You are on page 1of 2

Gawain 1.

Talakayin nang masinsinan ang sumusunod:

1. Ano-anong kahalagahang pantao ang matatagpuan sa awiting Pilipinong kinikilala sa


pandaigdig na larangan: Ako’y Pinoy, Kay Ganda ng Ating Musika, Anak

2. Alamin kung ano ang mensahe ng awiting Bagong Lipunan?

Ang awiting Bagong Lipunan na kilala rin bilang March of the New Society, ay isang
awiting makabayang Pilipino sa panahon ng panunungkulan ni dating presidente
Ferdinand Marcos. Ang mga liriko ay isinulat ni Levi Celerio at ang musika ay binuo ni
Felipe Padilla de León noong 1973. Ang mensahe ng makabayang awiting ito ay
tungkol sa pagsilang ng bagong bansa na may hangaring maging mapayapa, at
magkaroon ng magagandang pagbabago sa kapaligiran.

3. Itala ang mga babasahin na makikita sa loob ng inyong bahay, sino-sino ang
madalas na tumatangkilik dito? Ano ang posibleng layunin sa pagtangkilik dito?

Ang mga babasahin na makikita dito sa aming bahay ay mga libro na katulad ng
General Physics 2 at General Biology 1. Ito ay may layuning maturuan ang mga
senior highschool na matutunan ang mga pangunahing prinsipyo ng mga paksa na
ito. Ang madalas na gumagamit ng mga libro na ito ay ako lamang.

4. Isa-isahin ang mga naitalang pampanitikang akda sa Bagong panahon?

 Mga Piling Katha (1945) ni Alejandro Abadilla,


 Ako’y Isang Tinig (1952) katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva
Edroza-Matute,
 Parnasong Tagalog (1964) katipunan ng mga tula nina jose dela Cruz at
Francisco Balagtas na tinipon ni Alejandro Abadilla, Manlilikha
 Piling Tula (1961-67) ni Rogelio Mangahas

5. Ano ang madalas na paksa ng awitin at sanaysay sa Bagong panahon?

Ang mga kadalasang paksa ng awitin at sanaysay sa Bagong Panahon ay ang mga
ikauunlad ng bayan, pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain, adiksyon sa droga at
polusyon.
IN A NUTSHELL:

Mabilis ang pagbabago ng panahon, kapaligiran at pamumuhay ng tao. Kaugnay


rito, nagbabago rin ang damdamin, saloobin at pagpapahalaga ng mga tao bunga
ng kanilang mga karanasan.

1. Ano ang ambag ng panitikan sa pagpapanatili sa kultura, tradisyon at paniniwala ng


isang lahi?

Marami ang masasabi kong ambag ng panitikan sa ating kultura at tradisyon


katulad na lamang ng pamamahagi ng mga pahayagan. Isa sa mga kultura nating mga
Pilipino ay ang pagbabasa ng dyaryo at minsan naging tradisyon din natin ito na mag
basa tuwing umaga ng dyaryo. Nagagamit din ang panitikan sa ating mga simbahan sa
pamamagitan ng pag print ng mga babasahin tungkol sa Diyos. Mas napapatibay din
nito ang paniniwala natin sa Diyos sa pamamagitan ng mga libro tungkol sa Diyos o ang
Bibliya.

2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Batas Militar noon at ngayon?

Ang pagkakaiba ng batas militar noon sa ngayon ay mas mahigpit kaysa ngayon
ang batas military noon at mas malupit ang pagtrato sa ating mga kapwa Pilipino kaya
marami ang natakot sa ating mga mamayang Pilipino sa pagbalik ng batas militar
ngayon. Pero wag dapat tayong mangamba dahil hindi na makasarili ang ating pangulo
di tulad noon. Ang pagkakatulad ng batas military noon sa ngayon ay kinokontrol parin
tayo ng mga sundalo ngunit hindi na katulad ng dati na malupit ang trato sa ating mga
mamamayang Pilipino.

3. Bakit sinasabing makulay ang panitikan sa kasalukuyan?

You might also like