You are on page 1of 37

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Yamang Tao sa Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Yamang Tao sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristine S. Tuto


Tagasuri: Anecita D. Casiple at Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit: Marcel B. Imperial
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region XI Davao City Division
Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Yamang Tao sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yamang Tao sa Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Yamang Tao !

Sa araling ito tatalakayin natin ang pinakamahalagang yaman ng isang


bansa, ang mga mamamayan nito na tinatawag ding yamang tao. Ang yamang tao
ang lumilinang at napapakinabangan ng lubos ang mga yamang-likas ng isang
bansa dahil sa kanila. Sila ang may taglay ng talino at lakas-paggawa para
mapangalagaan ang kalikasan na siyang pinagmumulan ng mga pangangailangan.

Kaya handa ka na ba para dito? Bago ka magsimula basahing maiigi ang mga
nakapaloob sa bahagi ng modyul na magsisilbi mong gabay sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang mapagpalang araw sa iyo aking mag-aaral. Narito ako upang gabayan
ka sa ating susunod na aralin sa unang markahan. Handa ka na bang tumuklas ng
mga kamanghamanghang mga bagay at madagdagan ang iyong kaalaman na may
kaugnayan sa mundong iyong ginagalawan?

Tinalakay sa nakaraang modyul ang tungkol sa kalagayang ekolohikal ng


Asya. Kung saan inisa-isa natin ang iba’t ibang isyung pangkapaligiran na
kinakaharap ng mga Asyano sa kasalukuyan na maaaring magbigay ng epekto sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Binigyang halaga din ang tungkol sa importansya
sa pangangalaga ng ating kapaligiran kaya naman kinakailangang gumawa ng
agarang solusyon upang mailigtas ang kalikasang nagbibigay sa bawat bansa ng
kaunlaran.

Para magamit ang mga likas na yaman na makukuha sa ating kapaligiran at


ating maalagaan kailangan ang mga tao. Isa sa mahalagang elemento sa pagpapa-
unlad ng isang bansa ang tao. Kaya naman tatalakayin ang katuturan at
kahalagahan ng populasyon at yamang tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at
lipunan sa modyul 6. Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning
Competency para sa Baitang 7 na: Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at
kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at
lipunan sa kasalukuyang panahon (AP7HAS-Ii-1.9).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:

• Konsepto at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya


• Komposisyon ng Populasyon
• Ugnayan ng Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng yamang tao sa
Asya sa Pagpapauland ng Kabuhayan sa Kasalukyang Panahon

Pagkatapos mong pag-aralan ang nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang kahalagahan ng yamang tao;
2. nailalahad ang komposisyon ng populasyon at yamang tao; at
3. naipapaliwanag ang ugnayan ng komposisyon ng populasyon at kahalagahan
ng yamang tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyan
panahon.

5
Subukin

Magandang araw, mag-aaral. Bago mo simulan ang pag-aaral sa aralin


subukan mo munang sagutan ang gawaing ito upang malaman mo kung gaano
kalawak ang iyong kalaaman tungkol sa paksa na ating tatalakayin sa susunod na
pahina. Basahing mabuti ang panuto bago sagutan ito.

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik
ng tamang sagot. Laging tandaan na huwag maglagay ng anumang marka sa modyul
at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita na may kontribusyon ka sa


pagsulong at pag-unlad ng lipunan na iyong kinabibilangan sa kasalukuyang
panahon?
A. Pagliban sa klase
B. Pag-aaral ng mabuti
C. Pag-uwi tuwing uwian
D. Pagtulog sa silid aralan
2. Bakit mahalaga na matukoy ng ating pamahalaan ang antas ng paglaki ng
populasyon?
A. Para maisali sila sa census.
B. Para malaman kung ilan ang babae at lalaki.
C. Para malaman natin kung gaano na tayo karami
D. Para sa pagpaplano ng mga pambansang proyekto at programang
kinakailangan ng mga tao.
3. Ano ang kahalagahn ng yamang tao bilang tagapagtaguyod ng kaunlaran ng
isang bansa?
A. Ang tao ang siyang nagbebenta ng mga ipinagbabawal
B. Ang tao ang siyang nagiging dahilan ng bawat pagpatay.
C. Ang tao ang siyang nagsisikap para makahanap ng magandang trabaho
D. Ang tao ang siyang nagbabayad ng buwis ngunit kulang.

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa


yamang-tao?
A. Ang tao ang gumagambala sa kalikasan.
B. Ang tao ang gumagawa para sa ikauunlad ng bansa.
C. Ang tao ang lumilinang sa mga likas na yaman ng bansa.
D. Ang tao ang siyang dahilan kung bakit ang bawat isa ay kailangang
magsumikap para mabuhay
5. Mayroong magkaibang bahagdan ang paglaki ng populasyon ng bawat bansa na
dapat mabatid ng pamahalaan. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang
dahilan ng pagbatid nito?
A. Para magamit sa pagbuo ng pamilya
B. Para malaman kung bata at matanda ang populasyon

6
C. Para maunawaan kung papaano bibigyan ng solusyon ang masamang
epekto ng mabilis na pagtaas ng populasyon.
D. Para maging batayan sa pagtatakda ng angkop na mga patakaran/programa
ng pamahalaan ukol sa mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.

6. Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na, “may malaking bahaging
ginagampanan ang yamang-tao sa pag-unlad?”

A. Marami ang maglilinang sa mga yamang-likas


B. Dahil uunlad ang yamang-likas marami ang makikinabang
C. Kasabay ng pagdami ng populasyon, dadami rin ang likas yaman
D. Maaaring maubos o kulangin ang mga yamang-likas sapagkat ang mga ito
ay may hangganan.

7. Sa kabuuan, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming bata na


populasyon?

A. Marami ang uubos sa likas na yaman


B. Marami ang aasa sa tulong ng pamahalaan
C. Marami ang makapagbibigay ng lakas paggawa
D. Marami ang dapat bigyang pansin ang kalusugan.

Suriin ang graph na nasa itaas at sagutan ang sumusunog na katanungan sa


bilang 8 hangang 10

Mga Rehiyon sa Asya


2,500,000,000
1,940,369,612
2,000,000,000
1,678,089,619
1,500,000,000

1,000,000,000
668,619,840
500,000,000 279,636,754
74,338,950
0
Southern Asia Eastern Asia South-Eastern Western Asia Central Asia
Asia

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa graph?


A. Ang Timog Asya ang may pinakamataas na populasyon sa Asya, at ang
Hilagang Asya ang may pinakamababang populasyon.
B. Ang Kanlurang Asya ang may pinakamababan populasyon samantalang
ang Silangang Asya ay pinakamataas pupolasyon.
C. Mas mataas ang populasyon ng Timog-Silangang Asya kumpara sa
Silangang Asya.

7
D. Mas mababa ang populasyon ng Timog Asya kung ihahambing
Silangang Asya.
9. Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa populasyon ng Silangang Asya?
A. Ito ay mas mababa kaysa sa Timog Asya.
B. Ito ay mas mataas kaysa sa Timog Asya.
C. Ang populasyon dito ay kaparehas ng Timog Asya.
D. Ang populasyon dito ay kasingdami ng Timog-Silangang Asya.

10. Bakit malaki ang Timog Asya ang mayroong pinakamalaking populasyon?
A. Dahil dito napapabilang ang India na ikalawa sa may pinakamaraming
populasyon sa buong mundo.
B. Sapagkat malapit ito sa China na may pinakamaramaing populasyon sa
buong mundo.
C. Dahil ang mga bansa rito ay walang ginagawang pagpaplano ng pamilya.
D. Dahil nakabatay sa kakulangan ng kaalaman.

Suriin ang talahanayan upang masagot ang mga katunungan sa bilang 11


hanggang 12.
Life Expectancy ng Lalaki at Babae
Region Rank Life World Region Rank Life World
Expectancy Rank Expectancy Rank
1.Japan 84.17 1 18.Kyrgyztan 71.40 110
2.Singapore 82.95 4 19.Kazakhstan 71.15 111
3.South Korea 82.66 9 20.Tajikistan 70.76 113
4.Maldives 78.42 35 21.Bhutan 70.57 114
5. Brunei 76.43 50 22.Nepal 70.21 117
6.China 76.39 51 23.Mongolia 69.80 120
7.Vietnam 76.34 55 24.Cambodia 69.37 122
8.Thailand 75.47 69 25.Philippines 69.32 123
9.Sri Lanka 75.34 70 26.Indonesia 69.31 124
10.Malaysia 75.28 71 27.India 68.83 125
11.Armenia 74.84 81 28.Timor Leste 68.55 127
12.Azerbaijan 73.08 96 29.Turkmenistan 68.16 128
13.Bangladesh 72.66 97 30.Myanmar 66.80 130
14.Georgia 72.58 98 31.Pakistan 66.53 133
15.Uzbekistan 72.33 100 32.Laos 65.79 140
16.North 71.94 103 33.Afghanistan 62.69 157
Korea
17.Bahagi ng 71.87 105
Russia

11. Alin sa sumusunod ang TAMA tungkol sa Haba ng Buhay o life expectancy sa
Asya?
A. Ang Japan ang may pinakamataas na Life expectancy samantalang ang
Afghanistan naman ang may pinakamababa.
B. Lahat nga bansa sa Asya ay matataas ang Life expectancy kung
ikukumpara sa ibang kontinente.

8
C. Mas Mataas ng Life expectancy ng Pilipinas kung ikukumpas sa
Georgia.
D. Ang Japan ay nangunguna sa buong mundo ukol sa haba ng buhay.
12. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tama tungkol sa life expectancy sa
Japan?
A. Mas mataas ang life expectancy nito kaysa sa Pilipinas.
B. Ito ang bansang may pinakamataas ng life expectancy sa buong mundo.
C. Nangunguna ang bansang ito sa may pinakamataas na life expectancy
sa Asya.
D. Mas mababa ang life expectancy ng bansang ito kung ikukumpara sa
China.
13. Isa sa mga salik sa pagkakaroon ng hindi pantay na ditribusyon ng tao sa isang
bansa ay ang kalagayang heograpikal. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag
ng pahayag na ito?
A. Maraming lugar sa Asya ang hindi magandang tirahan.
B. Mas pinipili ng mga tao na tumira sa mga lugar kung saan sila
komportable.
C. May mga lugar sa isang bansa ang maaaring tirahan ng mga tao dahil
dito matatagpuan ang kanilang pangangailangan.
D. Nananatili ang mga Asyano sa kanilang lupang kinagisnan kung kaya
ay mabagal ang pagtaas ng populasyon ng migrasyon.
14. Ang mga Asyano ay may mahalagang papel na ginagamapanan sa paghubog ng
kanilang mga bansang kinabibilangan at likas na yamang kanilang ginagamit.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kahalagan ng yamang-tao sa
agrikultura?
A. Matatagpuan ang karamihan sa mga manggagawang Asyano para sa
langis sa rehiyon ng Kanluran at Gitnang Asya samantalang ang ibang
manggagawa naman para sa ibang mineral ay nasa Silangang Asya.
B. Ang mga malalawak na lupaing taniman ng mga Asyano ay makikita sa
rehiyon ng Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
C. Nabibilang ang Tsina at Hapon sa pinakamaunlad na bansa sa daigidig
dahil sa kanilang mga iniluluwas na mga produktong yari ng mga
manggagawa.
D. Mabilis na pag-usbong ng teknolohiya sa mga nasabing lugar, dito
nagsipuntahan ang mga mangagawa at mamumuhunan upang
makapagtrabaho at mamili ng mga magagandang produkto.
15. Isa sa mga komposisyon ng populasyon na nakakaapekto sa hanapbuhay ng mga
Asyano sa kasalukuyan ay ang edad. Alin sa sumusunod na sitwasyong ang
naglalarawan ng ugnayan ng edad at kaunlaran?
A. Maraming matandang populasyon sa Japan sapagkat sila sya nakapokus
sa industriyalisasyon at kaunalaran, hindi sa pagbuo ng pamilya.
B. Bumaba ang paglobo ng populasyon sa Bangladesh dahil sa dami ng mga
mahihihirap na mamamayan.
C. Sa Pilipinas, bumaba ang populasyon nang ipasa ang Reproductive
Health Law.
D. Umunlad ang bansang China dahil sa kagalingan ng mga manggagawa
nila.

9
Aralin
Yamang Tao ng Asya
1
Kumusta ang iyong naging karanasan sa pagsagot ng paunang gawain?
Mataas bang marka ang iyong nakuha? Binabati kita sa iyong natapos na gawain.

Sa nakaraang aralin natalakay ang tungkol sa biodiversity, suliraning


pangkapaligiran at kalagayang ekolohikal ng Asya kung saan nasusuri ang
kahalagahan nito sa pang-araw-araw na sitwasyon para sa mga Asyano.

Kaya naman para bagong aralin na iyong pag-aaralan ay matutunghayan mo


kung gaano kahalaga para sa mga tao ang kalikasan dahil dito nakasalalay ang mga
pinagkukunang yaman ng mga tao na ginagamit para mabuhay at sa kung anong
paraan ito gagamitin para mapakinabangan ang mga ito.

Sa pagpapaunlad ng ekonomiya at kabuhayan ng bansa, tao ang mahalagang


salik para maisakatuparan ang mga ito. Ang yamang tao ang siyang lumilinang sa
likas na yaman na taglay ng kalikasan na mayroon sa isang lugar o bansa. Ang tao
rin ang nagpapasiya kung sa anong paraan gagagamitin ang mga likas na yaman na
kanyang makukuha upang maging higit na kapakipakinabang ang mga ito para sa
kanila at sa bansa bilang kabuuan. Kaya, mag-aaral handa ka na ba? Subukin
nating sagutin ang mga sumusunod na pasulit.

10
Balikan

Gawain1: TUKUYIN MO. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay
naglalarawan ng tamang pangangalaga sa kalikasan at ekis (X) naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

______________ 1. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.


______________ 2. Pagpuputol ng mga puno ng hindi pinapalitan
______________ 3. Paggamit ng mga plastic bilang lalagyan sa pamimili
______________ 4. Paglulunsad ng clean-up drive sa inyung komunidad
______________ 5. Pagsusunog ng mga tuyong dahon sa inyung bakuran

Ang gawaing ito ay may kinalaman sa nakaraang aralin na tinalakay at pinag-


aralan ang tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng Asya sa
kasulukuyan, at ang timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon. Importante na
bigyan natin ng halaga ito dahil bilang Asyano tayo ang siya namamahala at
nangangalaga sa mga likas na yaman at kapaligiran.

11
Tuklasin

Kumusta mag-aaral? Sa araw na ito ay may panibago na naman tayong paksa


na tatalakayin. Handa ka na ba? Simulan na natin!

Gawain 2: MAGTANIM AY DI BIRO

Masipag ang mga Asyano pagdating sa pagtatarabaho. Hindi naging madali


para sa kanila ang kanilang trabaho at nagpapakahirap sila upang mabigyan lamang
ng makakain ang kanilang mga pamilya at maging ang kanilang mga kababayan.
Kaya naman karamihan sa kanila ay nasa sektor ng agrikultura. Ngayon ay ating
bigyan ng pagpupugay ang mga Asyano na nagtatrabaho sa sektor na ito. Gagawin
natin ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa awitin ng mga magsasaka na
pinamagatang “Magtanim ay Di Biro”. Habang kayo ay nasa bahay siguraduhin na
iyong aawitin ang magtanim ay di biro. Pagkatapos ay sagutan ang sumusunod na
tanong nasa ibaba at gawing gabay ang rubric sa pagsagot.
Paalala: Awitin o tulain ito at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Magtanim ay Di Biro

Magtanim ay di biro Sa umagang pagkagising


Maghapong nakayuko Lahat ay iisipin
Di naman makatayo Kung saan may patanim
Di naman makaupo May masarap na pagkain

Bisig ko’y namamanhid


Halina, halina, mga kaliyag
Baywang ko’y nangangawit
Tayo’y magsipag-unat-unat
Binti ko’y namimintig
Magpanibago tayo ng lakas
Sa pagkababad sa tubig
Para sa araw ng bukas

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap
Ang bisig kung di-iunat
Di kumita ng pilak

12
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensahe na nais ipahiwatig ng awitin?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Para sa iyo, mahirap ba o madali lang ang pagtatanim/pagsasaka?


Pangatwiranan ang iyong sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang gusto mong itanim? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Needs
Very Good (5) Good (4)
Kategorya Improvement (3)
Nilalaman Wasto ang Wasto ang Kulang ang
nilalaman at nilalaman ngunit nilalaman at hindi
naibigay ang lahat medyo kakaunti angkop ang
ng impormasyong lamang ang impormasyong
hinihingi naibigay na ibinigay.
impormasyon
Presentasyon Maayos na Maayos na Hindi naipakita ng
naipakita at naipakita ngunit maayos at hindi
naipaliwanag ng hindi rin naipaliwnaga
lubusan ang naipaliwanag ng ng maayos ang
paksa maayos ang paksa paksa

13
Suriin

Magandang araw sa iyo mag-aaral, kumusta ang iyong karanasan sa naunang


gawain? Sana ay nasiyahan ka sa awiting iyon. Ngayon ay ihanda ang iyong sarili sa
pagtuklas tungkol sa populasyon ng Asya at ang mga indikasyon sa pag-unlad na
may kauganayan sa yamang tao.

ANG YAMANG TAO NG ASYA


Sa pag-unlad ng isang bansa ay malaki ang bahaging ginagampanan ng
yamang tao. Tumutukoy ito sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang
maghanapbuhay upang mapaunlad ang sarili at ang bansa sa kabuuan. Kabilang
din sa yamang tao ang populasyong hindi pa naghahanapbuhay ngunit may
kakayahan ng makapaghanapbuhay sa hinaharap.
Ang yaman ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa mga likas na yaman,
kundi pati na rin ang mga tao na siyang lumilinang sa mga likas na yaman mayroon
sa isang bansa. Malaki ang posibilidad na umunlad ang isang bansa kung magiging
wasto ang paglinang sa mga likas na yaman nito. Kasali na rin sa pag-unlad ang
mga taong naghahanpbuhay para umunlad ang bansa at magkaroon siya ng
magandang kinabukasan.
Ang mga naninirahan sa Asya ay kilala bilang mga Asyano, ngunit ang mga
taong ito ay nagkakaiba sa larangan ng kabuhayan. Mahalaga ang tao bilang isang
salik sa pag-unlad ng kaniyang kabuhayan at maging ang kanyang bansa na
kinabibilangan dahil ito ang lumilinang sa mga likas na yaman. Ang tao rin ang
nagpapasiya o nagdedesisyon kung papaano gagamitin ang mga likas na yaman
upang mas higit na maging kapakipakinabang ang mga ito sa kanilang bansa.

KAHALAGAHAN NG YAMANG TAO


Ang sumusunod kahalagahan ng yamang-tao sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang mga Asyano ay may mahalagang papel na ginagamapanan sa paghubog ng
kanilang mga bansang kinabibilangan at likas na yamang kanilang ginagamit.
Basahing mabuti ang kahalagan ng yamang-tao sa bawat sektor:
A. Agrikultura

Malaking bahagdan ng populasyon sa Asya ang magsasaka. Sila ay


nagtatanim at nangangalaga sa produksiyon ng mga pagkain tulad ng bigas, gulay,
prutas at root crops. Ang mga malalawak na lupaing taniman sa Asya ay makikita
sa rehiyon ng Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
B. Pagmimina

Dahil sa napakayaman ng Asya sa mga yamang mineral tulad ng ginto, pilak,


at langis maraming mga Asyano ang nagtatrabaho sa sektor ng pagmimina. Ang
langis ay ang pinakamahalagang mineral sa Asya dahil ito ang siyang nagpapatakbo

14
sa lahat ng uri ng industriya at mga makinarya para sa paggawa. Matatagpuan ang
karamihan sa mga manggagawa para sa langis sa rehiyon ng Kanluran at Gitnang
Asya samantalang ang ibang manggagawa naman para sa ibang mineral ay nasa
Silangang Asya.
C. Industriya o Pagmamanupaktura

Kilala ang Asya sa produksiyon ng mga yaring produkto tulad ng mga


elektroniks, mga makinarya, at iba pang mga kagamitang industriyal. Sa mga bansa
tulad ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Taiwan, Singapore, at India makikita ang mga
malalaking negosyo sa paggawa. Dito nagsipuntahan ang mga dayuhang negosyante
para sa paggawa ng kanilang mga produkto dahil sa naging mura ang paggawa sa
Asya. Nabibilang ang Tsina at Hapon sa pinakamaunlad na bansa sa daigidig dahil
sa kanilang mga iniluluwas na mga produktong yari ng mga manggagawa. May mga
pagmamanupaktura at mga produkto rin na yari sa ibang bansa sa Asya tulad ng
mga damit, pagkain, alahas, at iba pa.
D. Pinansya at Pagbabangko

Ang sektor ng pinansiya ang isa sa mga malalaking pinagkukunan ng kita at


kabuhayan; kabilang na rito ang mga bangko, stock exchange, at ang mga kompanya
ng seguro o insurance. Sa mga lungsod tulad ng Shanghai at Hongkong, sa Tsina,
Singapore, Tokyo sa Hapon, Dubai sa United Arab Emirates, at Mumbai sa India
matatagpuan ang mga naglalakihang negosyong pampinansiya.
Dahil na rin sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya sa mga nasabing lugar,
dito nagsipuntahan ang mga mangagawa at mamumuhunan upang
makapagtrabaho at mamili ng mga magagandang produkto. Sa mga lugar na ito rin
matatagpuan ang mga malalaking opisina ng mga negosyo at bangko.
E. Serbisyo

Ang sektor ng serbisyo ang isa sa malaking sektor ng yamang tao sa Asya,
dahil sila ay nagtatrabaho para sa pagsisilbi sa kapwa at hindi para sa paggawa.
Kabilang dito sektor na ito ang mga tsuper, kasambahay, nars, karpintero, welder,
at iba pa. maliban dito may isa pang uri ng serbisyo na lubhang napakahalaga sa
isang bansa at ito ay ang serbisyo publiko.
Karaniwang ang pamahalaan at mga kawani nito ang namamahala para sa
serbisyong ito na nasa uri ng pagbubuwis, paggawa ng impraktraktura, pagbibigay
ng magandang serbisyo medikal, at iba pa. Hindi katulad ng ibang sektor, ito’y
makikita sa lahat ng rehiyon sa Asya dahil sa malaki ang pangangailangan para sa
ganitong uri ng yamang tao.
F. Impormal na Sektor

Bagama’t halos lahat ng tao sa Asya ay nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor,


may mga tao pa ring nananatiling walang trabaho o nasa mga mababang uri ng
trabaho tulad ng pagtitinda at pamamalimos. Ang sanhi sa pagkakaroon ng mga tao
sa impormal na sektor ay ang kahirapan at kakulangan sa edukasyon. Matatagpuan
ang pinakamaraming bilang ng mga tao na nasa impormal na sektor sa mga rehiyon
ng Timog at Timg-Silangang Asya. Kaya naman isang malaking hamon ang
suliraning kinakaharap ngayon ng mga pamahalaan sa mga bansang ito ay kung
paano sila bibigyan ng magandang trabaho.

15
KOMPOSISYON NG POPULASYON NG ASYA
Isa sa mahalagang elemento at salik sa pag-unlad ng bansa ang populasyon.
Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami o bilang ng tao na naninirahan sa isang
partikular na bansa, rehiyon, o lugar. Ngunit sa kabilang banda, maaari din itong
pagmulan ng iba’t-ibang suliranin o problema na magiging balakid sa kaunlaran.
Ang Asya ang itinuturing na pinakamalawak na kontinente sa buong mundo.
Tinatayang halos 30% ng lupain ay sakop ng Asya, at ayon sa datos ng United
Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP). Sa taong
2020, ang kabuuang populasyon ng Asya ay halos 4.6 na bilyon na kumakatawan
sa 60% ng populasyon sa buong mundo. Tunghayan ang Graph 1 na nasa ibaba
makikita ninyo ang bilang ng populasyon sa bawat rehiyon.

Mga Rehiyon sa Asya


2,500,000,000
1,940,369,612
2,000,000,000
1,678,089,619
1,500,000,000

1,000,000,000
668,619,840
500,000,000 279,636,754
74,338,950
0
Southern Asia Eastern Asia South-Eastern Western Asia Central Asia
Asia

Graph 1: Populasyon ng Asya Ayon sa Rehiyon 2020 (Source: Worldometers, 2020)


Mapapansin mula sa Graph 1, na ang Southern Asia o Timog Asya ang may
pinakamalaking populasyon sa kontinente. Kabilang sa rehiyong ito ang India na
pangalawa sa pinakamaraming populasyon sa buong daigdig na umabot sa 1.38
bilyong katao sa taong 2019. Bukod sa India, ang Pakistan mayroong 221 milyong
katao na ikalimang pinakamaraming populasyon sa mundo at Bangladesh sa pang-
walo na mayroong 165 milyong populasyon. Pangalawa naman ay ang Silangan Asya
na kung saan nabibilang ang China na nangunguna sa listahan ng pinakamaraming
populasyon sa mundo na umabot ng 144 bilyong populasyon.
Antas ng Paglaki ng Populasyon

Ang antas ng paglaki ng populasyon o population growth rate ay tumutukoy


sa tinatayang pagtaas ng populasyon sa bawat taon. May mga bansang mabagal ang
pagdami ng bilang ng tao at may mga bansa ding mabilis tumaas ang populasyon.
Tunghayan ang Graph 2, kung pagmamasdan bumaba ang population growth rate sa
Asya mula taong 2015 na may (1.04%) hanggang 2020 (0.92%). Dalawang
pangunahing dahilan kung bakit bumaba ito ay dahil sa: una, edukasyon o
kaalaman ng mga Asyano tungkol sa family planning; at ikalawa, polisiya o batas na
ipinasa ng pamahalaan tulad ng Republic Health Law sa Pilipinas.

16
Population Growth Rate

2020 0.92%

2019 0.89%

2018 0.92%

2017 0.95%

2016 0.97%

2015 1.04%

0.80% 0.85% 0.90% 0.95% 1.00% 1.05% 1.10%

Yearly % Change

Figure 2: Paglaki ng Populasyon sa Asya mula 2015-2020 (Source: Worldometers,


2020)
Mahalagang matukoy ang population growth rate upang magamit ng
pamahalaan ang mga datos sa pagpaplano ng mga pambansang proyekto na siyang
makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa. Maliban dito mas mapagpaplanuhan ng
mabuti ang mga kakailanganing pagbabago para maitaguyod ang inaaasahang
pagdami ng mga mamamayan sa isang takdang panahon.

Ang Distribusyon ng Tao

Ang distribusyon ng tao o population density ay tumutukoy sa dami ng tao


na naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado ng isang lugar o bansa. Mayroong
mga bansa na matao kaysa sa ibang bahagi nito at mayroon namang hindi gaanong
matao. Mayroon ding hindi pantay na distribusyon ng tao sa iba’t ibang lugar sa
isang bansa. Nasa Graph 2 ang mga tala ng distribusyon sa bawat rehiyon.

Population Density
350 303
300
250
200 145 154
150
100 58
50 19
0
Southern Asia Eastern Asia South-Eastern Western Asia Central Asia
Asia

Density (P/Km²)

Figure 3: Densidad ng Populasyon sa Asya 2020 (Source: Worldometers, 2020)

17
Kung iyong pag-aaralan ang datos sa itaas hindi pantay ang dami ng tao sa
bawat rehiyon, mas marami ang mga tao na nasa rehiyon ng southern asia (timog
Asya) na may 303 P/Km² kumpara sa central asia (gitna/hilagang Asya) na may 19
P/Km². Isa sa mga salik sa pagkakaroon ng hindi pantay na ditribusyon ng tao sa
isang bansa ay ang kalagayang heograpikal. May mga lugar sa isang bansa ang
maaaring tirahan ng mga tao dahil dito matatagpuan ang kanilang pangangailangan
tulad ng lupaing pansakahan, pagkakaroon ng malinis na tubig, at iba pang mga
mapapakinabangan mula sa kalikasan. Ang pagkakaroon ng mainam na klima, at
magandang topograpiya ay nagiging salik din ng tao sa pagpili ng kaniyang
paninirahan.
Sa kasalukuyan malaki ang epekto nito sa mga bansa kung saan mas marami
ang dami ng tao dahil maaari itong pagmulan ng mga kakulangan sa pagkain o likas
na yaman, ngunit sa kabilang banda kung ang mga taong ito ay nagtatrabaho malaki
ang kanilang maitutulong upang mapaunlad at mapalago ang mga industriya at uri
ng hanapbuhay mayroon sila.

Inaasahang Haba ng Buhay

Ang inaasahang haba ng buhay o life expectancy ang karaniwang bilang ng


taon na itinatagal ng buhay ng mga mamamayan sa isang bansa. Ang mga datos
nito ay nagsisilbing indikasyon ng kaunlaran sapagkat naipapakita dito ang
kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang mga pangangailangan ng kanyang
mga mamamayan. Kung pagmamasdan ang talahanayan 5 na nasa ibaba, mas
mataas ang life expectancy ng kababaihan na aabot hanggang 76.4 years old
kumpara sa kalalakihan na 72.1 years old sa Asya.
Talahanayan 1: Inaasahang Haba ng Buhay ng Lalaki at Babae sa Asya mula
1950-2020 (Source: Worldometers, 2020)
Kasarian Taong Gulang
Babae 76.4
Lalaki 72.1
Babae at Lalaki 74.2

Samantalang kung pagbabasehan ang datos batay sa bansa, ang bansang


Japan ang nangunguna sa may pinakamataas na life expectancy na umaabot
hanggang 84 taong gulang ito ay nangangahulugan na kayang ipagkaloob ng
pamahalaan ang wastong nutrisyon, sanitasyon at pangangailangang medikal na
nararapat para sa mga matatanda. Ngunit ang mga pangangailangang ito ay
maaaring maging hamon sa kasalukuyan para sa pamahalaan upang
masustentuhan ang kanilang pangangailangan lalong lalo na sa aspetong medikal.

Talahanayan 2: Life Expectancy ng Ilang Bansa sa Asya


(Source: Worldlifeexpectancy, 2018)
Life Expectancy ng Lalaki at Babae
Region Rank Life World Region Rank Life World
Expectancy Rank Expectancy Rank
1.Japan 84.17 1 18.Kyrgyztan 71.40 110
2.Singapore 82.95 4 19.Kazakhstan 71.15 111

18
3.South Korea 82.66 9 20.Tajikistan 70.76 113
4.Maldives 78.42 35 21.Bhutan 70.57 114
5. Brunei 76.43 50 22.Nepal 70.21 117
6.China 76.39 51 23.Mongolia 69.80 120
7.Vietnam 76.34 55 24.Cambodia 69.37 122
8.Thailand 75.47 69 25.Philippines 69.32 123
9.Sri Lanka 75.34 70 26.Indonesia 69.31 124
10.Malaysia 75.28 71 27.India 68.83 125
11.Armenia 74.84 81 28.Timor Leste 68.55 127
12.Azerbaijan 73.08 96 29.Turkmenistan 68.16 128
13.Bangladesh 72.66 97 30.Myanmar 66.80 130
14.Georgia 72.58 98 31.Pakistan 66.53 133
15.Uzbekistan 72.33 100 32.Laos 65.79 140
16.North 71.94 103 33.Afghanistan 62.69 157
Korea
17.Bahagi ng 71.87 105
Russia

Pansinin ang talahanayan, mapapansin mon gang Japan ay mayroong 84.17


taong gulang na pinakamataas na haba ng buhay sa Asya at nangunguna rin sa
buong mundo. Samantalang, ang Afghanistan ang may pinakamababang haba ng
buhay na 62.69 taong gulang. Kalimitang umiiiksi ang haba ng buhay ng isang tao
kapag may mga pambansang suliranin katulad ng paglaganap ng karamdaman,
digmaan, taggutom, at malnutrisyon. kabilang banda mahaba ang inaasahang haba
ng buhay ng tao kapag maaayos ang kalusugan at natitiyak nito ang kaligtasang
pangkapaligiran.

Ang Fertility Rate ng Asya


Ang fertility rate ay batayan ng population growth rate. Tinutukoy rito ang
dami ng sanggol na isinisilang ng babae sa bawat isang libong isinisilang. Kung
pagbabasehan ang talahanayan 2 naipapakita nito ang limang (5) bansa na may
pinakamataas at talahanayan 3 naman ang pinakamababa na fertility rate sa buong
Asya.
Talahanayan 3: Mga bansa na may Mataas na Fertility Rate sa Asya (Source:
CIA World Factbook, 2019)
Fertlity Rate sa Asya
Bansa Total Fertility Rate (children Year
born/woman)
Afghanistan 5 2018
East Timor 5 2018
Iraq 4 2018
Yemen 3 2018
Jordan 3 2018

19
Table 4: Mga Bansa na may Mababang Fertility Rate sa Asya (Source: CIA
World Factbook, 2019)
Fertlity Rate sa Asya
Bansa Total Fertility Rate (children Year
born/woman)
South Korea 1 2018
Hongkong 1 2018
Taiwan 1 2018
Macau 1 2018
Singapore 1 2018

Para sa mga bansa na may pinakamababang fertility rate katulad ng


Singapore, Macau, Taiwan, Hongkong at South Korea hinihikayat ang mga
kababaihan na mag-anak pa dahil makakatulong ito para sa pagpapalakas ng lakas
paggawa sa hinaharap na siya namang magdadala sa bansa tungo sa kaunlaran.

Migrasyon

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pandarayuhan o paglipat ng


isang indibidwal mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar maging ito man ay
pansamantala o permanente. Dahil sa patuloy na pandarayuhan ng mga tao sa ibang
lugar isa ito sa mga nakikitang dahilan kung bakit tumataas ang populasyon sa
isang lugar. Ang migrasyon ay bunga lamang ng hindi pantay na distribusyon ng
kakayahan at kaunlaran ng pamumuhay ng tao.
Ayon sa datos ng Asian Development Bank 2019 ang Asya ang may
pinakamalaking migrasyon na umabot ng 87 milyon. Sa katunayan, ang China ay
nagtala ng 5.2 milyong katao migrante at ang Bangladesh ay umabot din sa 3.7
milyong tao na nandarayuhan sa daigdig.
Sa kasalukuyan kilala sa Asya ang ganitong penomeno dahil sa pagnanasa
ng mga tao na makahanap ng magandang trabaho, edukasyon, at oportunidad sa
buhay na maaaring makapagpabago sa kanilang antas ng pamumuhay. Maaari ding
nais umiwas ng mga taong nandarayuhan sa sigalot o digmaan na nagaganap o
kanilang nararanasan sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Komposisyon ng Populasyon ayon sa Edad

Ang populasyon ng mga bansa sa Asya ay binubuo ng mga bata at


matatandang mamamayan. Itinuturing na may batang populasyon ang bansa kung
ito ay binubuo ng 0-14 na taong gulang ang malaking bahagdan ng kanilang
populasyon. Samantalang maituturing naman na may matandang populasyon kung
ang malaking bahagdan ng populasyon nito ay may edad 60 pataas.
Sa Asya, ang Japan ay may mataas na matandang populasyon na umabot ng
28 porsyento ng kanilang populasyon. Samantalang, ang pinakamababa naman ay
ang United Arab Emirate ay mayroon lamang 1.2% ng 65 pataas na populasyon.
42.5% naman ng populasyon ng Armenia ay mga batang populasyon o nabibilang sa
0-14 taong gulang.
Ang pagkakaroon ng bata at matandang populasyon ay mayroong mabuti at
hindi mabuting dulot sa isang bansa. Ang pagkakaroon ng batang populasyon ay

20
nakabubuti sapagkat marami sa mga tao ang makapagbibigay ng lakas-paggawa sa
mga darating na panahon. Isang malaking hamon ito para sa pamahalaan na
tugunan ang pangangailangan tulad ng pagkain, paglilingkod at pangkalusugan ng
mga bata hangga’t wala pa itong kakayahan na makapagtrabaho. Habang, kung ang
bansa naman ay halos matatanda ang populasyon isang malaking hamon ito para
sa bansa dahil kaakibat nito ang pagtaas ng gastusin sa pangangailangang medikal
at mga benepisyong dapat ipagkaloob sa kanila.

Gawain 3: PAGTATAPAT-TAPAT

Panuto: Tukuyin ang katuturan ng mga salita sa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang
sagot sa Hanay B at isulat sa patlang bago ang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

HANAY A

HANAY B
_____1. Uri ng hanapbhay ng mga Asyano sa
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya,
at Timog Asya. A. Batang populasyon

_____2. Bilang nga mga tao sa isang partikular B. Life expectancy


na lugar o bansa.
_____3. Inaaasahang haba ng buhay ng tao sa C. Distribusyon ng tao
isang bansa.
D. Populasyon
_____4. Karaniwang dami ng tao sa isang
kilometro kuwadrado. E. Pagsasaka
_____5.Mamamayang may kakayahang F. Industriya ng
maghanapbuhay at makapag-ambag sa petrolyo
pag-unlad ng bansa.

21
Talahanayan 5: Komposisyon ng Populasyon sa Asya Ayon sa Kabuuang Populasyon, Edad,
at GDP
Populasyon Ayon sa Edad (%)
Populasyon
Bansa (2019) GDP (2019) 65 pataas 15-64 0-14
Afghanistan 38041754 502.115487 2.6 54.9 42.5
Armenia 2957731 4622.73349 11.5 67.8 20.8
Azerbaijan 10023318 4793.58702 6.4 70.1 23.4
Bangladesh 163046161 1855.73982 5.2 67.6 27.2
Bahrain 1641172 23503.9771 2.5 78.8 18.7
Brunei Darussalam 433285 31086.7511 5.2 72.2 22.6
Bhutan 763092 6.1 68.6 25.3
Cambodia 50339443 6432.38758 4.7 64.2 31.1
China 1397715000 10261.6791 11.5 70.7 17.8
Cyprus 1198575 27858.371 14.0 69.2 16.7
Georgia 3720382 4769.18654 15.1 64.9 20.0
Indonesia 270625568 4135.56926 6.1 67.7 26.2
India 1366417754 2104.1459 6.4 67.0 26.6
Iran, Islamic Rep. 82913906 6.4 69.0 24.7
Iraq 39309783 5955.10901 3.4 58.6 38.0
Israel 9053300 43641.3977 12.2 59.9 27.9
Jordan 10101694 4330.32935 3.9 62.5 33.6
Japan 126264931 40246.8801 28.0 59.4 12.6
Kazakhstan 18513930 9731.14521 7.7 63.5 28.9
Kyrgyz Republic 6456900 1309.39299 4.6 62.9 32.5
Korea, Dem. People’s Rep. 25666161 9.3 70.7 20.0
Korea, Rep. 51709098 31761.9777 15.1 72.2 12.7
Kuwait 4207083 32031.9801 2.8 75.7 21.6
Lao PDR 7169455 2534.89828 4.2 63.5 32.3
Lebanon 6855713 7784.31686 7.3 67.2 25.6
Sri Lanka 21803000 3853.08369 10.8 65.2 24.0
Macao SAR, China 640445 84096.3963 11.2 74.8 14.0
Malaysia 31949777 11414.8377 6.9 69.4 23.7
Maldives 530953 10790.5002 3.6 76.4 19.9
Myanmar 54045420 1407.81314 6.0 68.1 25.9
Mongolia 3225167 4295.23502 4.2 65.0 30.8
Nepal 28608710 1071.05076 5.8 64.6 29.6
Oman 4974986 15474.0325 2.4 75.1 22.4
Pakistan 216565318 1284.70204 4.3 60.6 35.1
Philippines 108116615 3485.08422 5.3 64.2 30.5
Qatar 2832067 64781.7332 1.5 84.9 13.6
Saudi Arabia 34268528 23139.7987 3.4 71.7 24.9
Singapore 5703569 65233.2824 12.4 75.3 12.3
Syrian Arab Republic 17070135 4.7 64.3 31.1
Thailand 69625582 7808.19292 12.4 70.8 16.8

22
Tajikistan 9321018 870.787589 3.1 59.8 37.1
Turkmenistan 5942089 4.6 64.6 30.8
Timor-Leste 1293119 1294.18893 4.3 58.4 37.3
Turkey 83429615 9042.49298 8.7 67.0 24.3
United Arab Emirates 9770529 43103.3231 1.2 84.1 14.7
Uzbekistan 33580650 1724.84113 4.6 66.6 28.8
Vietnam 96462106 2715.27604 7.6 69.2 23.2
Yemen, Rep. 29161922 2.9 57.9 39.2

KOMPOSISYON NG POPULASYON AT KAHALAGAHAN NG YAMANG TAO SA


ASYA SA PAGPAPAULAND NG KABUHAYAN SA KASALUKYANG PANAHON

Ang mga Asyano ay mayroong iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ito ay


nakabatay sa kalagayang heograpikal ng kani-kanilang bansa. Maraming mga
bansa sa rehiyon ng Timog-Silangan at Timog Asya ang nakasalalay sa gawaing
agrikultural tulad ng pagsasaka at paghahayupan. Sa Kanlurang Asya, karaniwang
hanapbuhay ng mga mamamayan dito ay may kaugnayan sa industriyang petrolyo
tulad ng pagtatrabaho sa mga oil refinery at oil shipping facility sapagkat maliit na
bahagi lamang ng lupain ang angkop sa pagsasaka. Isa rin ang pangingisda sa
pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano. Karaniwan ang mga gawaing ito sa mga
rehiyon ng Timog-Silangan, Timog, at Silangang Asya. Sa sektor ng
pagmamanupaktura nangunguna ang mga bansa sa Silangang Asya (Tsina, Japan,
South Korea) at Singapore. Ilan sa mga produkto nila ay electronics, appliances, at
sasakyan. Kaya naman, sa kasalukuyan ang rehiyong ito ang pangunahing
nagsusuplay at pinagkukunan ng petrolyo at natural gas sa buong mundo. Subalit
nagkakaroon ng pagbabago ang pangkabuhayan ng mga Asyano dala ng pagbabago
sa komposisyon ng populasyon ng mga yamang tao sa Asya.
Isa sa mga komposisyon ng populasyon na nakakaapekto sa hanapbuhay ng
mga Asyano sa kasalukuyan ay ang edad. Halimabawa nito ay ang bansang Japan
na tinagurian ikatlong pinakamalaking ekonomiya na kasalukuyang nakakaranas
ng isyu tungkol sa kanilang populasyon. Dalawampu’t walo (28%) ng mga
mamamayan sa bansa ay edad 65 taong gulang pataas at isa sa limang hapon ay 75
taong gulang pataas. Ang dahilan ng pagdami ng matandang populasyon ay pag-
usbong ng ekonomiya, at pagbabago ng estrukturang pampamilya. Bumababa ang
fertility rate ng Japan dahil sa: pagbabago ng lifestyle, matagal o hindi pag-aasawa,
at economic insecurity ng batang populasyon. Batay sa sitwasyong ito ng Japan iyong
mahihinuha na malaki ang ugnayan ng komposisyon ng populasyon sa kaunlaran
ng isang bansa. Sa Bangladesh naman, ayon sa datos Asian Development Bank,
21.8% ng populasyon ay mahihirap isa sa mga dahilan nito ay ang paglobo ng
populasyon na umaabot ng 165 milyong katao. Mula sitwasyon ng Japan at
Bangladesh, iyong mahihinuha na maaaring naapektuhan ng populasyon ang
kaunlaran o ang kaunlaran ang nagiging dahilan ng pagbabago ng populasyon.
Sa pangkalahatan ang komposisyon ng populasyon ay nakakatulong para sa
pamahalaan upang mapagplanuhan ang mga proyekto na nararapat sa bawat sektor
na mayroon sa lipunan. Maliban dito ang yamang tao sa pangkalahatan malaki ang
naitutulong sa pagsulong ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga paglinang,

23
pagpreserba sa yamang likas na makukuha sa ating kapaligiran at panghuli
nagbibigay serbisyo sa lipunan at sa bansa bilang kabuuan.

Pagyamanin

Kumusta mag-aaral! Matapos mong mabasa ang paksa tungkol sa aralin na


ito, gaano kahalaga ang papel ng yamang tao sa pag-unlad ng isang bansa? Nalaman
mo na hindi limitado ang kakayahan ng tao malaki at marami tayong magagawa
para ika-uunlad. Ngayon ay sagutan mo naman ang gawaing ito na makakatulong
sa pagpapalawak ng iyong kalaaman.

Gawain 4: GRAPH-SURI. Suriin ang sumusunod na graph at talahanayan tungkol


sa komposisyon ng populasyon sa Asya. Sagutin ang sumusunod na katanungan sa
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Talahanayan 1: Inaasahang Haba ng Buhay ng Lalaki at Babae sa Asya mula


1950-2020 (Source: Worldometers, 2020)
Kasarian Taong Gulang
Babae 76.4
Lalaki 72.1
Babae at Lalaki 74.2

1. Batay sa talahanayan 1, ilarawan ang Haba ng Buhay sa Asya.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mataas ang Life Expectancy ng Asya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

24
Population Density Mga Rehiyon sa Asya
350 303 2,500,000,000 1,940,369,
300 612 1,678,089,
250 2,000,000,000 619
200 145 154
150 1,500,000,000
100 58 668,619,84
50 19 1,000,000,000 0 279,636,75
0 4
500,000,000
74,338,950
0

Density (P/Km²)

3. Ipaliwanag mo ang koneksyong ng dalawang graph na ipinakita sa itaas.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano ang implikasyon ng mataas na populasyon sa isang rehiyon?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Rubrik sa pagmamarka:

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Wasto at Wasto at Wasto at Wasto at Mali at hindi
makatotohanan makatotohanan makatotohanan makatotohanan makatotohanan
ang ang ang ang ang
impormasyon. impormasyon. impormasyon. impormasyon. impormasyon.
Lahat ng Isa o dalawang Tatlo o apat na Limat o anim na
impormasyon impormasyon impormasyon ay impormasyon ay
ay nakabatay ay hindi hindi nakabatay hindi nakabatay
sa pinag- nakabatay sa sa pinag-aralang sa pinag-aralang
aralang paksa. pinag-aralang paksa. paksa.
paksa.
Organisasyon Kumprehensibo Malinaw ang Kakikitaan ng Kakikitaan ng Hindi
at malinaw ang daloy ng dalawa o tatlong apat o limang kumprehensibo
daloy ng pagkakasulat. kamalian ang kamalian ang at hindi
pagkakasulat. Subalit sagot sagot malinaw ang
Walang maling kakikitaan ng (pagkakabaybay, (pagkakabaybay, daloy ng
makikita sa isang mali paglalahad ng paglalahad ng pagkasulat.
pagkakasulat pagkakasulat mga mga
sa mga sagot. sa mga sagot. pangungusap, pangungusap,
at iba pa) at iba pa)

25
Isaisip

Kumusta ang iyong naging pag-aaral sa araling ito? Nakikita mo rin ba sa


inyung komunidad ang mga nasabing suliranin? Bilang pangkalahatan tandaan mo
ang mga konseptong ito:

• Sa pag-unlad ng isang bansa ay malaki ang bahaging ginagampanan


ng yamang tao na siyang lumilinang sa yamang likas at nagbibigay
serbisyo.
• Binubuo ng iba’t ibang sektor sa lipunan na siyang pinaglalaanan ng
lakas paggawa ng tao.
• Ang yaman ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa mga likas na
yaman, kundi pati na rin ang mga tao na siyang lumilinang sa mga
likas na yaman mayroon sa isang bansa.
• Ang komposisyon ng populasyon ay nakakatulong para sa pamahalaan
upang mapagplanuhan ang mga proyekto na nararapat sa bawat sektor
na mayroon sa lipunan.
• Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pandarayuhan o paglipat
ng isang indibidwal mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar maging
ito man ay pansamantala o permanente.
• Ang pagkakaroon ng mas batang populasyon ay may positibo at
negatibong epekto. Positibo, dahil maaari itong makapagbigay ng mas
maraming lakas paggawa sa hinaharap samantalang ang negatibo
naman kinakailangan na ibigay ang kanilang mga pangangailangan
habang hindi pa nagtatrabaho.
• Naaapektuhan ng Fertility Rate ang pagbabago sa bilang ng
populasyon.

26
Isagawa

Kumusta ka na mag-aaral? Nasaksihan mo sa araling ito kung gaano


kahalaga ang yamang tao sa pagpapaunlad ng isang bansa. Maging ikaw bilang parte
ng ating lipunan ay may kontribusyon din kahit na sa maliit na paraan. Kaya naman
sa gawaing ito ay isusulat mo ang mga katangian na dapat taglayin ng isang yamang
tao para mapaunlad ang sarili at ang bansa.

Gawain 5: PHOTO-ESSAY. Gumawa ng isang photo essay na nagpapakita nag mga


mamamayan sa Asya. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng
yamang tao sa pag-unlad ng lipunan. Ilagay ito sa long bonpaper. Maaari kang
kumuha ng larawan sa iba’t ibang sanggunian tulad ng internet o aklat ngunit
nararapat na ilagay ang sanggunian nito, maaari ring gamitin ang iyong sariling
larawang kinuha mo.

Rubriks:
Krayteria 5 4 3 2 1

Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi lahat ng Ang pangunahing Ang


Kaangkupan nang may nang pangunahing ideya ay hindi panguanhi
sa kaangkupan, makabuluhan ideya ay gaanong naihalad ng ideya ay
paksa kritikal, at ngunit di wasto naipaliwanag hindi
makabuluhan ang iilang ideya subalit may nailahad
ukol sa makabuluhang
pangunahing sagot
ideya
Nagpakita nang Nagpakita nang Nagpakita ng di Nagpakita ng di Walang
Orihinalidad natatanging makabuluhang gaanong gaanong orihinalida
at disenyo gamit disenyo gamit pagkamalikahain pagkamalikahin d at
pagkamalikh ang malikhaing ang malikhaing ng disenyo at subalit walang pagkamalik
ain kaisipan at kaisipan at kaangkupang kaangkupang hain
kaangkupang kaangkupang kagamitan kagamitan
kagamitan. kagamitan.

Wasto at Wasto at Wasto at Wasto at Mali at


Sanaysay makatotohanan makatotohanan makatotohanan makatotohanan hindi
ang ang ang ang impormasyon. makatotoha
impormasyon. impormasyon. impormasyon. Limat o anim na nan ang
Lahat ng Isa o dalawang Tatlo o apat na impormasyon ay impormasy
impormasyon ay impormasyon ay impormasyon ay hindi nakabatay sa on.
nakabatay sa hindi nakabatay hindi nakabatay pinag-aralang
pinag-aralang sa pinag-aralang sa pinag-aralang paksa.
paksa. paksa. paksa.
Kumprehensibo Malinaw ang Kakikitaan ng Kakikitaan ng apat Hindi
at malinaw ang daloy ng dalawa o tatlong o limang kamalian kumprehen
daloy ng pagkakasulat. kamalian ang ang sagot sibo at
pagkakasulat. Subalit sagot (pagkakabaybay, hindi
Walang maling kakikitaan ng (pagkakabaybay, paglalahad ng mga malinaw
makikita sa isang mali paglalahad ng pangungusap, at ang daloy
pagkakasulat sa pagkakasulat sa mga iba pa) ng
mga sagot. mga sagot. pangungusap, at pagkasulat.
iba pa)

27
Tayahin

Para sa gawaing ito ay susukatin ang iyong pangkabuuang kaalaman tungkol


sa aralin. Laging tandaan na huwag maglalagay ng anumang marka sa modyul na
ito.

Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat


bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Bakit mahalaga na matukoy ng ating pamahalaan ang antas ng paglaki ng
populasyon?
A. Para maisali sila sa census.
B. Para malaman kung ilan ang babae at lalaki.
C. Para malaman natin kung gaano na tayo karami
D. Para sa pagpaplano ng mga pambansang proyekto at programang
kinakailangan ng mga tao.
2. Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita na may kontribusyon ka sa
pagsulong at pag-unlad ng lipunan na iyong kinabibilangan sa kasalukyang
panahon?
A. Pagliban sa klase
B. Pag-aaral ng mabuti
C. Pag-uwi tuwing uwian
D. Pagtulog sa silid aralan
3. Ano ang kahalagahn ng yamang tao bilang tagapagtaguyod ng kaunlaran
ng isang bansa?
A. Ang tao ang siyang nagbebenta ng mga ipinagbabawal
B. Ang tao ang siyang nagiging dahilan ng bawat pagpatay.
C. Ang tao ang siyang nagsisikap para makahanap ng magandang trabaho
D. Ang tao ang siyang nagbabayad ng buwis ngunit kulang.
4. Mayroong magkaibang bahagdan ang paglaki ng populasyon ng bawat bansa na
dapat mabatid ng pamahalaan. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang
dahilan ng pagbatid nito?
A. Para magamit sa pagbuo ng pamilya
B. Para malaman kung bata at matanda ang populasyon
C. Para maunawaan kung papaano bibigyan ng solusyon ang masamang
epekto ng mabilis na pagtaas ng populasyon.
D. Para maging batayan sa pagtatakda ng angkop na mga patakaran/programa
ng pamahalaan ukol sa mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
5. Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na, “may malaking bahaging
ginagampanan ang yamang-tao sa pag-unlad?”

A. Marami ang maglilinang sa mga yamang-likas


B. Dahil uunlad ang yamang-likas marami ang makikinabang

28
C. Kasabay ng pagdami ng populasyon, dadami rin ang likas yaman
D. Maaaring maubos o kulangin ang mga yamang-likas sapagkat ang mga ito
ay may hangganan.
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa
yamang-tao?
A. Ang tao ang gumagambala sa kalikasan.
B. Ang tao ang gumagawa para sa ikauunlad ng bansa.
C. Ang tao ang lumilinang sa mga likas na yaman ng bansa.
D. Ang tao ang siyang dahilan kung bakit ang bawat isa ay kailangang
magsumikap para mabuhay
7. Sa kabuuan, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming bata na
populasyon?

A. Marami ang uubos sa likas na yaman


B. Marami ang aasa sa tulong ng pamahalaan
C. Marami ang makapagbibigay ng lakas paggawa
D. Marami ang dapat bigyang pansin ang kalusugan.

Suriin ang graph na nasa itaas at sagutan ang sumusunog na katanungan sa


bilang 8 hangang 10

Mga Rehiyon sa Asya


2,500,000,000
1,940,369,612
2,000,000,000
1,678,089,619
1,500,000,000

1,000,000,000
668,619,840
500,000,000 279,636,754
74,338,950
0
Southern Asia Eastern Asia South-Eastern Western Asia Central Asia
Asia

8. Bakit malaki ang Timog Asya ang mayroong pinakamalaking populasyon?


A. Dahil dito napapabilang ang India na ikalawa sa may pinakamaraming
populasyon sa buong mundo.
B. Sapagkat malapit ito sa China na may pinakamaramaing populasyon sa
buong mundo.
C. Dahil ang mga bansa rito ay walang ginagawang pagpaplano ng pamilya.
D. Dahil nakabatay sa kakulangan ng kaalaman.

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa graph?


A. Ang Timog Asya ang may pinakamataas na populasyon sa Asya, at ang
Hilagang Asya ang may pinakamababang populasyon.
B. Ang Kanlurang Asya ang may pinakamababan populasyon samantalang
ang Silangang Asya ay pinakamataas pupolasyon.

29
C. Mas mataas ang populasyon ng Timog-Silangang Asya kumpara sa
Silangang Asya.
D. Mas mababa ang populasyon ng Timog Asya kung ihahambing
Silangang Asya.

10. Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa populasyon ng Silangang Asya?


A. Ito ay mas mababa kaysa sa Timog Asya.
B. Ito ay mas mataas kaysa sa Timog Asya.
C. Ang populasyon dito ay kaparehas ng Timog Asya.
D. Ang populasyon dito ay kasingdami ng Timog-Silangang Asya.

Suriin ang talahanayan upang masagot ang mga katunungan sa bilang 11


hanggang 12.
Life Expectancy ng Lalaki at Babae
Region Rank Life World Region Rank Life World
Expectancy Rank Expectancy Rank
1.Japan 84.17 1 18.Kyrgyztan 71.40 110
2.Singapore 82.95 4 19.Kazakhstan 71.15 111
3.South Korea 82.66 9 20.Tajikistan 70.76 113
4.Maldives 78.42 35 21.Bhutan 70.57 114
5. Brunei 76.43 50 22.Nepal 70.21 117
6.China 76.39 51 23.Mongolia 69.80 120
7.Vietnam 76.34 55 24.Cambodia 69.37 122
8.Thailand 75.47 69 25.Philippines 69.32 123
9.Sri Lanka 75.34 70 26.Indonesia 69.31 124
10.Malaysia 75.28 71 27.India 68.83 125
11.Armenia 74.84 81 28.Timor Leste 68.55 127
12.Azerbaijan 73.08 96 29.Turkmenistan 68.16 128
13.Bangladesh 72.66 97 30.Myanmar 66.80 130
14.Georgia 72.58 98 31.Pakistan 66.53 133
15.Uzbekistan 72.33 100 32.Laos 65.79 140
16.North 71.94 103 33.Afghanistan 62.69 157
Korea
17.Bahagi ng 71.87 105
Russia

11. Alin sa sumusunod ang TAMA tungkol sa Haba ng Buhay o life expectancy sa
Asya?
A. Ang Japan ang may pinakamataas na Life expectancy samantalang ang
Afghanistan naman ang may pinakamababa.
B. Lahat nga bansa sa Asya ay matataas ang Life expectancy kung
ikukumpara sa ibang kontinente.
C. Mas Mataas ng Life expectancy ng Pilipinas kung ikukumpas sa
Georgia.
D. Ang Japan ay nangunguna sa buong mundo ukol sa haba ng buhay.

30
12. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tama tungkol sa life expectancy sa
Japan?
A. Mas mataas ang life expectancy nito kaysa sa Pilipinas.
B. Ito ang bansang may pinakamataas ng life expectancy sa buong mundo.
C. Nangunguna ang bansang ito sa may pinakamataas na life expectancy
sa Asya.
D. Mas mababa ang life expectancy ng bansang ito kung ikukumpara sa
China.
13. Ang mga Asyano ay may mahalagang papel na ginagamapanan sa paghubog ng
kanilang mga bansang kinabibilangan at likas na yamang kanilang ginagamit.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kahalagan ng yamang-tao sa
agrikultura?
A. Matatagpuan ang karamihan sa mga manggagawang Asyano para sa
langis sa rehiyon ng Kanluran at Gitnang Asya samantalang ang ibang
manggagawa naman para sa ibang mineral ay nasa Silangang Asya.
B. Ang mga malalawak na lupaing taniman ng mga Asyano ay makikita sa
rehiyon ng Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
C. Nabibilang ang Tsina at Hapon sa pinakamaunlad na bansa sa daigidig
dahil sa kanilang mga iniluluwas na mga produktong yari ng mga
manggagawa.
D. Mabilis na pag-usbong ng teknolohiya sa mga nasabing lugar, dito
nagsipuntahan ang mga mangagawa at mamumuhunan upang
makapagtrabaho at mamili ng mga magagandang produkto.
14. Isa sa mga salik sa pagkakaroon ng hindi pantay na ditribusyon ng tao sa isang
bansa ay ang kalagayang heograpikal. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag
ng pahayag na ito?
A. Maraming lugar sa Asya ang hindi magandang tirahan.
B. Mas pinipili ng mga tao na tumira sa mga lugar kung saan sila
komportable.
C. May mga lugar sa isang bansa ang maaaring tirahan ng mga tao dahil
dito matatagpuan ang kanilang pangangailangan.
D. Nananatili ang mga Asyano sa kanilang lupang kinagisnan kung kaya
ay mabagal ang pagtaas ng populasyon ng migrasyon.
15. Isa sa mga komposisyon ng populasyon na nakakaapekto sa hanapbuhay ng mga
Asyano sa kasalukuyan ay ang edad. Alin sa sumusunod na sitwasyong ang
naglalarawan ng ugnayan ng edad at kaunlaran?
A. Maraming matandang populasyon sa Japan sapagkat sila sya nakapokus
sa industriyalisasyon at kaunalaran, hindi sa pagbuo ng pamilya.
B. Bumaba ang paglobo ng populasyon sa Bangladesh dahil sa dami ng mga
mahihihirap na mamamayan.
C. Sa Pilipinas, bumaba ang populasyon nang ipasa ang Reproductive
Health Law.
D. Umunlad ang bansang China dahil sa kagalingan ng mga manggagawa
nila.

31
Karagdagang Gawain

Maligayang pagbabalik mag-aaral. Kumusta ang iyong naging karanasan sa


pagsagot ng nakaraang gawain? Ngayon para sa ating panghuling gawain ikaw ay
inaasahan na makakapagpahayag ng iyong saloobin tungkol sa kahalagahan ng
yamang tao sa pag-unlad ng bansa.

Gawain 6: THE VOICE OUT

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan na nasa ibaba ng may pang-unawa.


Ilagay ang iyong sagot sa isang malinis na papel. Gawing gabay ang rubrik na nasa
ibaba para sa paggawa ng gawain.

Bilang isang Asyano, ano ang iyong magiging kontribusyon para sa kaunlaran
ng ating bansa?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Needs
Very Good (5) Good (4)
Kategorya Improvement (3)
Nilalaman Wasto ang Wasto ang Kulang ang
nilalaman at nilalaman ngunit nilalaman at hindi
naibigay ang lahat medyo kakaunti angkop ang
ng impormasyong lamang ang impormasyong
hinihingi naibigay na ibinigay.
impormasyon
Presentasyon Maayos na Maayos na Hindi naipakita ng
naipakita at naipakita ngunit maayos at hindi
naipaliwanag ng hindi rin naipaliwnaga
lubusan ang naipaliwanag ng ng maayos ang
paksa maayos ang paksa paksa

32
33
Gawain 3
1. E
2. D
3. B
4. C
5. A
Karagdagang Gawain
Bilang Asyano, ang aking magiging kontribusyon para sa ikauunlad ng
bansa ay sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti ng sa gayon balang araw ay
makahanap ng magandang trabaho na makakatutulong sa ikakaunlad ng
ekonomiya at hindi para maging pabigat sa gobyerno ng ating bansa.
Tayahin
1. D
2. B
3. C
Subukin
4. D
1. B 5. A
2. D
6. A
3. C Balikan
4. A 7. C
1. /
5. D 8. A
2. X
6. A 3. X 9. A
7. C 4. / 10.A
8. A 5. X
9. A 11.A
10. A 12.D
11. A 13.B
12. D 14.C
13. C
15.A
14. B
15. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
CIA World FActbook (2019). Total Fertility Rate-Asia Retrieved July 31, 2020 from
https://bit.ly/39STKUj

Cruz, R. et al. (2013). Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan (Espesyal ed.).


Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc

Francisco, V.J. et al. (2015). Araling Asyano: Araling Panlipunan batay sa


kurikulum ng K to 12 (Edisyong 2016). Quezon City, Philippines: The Library
Publishing House, Inc.

Santiago, A.L. et al. (2012). Araling Asyano. Valenzuela City, Philippines: JO-ES
Publishing House, Inc.

The World Bank (2020) Retrieved August 01, 2020 from https://bit.ly/39JLAh5

United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (2013).
Retrieved July 20, 2020 from https://bit.ly/30r0btC.

Worldometer (2020). Population of Asia and Life Expectancy and Retrieved July 31,
2020 from https://bit.ly/3goIwta

Worldometer (2020). Subregions in Asia by Population and Population Density


Retrieved July 31, 2020 from https://bit.ly/3i1xAlt

Worldometer (2020). Population of Asia according to Growth Rate Retrieved July 31,
2020 from https://bit.ly/3k0cnKx

Worldlifeexpectancy (2018). Life Expectancy Asia Retrieved July 31, 2020 from
https://bit.ly/39Mc69k

ZAPA (2014). Asya Bilang Ehemplong Kontinente. Manila, Philippines: St. Augustine
Publications, Inc.,

34
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telefax: (082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davao city.ph

35

You might also like