You are on page 1of 21

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cris Anthony A. Tagatac
Editor: Karl Edward B. Panceles, Kathy A. Garcia and Jewel P. Depacto
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Rolex T. Lotilla, and Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: John Lester B. Escalera
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director

Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director

Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent

Roberto J. Montero, CESE – Asst. Schools Division Superintendent

Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD

Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS

Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM

Johnny M. Sumugat – REPS, A.P

Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief

Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS

Bernardita M. Villano –Division ADM Coordinator

Antonio V. Amparado – EPS, A.P.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Antonio V. Amparado Jr. – EPS, A.P
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiyang Pantao.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga teksto, gawain, pagtataya at mungkahing


gawain upang higit na mapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral ng Araling
Panlipunan.
Aralin 1- Heograpiyang Pantao

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan:
1. Naiisa-isa ang mga natatanging kultura sa rehiyon, bansa, at sa daigdig.
2. Naipahahayag ang kahalagahan ng wika.
3. Natatalakay ang mga paraan at programang naglalayong panatilihin at
buhayin ang kultura.
4. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig).

1
Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang Austronesian ay isang wika na kumalat sa rehiyon ng Pasipiko, Timog-


Silangang Asya kasama na rin ang isla ng Madagascar. Alin sa sumusunod
na mga bansa ang napapabilang sa Family of Language na ito?
A. Sicily
B. Pilipinas
C. Greenland
D. Greeat Britain

2. Ipinagmamalaki ng Rehiyon 12 ang pagkakaisa at pagtatag ng isang


pamayanan ng tri-people o pamayanang binubuo ng tatlong (3) magkaka-
ibang grupo ng tao. Ang sumusunod ay kabilang sa grupong ito maliban sa
___________.
A. Aeta
B. Lumad
C. Muslim
D. Kristiyano

3. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wika?


A. Gamitin ang wikang English sa lahat ng pagkakataon.
B. Higit pang palaguin ang kaalaman sa dayuhang wika.
C. Payabungin ang paggamit at ipakalat ang wikang pambansa.
D. Ipaglaban ang pagpapalit ng wikang Ingles bilang wikang pambansa.

4. Ang mga wikang Italian, French, German at Spanish ay mga wikang


Romantic. Saang protolanguage napapabilang ang mga ito?
A. Austronesian
B. Afro-Asiatic
C. Indo-European
D. Sino-Tibetan

5. Sa iyong paaralan, alin ang gawaing maaari mong salihan upang mahikayat
ang kapwa mag-aaral na buhayin ang kultura ng bayan?
A. Patimpalak para sa next top model
B. Paligsahan ng mga laro ng lahi
C. Advocacy campaign ng SWM
D. Pag-awit ng K-Pop para sa battle of the bands
6. Nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang mamamayan.

2
A. Etniko
B. Etnolingwistiko
C. Etnograpiya
D. Etnisidad

7. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa pangangalaga ng


kultura ng bayan?
A. DOTr
B. PAGASA
C. NCCA
D. DOST

8. Ang limang pinakamalalaking relihiyon sa mundo ay matatagpuan sa Asia.


Ano ang relihiyon na nagmula sa India?
A. Islam
B. Buddhism
C. Christianity
D. Atheists

9. Paghahabi ng tela ay isang kapaki-pakinabang na hanapbuhay. Anong


lalawigan sa rehiyon 12 ang kilala sa T’nalak cloth?
A. Cotabato
B. Sarangani
C. South Cotabato
D. Sultan Kudarat

10. Ang pangunahing relihiyon sa daigdig na may pinakamaraming bilang ng


taong sumasamba ay ang
A. Islam
B. Buddhism
C. Christianity
D. Hindusim

3
Aralin

2 Heograpiyang Pantao

Mag-aaral, tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang wika, relihiyon, lahi at
pangkat etniko na makikita sa daigdig. Susuriin ang mga ebidensya ng pinagmulan
ng ating lahi at aalamin ang gampanin ng iba’t ibang ahensya na nagtataguyod ng
ating pagkakakilanlan.

Balikan

Punan ang sumusunod na pahayag.

Ang pag-aaral ng heograpiya ay makatutulong sa akin upang _____________________


__________________________________________________________________________________
________________________________________.

Ang kapaligiran ay kailangang ingatan kaya sisikapin ko na ______________________


__________________________________________________________________________________
________________________________________.

Sa nagdaang aralin, nabigyang diin ang bahagi ng heograpiya at ang kahalagahan


ng pag-aaral nito sa pamumuhay ng tao. Isang bagay na kung ating malalaman ay
higit na mauunawaan ang pagkakaiba-iba ng bawat lahi. Ngayon, higit namang
susuriin ang isa pang bahagi ng heograpiya, ang heograpiyang pantao. Handa ka na
bang simulan ang ating aralin? Mahusay, magsimula na tayo!

Mga Tala para sa Guro


Higit na mabibigyang pansin ang pagkakakilanlan ng ating lahi sa
araling ito. Minumungkahi na ang mga guro ay magbigay ng
debate ukol sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino at kung paano
pinangangalagaan ng mga pamayanan ang pamana, kultura at
ambag ng ating mga ninuno.

4
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang ibinigay na mga katanungan.

I. Isipin mo kung saan ka nagmula.

1.) Saang lahi nagmula ang mga Pilipino?


____________________________________________________________________
____________________________________________________.

2.) Paano nahubog ang kulturang Pulipino?


__________________________________________________________________________________
______________________________________.
3.) Ano ang katangi-tangi sa kultura o kaugaliang Pilipino?
__________________________________________________________________________________
______________________________________.

Matapos mong sagutin ang mga katanungan, suriin mo ang kaugnayan ng iyong
sagot sa paksang ating tatalakayin.

Suriin

Basahin at suriin ang teksto

Ang Heograpiyang Pantao


Iisa-isahin at susuriin sa araling ito ang mga natatanging kultura sa mga rehiyon
at bansa sa daigdig. Ang mga ito ay may malaking ambag sa pagkakakilanlan ng
bawat bansa.

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,


relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika
Sinasabi na ang wika ang kaluluwa ng bansa. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa
isang lahi o pangkat. Umaabot sa 7,105 ang buhay na wika sa daigdig na ginagamit
ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na

5
language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan (proto-
language). Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya
ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

Talahanayan 1. Pangunahing Pamilya ng Wika


Sanggunian: https://www.worldatlas.com/articles/language-families-with-the-highest-number-of-speakers.html

# PAMILYA NG WIKA TINATAYANG DAMI LUGAR NA


NG GUMAGAMIT PINAGMULAN
1
Indo-European 2,910,000,000 Asia, Europe
2
Sino-Tibetan 1,268,000,000 Asia
3
Niger-Congo 437,000,000 Africa
4
Austronesian 386,000,000 Asia, Oceania
5
Afro-Asiatic 380,000,000 Africa, Asia

Relihiyon

Ang relihiyon ay ang bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat
ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos.
Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para
maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob
sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang
pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang mga paniniwala ay madalas na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay ng


ating mga ninuno. Ngunit hindi ito organisado at walang sistematikong mga
doktrina. Naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao,
bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag
at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay, maging ng pag-
unlad at pag-iral ng mga kultura.

Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan
ng dami ng tagasunod ng mga ito.

Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig

percentage

Lahi/Pangkat-Etniko

6
Iba’t iba ang katangian ng bawat pangkat, dahil na rin sa mga natural barriers at
ibang pang sanhi ng pagkakaibang ito. Isang patunay nito ang race o lahi na
tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, at ang pisikal o
bayolohikal na katangian ng pangkat. Dahil dito nabuo ang ibat ibang klasipikasyon
ng mga tao sa daigdig.

Ang salitang etniko ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang


mamamayan. Ang mga miyembro ng isang pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng
magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon na siya nilang sariling
pagkakakilanlan.

PAMPROSESONG TANONG

1.) Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa
pisikal na heograpiya?

2.) Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.

3.) Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

4.) Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng


indibiduwal o isang pangkat ng tao?

5.) Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga


tao sa daigdig?

Pagyamanin

Gawain 1
Punan ang talahanayan sa ibaba at sagutan ang katanungan ukol dito.
Pamilya ng Wika Mga Bansa Halimbawa ng Tinatayang bilang
mga Wika ng gumagamit
Indo-European
Sino-Tibetan
Niger-Congo
Austronesian
Afro-Asiatic

PAMPROSESONG TANONG

1.) Anong wika ang may pinaka maraming gumagamit?

2.) Ano ang iyong napapansin sa distribusyon ng wika?

3.) Ang wika nga ba ay kaluluwa ng isang lahi? Bakit?

7
Isaisip

1. Ang heograpiyang pantao ay binubuo ng ___________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________.

2. Bilang mag-aaral, mahalagang mabatid ang konsepto ng heograpiyang


pantao upang ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________.

Isagawa

Ang National Commission for Culture and the Arts o NCAA ay isa sa ahensya ng
gobyerno na tumatalakay at dumudulog sa mga isyu at usapin ukol sa pamanang
kultural ng bansa. Kung ikaw ay itatalagang junior ambassador ng ahensiya, ano
ang iyong gagawing programa o paraan upang itaguyod ang ating kultura?

8
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang Austronesian ay isang wika na kumalat sa rehiyon ng Pasipiko,


Timog-Silangang Asya kasama na rin ang isla ng Madagascar. Alin sa
sumusunod na mga bansa ang napapabilang sa Family of Language na
ito?
A. Sicily
B. Pilipinas
C. Greenland
D. Greeat Britain

2. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wika?


A. Gamitin ang wikang English sa lahat ng pagkakataon.
B. Higit pang palaguin ang kaalaman sa dayuhang wika.
C. Payabungin ang paggamit at ipakalat ang wikang pambansa.
D. Ipaglaban ang pagpapalit ng wikang Ingles bilang wikang pambansa.

3. Ang limang pinakamalalaking relihiyon sa mundo ay matatagpuan sa Asia.


Ano ang relihiyon na nagmula sa India?
A. Islam
B. Buddhism
C. Christianity
D. Atheists

4. Sa iyong paaralan, alin ang gawaing maaari mong salihan upang mahikayat
ang kapwa mag-aaral na buhayin ng kultura ng bayan?
A. Patimpalak para sa next top model
B. Paligsahan ng mga laro ng lahi
C. Advocacy campaign ng SWM
D. Pag-awit ng K-Pop para sa battle of the bands

5. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa pangangalaga ng


kultura ng bayan?
A. DOTr
B. PAGASA
C. NCCA
D. DOST
6. Nagmula sa salitang Greek na “ethnos” na nangangahulugang “mamamayan.”
A. Etniko

9
B. Etnolingwistiko
C. Etnograpiya
D. Etnisidad

7. Paghahabi ng tela ay isang kapaki-pakinabang na hanapbuhay. Anong


lalawigan sa rehiyon 12 ang kilala sa T’nalak cloth?
A. Cotabato
B. Sarangani
C. South Cotabato
D. Sultan Kudarat

8. Ipinagmamalaki ng Rehiyon 12 ang pagkakaisa at pagtatag ng isang


pamayanan ng tri-people o pamayanang binubuo ng tatlong (3) magkaka-
ibang grupo ng tao. Ang sumusunod ay kabilang sa grupong ito maliban sa
___________.
A. Aeta
B. Lumad
C. Muslim
D. Kristiyano

9. Ang mga wikang Italian, French, German at Spanish ay mga wikang


Romantic. Saang protolanguage napapabilang ang mga ito?
A. Austronesian
B. Afro-Asiatic
C. Indo-European
D. Sino-Tibetan

10. Ang pangunahing relihiyon sa daigdig na may pinakamaraming bilang ng


taong sumasamba ay ang

A. Islam
B. Christianity
C. Buddhism
D. Hindusim

Karagdagang Gawain

Mag-aaral, ikaw ngayon ay inaasahang makagagawa ng isang explosion box na


naglalaman ng detalye ukol sa heograpiyang pantao ng isang lugar o bansa. Ang mga
pamantayan ng gagawing explosion box ay :

10
1.) ang kahon ay may haba, taas at lapad na 12 sentimetro;

2.) maaaring balutan ng ordinaryong materyal ang kahon;

3.) makikita sa loob nito ang kaalaman ukol sa ibinigay na paksa gamit ang pop
up o pull ups na pagdisenyo;
4.) siguraduhing sasakto ang takip ng kahon;

5.) gawing batayan ang sumusunod na rubrik:

Rubriks sa pagtataya ng explosion box.

Katangi-tangi Mahusay Katamtaman Kailangan pa


KATANGIAN ng dagdag na
pagsasanay
4 3 2 1
Makabuluhan at
wasto ang ibinigay
na impormasyon.
Napakahusay ng
istilo at materyales
na ginamit.
Napakamasining ng
ginawang explosion
box.
Napakalinis ng
paggawa.
Sapat ang detalye
at lubhang malinaw
ang impormasyong
ibinigay.
Maayos ang
pagkakalahad o
pagkakasulat.
Puntos Kahulugan

15-16 Katangi-tangi
11-14 Mahusay
7-10 Katamtaman
4-6 Kailangan pa ng dagdag na pagsasanay

11
12
Subukin Balikan Tayahin
1. B 1. A 1. B
2. A 2. B 2. C
3. C 3. C 3. B
4. C 4. D 4. B
5. B 5. A 5. C
6. A 6. A
7. C 7. C
8. B 8. C
9. C 9. C
10.C 10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Cruz, Thelma, Rebecca Reyes, and Ma. Theresa Lazaro. 1992. Araling Panlipunan
IV (Ang Kasaysayan Ng Daigdig). 1st ed. Quezon City: Vicente Publishing House.

Blando, Rosemarie, Michael Mercado, Mark Alvin Cruz, and Angelo Espiritu. 2013.
Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Pasig.

Website/ Larawan

"Language Families Of The World". 2018. Worldatlas. https://www.worldatlas.com/


articles/language-families-with-the-highest-number-of-speakers.html.

"The Global Religious Landscape". 2012. Pew Research Center's Religion & Public
Life Project. https://www.pewforum.org/2012/12/18/global-religious-
landscape-exec/.

13
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like