You are on page 1of 3

Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay

na Kritiko
1. PANUNURING PAMPANITIKAN KAREN MANGUIAT FAJARDO MAED-FILIPINO
2. Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina
Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong
panitikang Filipino noong kanilang panahon.
3. Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at
taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong
1935.
4. Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok
ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman
ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932,
na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng
pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
5. Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang
sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga
mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri
na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano
ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi
nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
6. Panunuring Pampanitikan Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
7. Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at
pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang
Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang
moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan. Panunuring Pampanitikan
8. Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga
uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo,
ekspresyunalismo,simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo. Panunuring
Pampanitikan
9. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan 1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may
uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi
sa kalayaan.
10. 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o
balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
11. 3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad. Mga Simulain sa Panunuring
Pampanitikan
12. 4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa,
mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na
kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay,
may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis
ang pagkakasulat. Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr.
Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak
sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa
Katutubong Wika sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
13. 5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat
panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng
pangitain nito. Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang
mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa
kanya, ang buhay raw ng sining ay nasa ubod at laman. Mga Simulain sa Panunuring
Pampanitikan
14. 6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng
kakayahan ng ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin
upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung papaano ang pagkatula. Ayon
kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-tulong
ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib
ng damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi
mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang
isang kagandahan. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
15. 7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
16. 8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng
mga sangkap ng pagsulat. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
17. Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan? Mapahahalagahan lamang natin
nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito.
18. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Naghahanap ng mali – Kritisismo •
Naghahanap ng estruktura – Panunuri
19. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Naghahanap ng kung ano ang pwede –
Panunuri • Naghahanap ng kulang – Kritisismo
20. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Nagtatanong upang maliwanagan –
Panunuri • Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan – Kritisismo
21. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Nakalahad sa malupit at mapanuyang
tinig – Kritisismo • Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig – Panunuri
22. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Positibo – Panunuri • Negatibo –
Kritisismo
23. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Malabo at malawak – Kritisismo •
Kongkreto at tiyak – Panunuri
24. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Seryoso at hindi marunong magpatawa
– Kritisismo • Nagpapatawa rin – Panunuri
25. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) • Naghahanap ng pagkukulang sa
manunulat at sa akda – Kritisismo • Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina –
Panunuri
26. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko • Ang kritiko ay matapat sa sariling
itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining. • Ang kritiko
ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya. • Ang kritiko ay laging
bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
27. • Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp. • Ang
kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan
ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas. • Ayon kay
Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay
ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili. Mga
Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko
28. “Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay
na halaga ng bagay,puso lamang ang nakadarama.” - Aral mula sa Ang Munting
Prinsipe ni

https://prezi.com/6g3pijm3tpvs/panunuring-pampanitikan/

You might also like