Professional Documents
Culture Documents
Karagdagang Impormasyon
Karagdagang Impormasyon
1
The Oxford English Dictionary, 2nd edn. (Oxford: Clarendon Press, 1989), 423.
2
Ibid., 424.
3
R. J. Johnston (ed.), The Dictionary f Human Geography , 3rd edn. (Oxford: Blackwell, Ltd., 1991), 172.
4
Edgar F. Borgatta at Rhonda J.V. Montgomery (eds.), Dictionary of Sociology, 2nd edn (New York: MacMillan,
2000), 81.
Sa mga depenisyong ito, nakapaimbabaw ang salik ng lahi (angkan o tribu), kultura at
kasaysayan. Ang pagkakabigkis ay sinasabing nakaangkla sa primordial na damdamin ng bawat
miyembro sanhi ng pangangailangang biolohikal tulad ng pagkain at seguridad. Isinasaad nito na
ang puno’t dulo ng etnisidad ay ang pakikipagsapalaran ng tao sa kanyang kapaligiran.
Ang pakikipagsapalaran ay isang survival instinct ng tao. Kung salat ang materyal na
kapaligiran, unahan sa paghahanap ng pagkain. Pakikihamok ang resulta sa matinding
kompetisyon. Subalit hindi nakaangkla ang depinisyon ng etnisidad sa pagsustena ng isang
payak na komunidad na binubuo lamang ng pamilya at angkan. Dahil kung ganito ang pananaw,
primitive tribalism ito at hindi tumuturol sa usapin ng etnisidad. Ipinapawalang saysay din nito
ang mapayapang pakikipamuhay ng mga tribu sa bawat isa na makikita sa kanilang mga
kasunduan o peace pacts. Kung gayon, ang pakikipagsapalaran sa kapaligiran ay lampas sa
kategorya ng batayang materyal lamang sapagkat ipinapalagay ng etnisidad ang pagkakaroon ng
nasyon-estado na siyang dambuhalang institusyon na sumasaklaw sa buhay at kapakanan ng tao.
Naituturing grupong etniko ang isang kalipunan ng tao kapag ang kanilang ekonomiko, kultural
at sosyo-pulitikal na interes ay sinasagkaan o nasasagkaan ng estado. Sa depenisyon ng isang
Pilipinong kritiko:
5
Arnold M. Azurin, Reinventing the Filipino: Sense of Being and Becoming (Quezon City: UP Press, 1993), 5.
Ang depenisyon ng etnisidad na nakakawing sa usapin ng estado at ng nasyon –
nasyunal sa aspektong pulitikal ay sinasabi nina Glazer & Moynihan na kamakailan lamang.
Wala ito sa 1933 edisyon ng Oxford English Dictionary at lumitaw lamang sa 1972 Supplement
kung saan nairekord ang unang paggamit sa termino ni David Riesman noong 1953. Sa 1973
edisyon ng American Heritage Dictionary, ang entry ay may dalawang kahulugan: 1) The
condition of belonging to a particular ethnic group; at 2) Ethnic pride. Ang terminong ito ay
tinignan nina Glazer & Moynihan na bukas at nasa present tense. Para sa kanila, ang etnisidad ay
isang bagong kategorya ng pag-aaral bagama’t hindi nito pinasusubalian ang karanasan ng mga
magkakatunggaling grupong etnik bago pa inilunsad ang terminong ito sa mga diksyunaryo. Para
kina Glazer & Moynihan, ang pagtindi ng tendensya ng mga tao sa maraming bansa na igiit ang
sariling kaakuhan/identidad ay hudyat ng isang kakaibang penomenolohikal na usapin na
kailangang pagtuunan ng akademikong pag-aaral. Subalit ang etnisidad ay hindi lamang kaugnay
ng penomenon ng mga bagong estado na may layon nang pagbuo ng nasyon, dahil pati mga
lumang estado ay may ganito pa ring adhikain.6
Ayon kay Walker Connor, nang gamitin ang katagang etnisidad ng mga Amerikanong
sosyolohista, na tumukoy sa isang maliit na grupo sa loob ng isang lipunan, saka nagkaroon ng
dikotomiya ng minorya sa mayorya, ito ma’y grupong relihyoso, linguistic, at/o iba pa. Ang
dikotomiyang ito ang nagbigay daan sa kasalukuyang pag-unawa ng konsepto ng etnisidad na
nakabatay sa usapin ng kapangayarihan; ang konsepto ng etnisidad vis-à-vis ang usapin ng
nasyon, nasyon-estado at hegemony.7
Para sa ‘pagmamapang etnokultural’, ang usapin ng etnisidad ay tumutukoy sa
pakikipagsapalarang pulitikal ng isang grupo o kalipunan ng tao laban sa estado dahil sa paggiit
ng kanilang karapatan, aspirasyon at pamumuhay. Paano titignan ang Pangasinan bilang isang
grupong etniko?
Sa punto de bista ng Maynila bilang sentro ng nasyon-estado, ang Pangasinan ay isa
lamang lalawigan o politikal na yunit nito. Kung gayon, rehyunal, lokal, kaya’t periferal.
Nagiging mahalaga lamang ang Pangasinan pagdating ng halalan dahil sa dami ng tinatawag na
‘ethnic vote’ o populasyong botante nito. Samakatuwid, ang Pangasinan ay grupong etniko dahil
sa ‘ethnic vote’ nito.
6
Nathan Glazer at Daniel Moynihan (eds.), Ethnicity: Theory and Experience (London: Harvard University Press,
1975), 1-26.
7
Walker Connor, “A Nation is a Nation, is a State, is an Ethnic Group, is a …,” Nationalism, eds. John Hutchinson
at Anthony D. Smith (New York: Oxford Press, 1994), 36-46.
Ilan pang Manilacentric views ukol sa Pangasinan bilang grupong etniko ang akusasyon
na naghihingalo na ang wika at kultura ng Pangasinan, kungdiman burado na ang kanyang
etnolingwistikong katangian. Ang panitikan ng Pangasinan, nakatitik man o salimbibig ay
asersyon ng etnisidad ng lalawigan.
Ang Pangasinan ay tinitignan din bilang pook na maraming faithhealers. Isa rin itong
prodyuser ng bagoong, bukayo at bangus. Tahanan din ang Pangasinan ng mga naglalakong
nakakariton na tinawag ng mga turista na cattle caravan. Ang industriya ng mga tagarito na
matamang inilarawan ng mga tagalabas ang nagpapakahulugan sa Pangasinan bilang natatanging
grupong etniko.
Kung tutuusin, hindi malay ang mga Pangasinan na sila’y isang grupong etniko.
Nagmamaliw lamang ang etnisidad ng mga tagarito kapag sila’y nakikipagtalastasan sa estado
ayon sa kanilang paggigiit sa sariling pamumuhay, kultura at mga adhikain. Samakatuwid, ang
etnisidad ng mga Pangasinan ay isang uri ng asersyon, pakikipagtalastasan, at
pakikipagsapalaran laban sa mga nagsasantabi ng kanyang karapatan at interes na umiral at
bumubura sa kanyang sariling kaakuhan o identidad.
Ang ‘pagmamapang etnokultural’ ay pagtatala ng artikulasyon ng etnisidad ng
Pangasinan bilang tao at lugar.
8
The Oxford English Dictionary, 2nd edn. (Oxford: Clarendon Press, 1989), 121.
9
The American Heritage Dictionary of the English Language, 3rd edn. (New York: Houghton Mifflin Co., 1996).
454.
10
Clifford Geertz, The Interpretation of Cultures: Selected Essays by Clifford Geertz (New York: Basic Books,
1973). Binanggit sa David Levinson at Melivn Ember (eds.), Encyclopedia of Cultural Anthropology , tomo 2, op.
cit., 418.
Mahalaga ang pagtingin ni Geertz sa kultura bilang produkto ng pangangahulugan mismo
ng taong may taglay nito. Ang kultura ay hindi depinisyong binubuo ng lipunan sa pamagitan ng
mga antropologo o iskolar-mananaliksik. Hindi rin ito depenisyong iginagawad ng estado sa
pamagitan ng sistema ng edukasyon. Ito ay hinuhugot mula sa karanasan at persepsyon ng mga
taong pinag-aaralan ang kultura.
Para sa ‘pagmamapang etnokultural’, ang kultura ay tatayain sa matalik na ugnayan nito
sa usaping etnisidad vis-à-vis usapin ng nasyon/ nasyon-estado. Ipinapalagay na sa isang
kabuuang pang-nasyon, walang iisang kultura ang namamayani subalit may dominanteng kultura
ng nasyon. Binabasag ang presuposisyon ng homogeneity sa katunayan ng pagkakaroon ng
marami o multiple cultures sa loob ng isang itinatakdang nasyon-estado. Ang konsepto ng
multiculturalism ang nagbibigay patunay sa pagsulpot ng mga grupong etniko. Bilang maliit na
kultura sa dambuhala at dominanteng kultura ng nasyon-estado, ang grupong etniko ay
itinuturing partial o minority culture. Idinidiin nito ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang
kabuuan. Ani isang kritiko:
The partial, minority culture emphasizes the internal differentiations, the ‘foreign
bodies’, in the midst of the nation – the interstices of its uneven and unequal
development, which give the lie to its self-containedness.11
Ang Pangasinan bilang isang grupong etniko ay isa ring kulturang minorya sa loob ng
dambuhala at dominanteng kultura ng nasyon. Ang Maynila bilang sentro ng nasyon ay
nakapagbalangkas ng sariling pagpakahulugan at paghugis sa Pangasinan bilang isang marginal
na lalawigan na nakakabit sa Ilocandia at may kulturang unti-unti nang naglalaho. Sa mga elit ng
Pangasinan, lantad at nakatitik ang kanilang tugon sa pagpapakahulugang ito ng nasyon. Wika
ng isang kritiko:
11
Homi K. Bhaba, “Culture’s In-Between,” Questions of Cultural Identity, ed. Stuart Hall at Paul du Gay (London:
Sage Publications, 1996), 57.
Sa mga ordinaryong mamamayan, ang kanilang industriya, pamumuhay at pang-araw-araw na
gawain ay patunay ng patuloy na pag-iral ng kultura ng Pangasinan. Kung tutuusin, ang mga
hindi nakatitik na artikulasyon ay mas malapit sa kaibuturan ng etnokultura ng lalawigan.
Sa ‘pagmamapang etnokultural’, ang kultura ng Pangasinan ang siyang sumasagisag ng
katunayan o ebidensya at maging sanggunian ng itinutulak na mga asersyon ng etnisidad.
identities are constructed through, not outside, difference… it is only through the
relation to the Other, the relation to what it is not, to precisely what it lacks, to
what has been called its constitutive outside that the ‘positive’ meaning of any
term -- and thus its ‘identity’ – can be constructed.13
12
Paul Brass, “Elite Competition and Nation Formation,” Nationalism, eds. John Hutchinson at Anthony D. Smith
(New York: Oxford Press, 1994), 87.
13
Ang depenisyong ito ay hinango ni Stuart Hall kina J. Derrida, Positions (Chicago: University of Chicago Press,
1981), E. Laclau, New Reflections on the Revolution of Our Time(London: Verso, 1990), at J. Butler, Bodies that
Matter (London: Routledge, 1993). Nasa Stuart Hall at Paul du Gay, Questions of Cultural Identity, op. cit., 4-5.
Ang pagpapalabo, kungdiman pagbubura ng kultura at kasaysayan ng Pangasinan ng
dominanteng kultura sa sentro ay taliwas naman sa ilan pang konstruksyong nabuo ukol sa
Pangasinan na nagtatambad ng kahalagahan nito sa larangan ng pulitika at relihyon. Ito ay ang
ethnic vote ng mga Pangasinan at ang pagiging pugad ng maraming faithhealers. Paradoxical ang
pagbubura ng kultura habang itinatakda ang pulitikal at espiritwal na kapangyarihan ng
lalawigan.
Ang rekuperasyon ng identidad ng Pangasinan ay nakasalalay sa kahalagahang pulitikal.
Samantalang pinapangibabawan ng dominanteng kultura sa sentro ang kultura’t kasaysayan ng
Pangasinan bilang isa lamang lokal na komunidad, sa konsepto ng nasyon-estado, naimapa na
ang Pangasinan sa mentalidad ng mga kandidato sa pambansang halalan mula sa pagka-
presidente hanggang sa mga mambabatas sa mataas at mababang kapulungan. Ang katunayan ng
kanyang pagiging politikal na komunidad ay binibigyang lehitimasyon sa literatura ng
COMELEC at sa daloy ng kasaysayang pulitikal ng bansa.
Kinikilala rin ang Pangasinan bilang isang “site of spiritual renewal” nang kilalanin ang
maraming faithhealers na tagarito. Ang mga pangalang Jun Labo at Alex Orbito ay naging
representasyon ng espiritwal na kapangyarihang taglay ng Pangasinan. Tangan ang
kapangyarihang ito, tinahak ni Jun Labo ang parang ng pulitika nang maging mayor ng syudad
ng Baguio. Ang kapangyarihang espirituwal ay naisalin tungo sa kapangyarihang pulitikal.
Itinayo naman ni Alex Orbito ang Pyramid of Asia bilang isang konseptwalisadong pook
na sagrado at banal. Dinesenyo malapit sa Our Lady of Manaoag Shrine, iminuhon ng struktura
ang pagpapatibay sa pagkilala sa Pangasinan bilang pook ng espirituwalidad. Sa madaling salita,
nainstitusyonalisa ang nasyonal na pagpopook sa Pangasinan bilang batis ng kapangyarihang
espirituwal kung saan masasaksihan ang pagtatagpo ng paniniwalang Judeo-Kristyano (Manaoag
Shrine) sa paniniwalang nakaugat sa anitismo (faithhealers).
Subalit ang pagbuo ng identidad ng Pangasinan ay hindi isinuplong ng katutubong
aspirasyon, kungdi, isang pagbibigay lehitimasyon ng nasyon-estado sa kapangyarihang pulitikal
at espiritwal ng lalawigan bilang isang vote-rich province at isang site of spiritual renewal. Dahil
kung uugatin ang etnokultura ng Pangasinan, ang tradisyong manag-anito ay isang uri at praktis
ng kaalamang bayan na pinigil ng karanasang kolonyal. Iginiit ito sa mga samahang
relihyoso/chiliastiko mula nang siglo-19. Ang kapangyarihang pulitikal sa pamagitan ng balota at
kapangyarihang espirituwal sa pamagitan ng struktura (Manaoag Shrine at Pyramid of Asia) ay
mga konsiderasyong elit. Ang mga usapin tungkol sa karapatan sa ilalim ng demokrasya o ng
mga bagong metodo ng panggagamot ay sa sensibilidad ng elit lamang. Sila ang sektor na
tuwirang nakikipagtalastasan at nakikipag-ulayaw sa mga pagtatakda ng estado. Kadalasan,
kaiba ang gagap nila ng kanilang etnisidad at identidad kung ihambing sa pambalana. May ilang
halimbawa pa ng mga elit na sa pakikipagkompromiso sa nasyon-estado ay naipagbibili ang
esensya ng etnisidad. Ani muli ng Pilipinong kritiko:
14
Arnold M. Azurin, op. cit., 5.