You are on page 1of 2

Suyuan sa tubigan

Macario Pineda

Ano mang bigat ng trabaho sa bukid,gumagaan dahil sa magandang


samahan, lalo’t kung may suyuan.

Sumisilip pa lamang ang araw nang kami;y lumusong sa landas na


patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Nkasabay namin si Ka Akbina , na
kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang pamangking si Pilang.
Ang tatlo;y may sunog na mga matong ng kasangkapan at pagkain.
“Ang Ka Teryo mo’y hindi makalulusing.Masidhi na naman ang
kanyang rayuma,” wika ni Ka Albina sa akin. “Kung di nga lang lamang
lubugin ang tubigan naming yaon ay naurong sana ang pasuyo namin
ngayon.Mahirap ang wala roon ang Ka Teryo mo.”
“Ilan ang natawag ninyo, Ka Albina?” tanong ni Ore. “Aanim pa
kaming nagkakasabay-sabay ngayon.”
“Wika ni Ipyong ay baka raw umabot sa dalampu kayong lahat.”

Nilingon ni Pakito ang dalawang dalaga.”Kaya pala mukhang mabigat


ang mga matong na iyan.Kayraming pagkain marahil,”wika niya.
Nagtawa si Nati. Tila nga namn nagpapahiwatig ng malaking gutom ang
pananalitang yaon ni Pakito. Si Pilang ay walang imik at tila matamang
pinagmamasdan ang landas na tinalunton. Magaganda ang mga paa ni
Pilang. Ilang sandaling pinagmasdan ko ang kanyang banayad na
paghakbang.
Sinutsutan ni Pastor ang kanyang pinauunang kalakin hanggaang
maagapay siya kay Nati.”Aling Nati,” wika niyang nakatawa,”ako na ho
sana ang pagsusunog pa kayo ng matong na iyan.”

Nagtawanan kami. Sinusulyapan ni Nati si Pastor.”Salmat ho,” tugon


niya. “Diyan ho lamang sa araro at kalabaw ninyo ay napupulot na kayo,
magsusunong pa kayo matong. Nais ba ninyong matambak?”
“Bakit hindi mo aluking sunungin ang matong ni Pilang?” wika ni
Pakito. “Si Nati ba lamang ang pinapahalagahan mo?”
Lalo kaming nagkakatawanan. Si Pastor ay halos pagulantang na
tumanaw kay pakito. At lumingon si Ka Albina sa amin ----alangang
matawa, alangang magalit ang anyo ng kanyang mukha.

Pinamulahan ng mukha si Pilang ngunit kahit isang ngiti ay wala


siyang isinalo sa aming katuwaan. Patuloy ang banayad niyang
paghakbang. At tila lalong mapuputi ang kanyang mga binti sa ibabaw ng
putikang landas. Si Ore ay napansin kong dahan-dahang nagpapatihuli.
Nang lingunin ko siya ay napansin kong tila may malalim na iniisip ang
binata ni Ka Inso.

Nang kami’y dumating sa tubigang aararuhin at malapit nang


makatapos ng pagtitilad si Ka Ipyong at si Fermin. Sa hindi kalayuan ay
natanaw naming dumarating sina Ka Punso, Ka Imong, Toning, Ilo at
Asyong. Sa malayo ay may ilan nang dumarating na hindi namin
mapagsiya.
Tinitigan ni Filo ang kalabaw ni Fermin, “Tila pusang nanunubok
kung humila ang kalabaw ni Fermin,” wika ni

You might also like