You are on page 1of 2

Tuwang-tuwa ang buong baryo.

Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang


kapistahan. Tulad ng dati, tatlong araw na namang ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang
patrong si Nuestra Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya ang
magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walang tigil ang handaan para
sa lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha ay tiyak na may handa.

“Walang saysay ang tatlong araw na pagdiriwang kung walang pagodang igagayak,” ang
sabi ng Kapitan ng Barangay.

“Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron, sakay ng bangkang


napapalamutian ng iba’t ibang kulay ng mga ilaw at sari-saring dekorasyon tulad ng mga
prutas at gulay na inani natin taun-taon,”dagdag pa ng Kapitan. “Ang ibig ninyong sabihin,
Kapitan, muling magkakaroon ng prusisyon sa ilog?”ang tanong ng isang lalaking may
maputi nang buhok.

“Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba?” ang balik na tanong ng Kapitan.

Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob sa atin ng ating patron sa taong ito. Higit sa tatlong
doble ang inani nating palay kung ihahambing sa mga nakaraang taon. At higit na maraming
isda tayong nahuli sa taong ito. Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na
maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito,” paliwanag pa nito.

“Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna natin ito. Tambakan na ng
basura ang ilog natin,” ang malungkot na sabi ng isang dalaga. “Hayaan mo’t bukas na
bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. May tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw
na ating pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa,” ang sabi ng Kapitan.
Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi naipalinis ni Kapitan ang ilog. “Hindi ko
naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin,”umpisang paliwanag
ng Kapitan. “Hindi bale, pag daraan ang bangka, tiyak namang mahahawi ang mga dumi at
sukal na naghambalang sa ilog.”

Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat sa prusisyong magaganap. Naroon na


sa bangka ang patron. Kayganda na bangka! Ang liwanag nito at napakaraming dekorasyon
may iba’t ibang kulay, hugis at sukat. Kayraming taong ibig sumakay sa bangka. Bata’t
matatanda. Nangatakot ang mga lulan ng Bangka. Ibig nilang makaalis. Ibig nilang tumalon.
Ibig nilang lumundag sa ilog. Nagkagulo ang mga tao. Ang lahat ay nangatakot.
Nangagsisigaw. May mga nagdarasal. Maraming umiiyak at nananaghoy.

At…at…unti-unting lumulubog ang bangka, kasama ang di mabilang na mga sakay nito.
Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitang may 205 sakay ng bangka
ang namatay sa aksidenteng iyon. Mahigit pa ring 100 tao ang nawawala. Saka naisip ni
Kapitan ang ilog. Ang maruming ilog na pinarumi.

You might also like