You are on page 1of 1

“Si Agtek, ang Batang Katutubo”

Si Agtek, ang Batang Katutubo Si Agtek ay isang


batang katutubo. Siya ay taga Silangan. Sa isang
bayang bulubundukin siya nakatira. Kasama niya sa
kubo ang kanyang mga magulang. Kaibigan ni Agtek
ang kalikasan. Tuwing umaga, umaakyat siya sa
bundok upang tingnan ang berde at napakalawak na
taniman na kanilang ikinabubuhay. Sanay na sanay
umakyat ng bundok si Agtek. Sa hapon naman ay
nanghuhuli ng mga isda sa ilog si Agtek. Ipinagbibili
niya ang ito sa bayan. Ang mga natitirang isda ay
kanyang inuuwi sa bahay. "Pangarap kong
makapagpatuloy ng pag-aaral," ang sabi ni Agtek sa
kanyang ina. "Sa susunod na taon ay mag-aaral ka na.
Magaling na iyong ama. Siya na ang magtatanim ng
mga punla. Siya na rin ang mangingisda sa ilog.
"Tuwang-tuwa si Agtek. Lalo siyang sumigla at naging
masipag matapos niyang marinig ang mga ipinangako
ng kanyang ina.

You might also like