ginagamit.
 Ang pagre-recyle ng mga papel, karton, salamin, at metal, at ang paggamit ng reusable o recyclable packaging ay mas mainam.
Makababawas ang mga ito sa basurang dati ay inilalagak sa landfills na nagpapakawala ng methane (masamang gas).
 Nakababawas din sa paggamit ng gasolinang nagpapainit sa kapaligiran ang paglalakad, pagbibisikleta, pagka-carpooling, pagsakay
sa tren, at iba pang katulad nito.

Mga Hakbang ng Pamahalaan sa Pagharap sa mga Suliranin ng Pagmimina

Dahil sa di-mabubuting epekto ng pagmimina, nagpatulad ng mga batas para maiwasan ang mga ito.
Philippine Mining Act
 Naisabatas ito noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina
kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito.
 Ipinatutupad ito upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
 Layunin din ng batas na ito na bigyan ng makatuwirang kadahilanan ang pagmimina para mapalago ang kalagayan ng bansa nang
hindi naisasakripisyo ang kapaligiran at karapatan ng mga apektadong pamayanan.
Executive Order No. 79
 Ito ay ipinatutupad upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at
makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina.
 Layunin nitong maitaas ang revenue ng gobyerno mula sa pagmimina, mapabuti ang mga pamantayang pangkapaligiran, maglahad
ng kabuang pambansa at panlokal na batas ukol sa pagmimina.
 Nakasaad rin dito na pagmumultahin ang sinumang lumabag sa mga pamantayan ng batas.
Philippine Mineral Resources Act of 2012
 Ang batas na ito na ay naglalayong aregluhin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit
ng mga mineral resources.
 Naglalayon din itong siguraduhin ang pantay-pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga
katutubo, at sa mga lokal na komunidad.

Gawain 2: Problema? Sulosyunan mo !

Panuto: Sa nakaraang gawain, sinukat at layong pukawin ang iyong damdamin upang sagayon
bilang isang mamamayan ay nararapat na iyong bigyang pansin ang mga pangyayari sa kapaligiran
na nagdudulot ng mga sakuna, sa gawing bilng # 2 malalaman mo ang iyong mga natutunan sa
pamamagitan ng paggawa ng mga hakbangin upang mas maiwasan ang mga pagkamatay dulot ng mga sakunang
pangkapaligiran
Mga paghahandang dapat gawin sa mga sakunang tulad ng nasa ibaba
Mga Sakuna Mga paghahandang dapat gawin
1. Pagputok ng bulkan

2. Pagmimina

3. El Nino, El Nina

4. Climate Change

Class Directory
Name Contact number
1.
COMMUNITY-BASED
2.
DISASTER RISK MANAGEMENT
— isang
3. pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta
4. ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang
maranasan.
Teacher: Joniel
Top-down Patriana Galindo
approach 0997-206-6128
— lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapin o ahensya ng paaralan.
Bottom-up approach
— nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy,
pag aanalisa at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
Mga Yugto sa Pagbuo ng CBDRRM Plan
UNANG YUGTO: Disaster Prevention and Mitigation
—tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Hazard Assessment
—tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar
kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
—Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantalang ang
Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t
ibang uri ng hazard.
Vulnerability Assessment
—ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon
itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas
malawak ang na dulot ng hazard.
Capacity Assessment
—sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong
kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa
hazard. Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan
na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan,
kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong Panlipunan naman, masasabing may
kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may
nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung
ang pamahalaan ay may epektibong disaster management plan. Samantala, ang mga mamamayan na
bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may
kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.
Risk Assessment
—Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard
at kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na
mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay
tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang
pinsala sa tao at kalikasan.
~Dalawang uri ng Mitigation~
Structural migitation
—tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang
ito ay maging
matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike
upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags,
pagpapatayo ng mga flood gates,
pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro namay fire exit ang mga
ipinatatayong gusali.
Non Structural migitation
—tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa
halimbawa nito ay ang pagbuo ng
disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa
at batas, information
dissemination, at hazard assessment.
IKALAWANG YUGTO: Disaster Preparedness
—ICOMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT
— isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,

—Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng
kalamidad, sakuna o hazard.
IKATLONG YUGTO: Disaster Response
—ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang
impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging
epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
IKAAPAT NA YUGTO: Disaster Rehabilitation and Recovery
—ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at
istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang
komunidad

You might also like