You are on page 1of 4

OSMENA COLLEGES

College of Teacher Education


City of Masbate, 5400, Philippines
osmenacolleges@yahoo.com.ph (056) 333-2778
Pre-Final Examination
Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo

Pangalan:________________________________ Petsa:_________
Kurso/Taon:___________________

Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga katanungan. Iwasang magkaroon ng pag-iiba o
pagbubura
ng inyong sagot. “Ang hindi pagsunod sa nakasaad na panuto ay maaaring magkamali ng iyong
sagot.”

1. “Ang galing niya sapagkat napaniwala niya ako sa kanyang ipinakitang katangian.” Anong
tawag sa tauhang ito?
2. Elemento ng maikling kuwento na ang paglalabanan ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat
sa kanya. Ano ito?
3. Ito raw ay isang produkto ng malikhaing pag-iisip ng tao at naipapahayag ito sa pamamagitan ng
pagsulat , pagdadrama o pagpepelikula. Ano ito?
4. Ayon sa kanya ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
salagimsim na salig sa buhay na aktwal na naganap o maaring maganap. Sino ito?
5. “Ano ang dapat kong gawin Panginoon, mahal na mahal ko siya ngunit mayroon na siyang iba!”
Anong uri ng tunggalian ito?
6. Uri ng dula na ang pinakapaksa nito ito ay mga karaniwang ugali at may layuning magpatawa.
Ano ito?
7. “Muntik na akong himatayin sa kakatawa ng aking napanood na pelikula kanina sapagkat
nakakatawa ang mga kilos nito.” Anong uri ng dula ang kanyang napanood?
8. Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay. Ano ito?
9. Anong bahagi o sangkap ng kuwento ang kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento nito?
10. Ano ang tawag sa tauhang hindi nagbabago ang katauhan sa kwento mula sa simula hanggang
wakas?
11. “Natatakot na lumabas ang magkapatid sa kwarto dahil alam nilang may whitelady na
nakatayo sa labas.” Anong uri ng tunggalian ito?
12. Ano naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipag- sapalaran ng pangunahing
tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin?
13. Elemento ng kuwento na kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Ano
ito?
14. Tukuyin kung anong sangkap ng kuwento ang pinapatungkol sa pangungusap. “Sino ang bida ng
inyong napanood na pelikula?”
15. “Ang galing talagang magbiro ni Jonas sapagkat napatawa niya ang masungit naming
barkada.”Ang pangungusap ay anong uri ng dula?
16. Uri ng tunggalian na tahasang binabangga o binubuwag ng tauhan ang kaayusang sa tingin niya
ay sumusupil sa kanya. Ano ito?
17. Ito tinatawag na ang pinakakaluluwa ng isang maikling kwento. Ano ito?
18. Ito ang kaisipang iniikutan ng katha. Ano ito?
19. Sa bahaging ito nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento. Ano ito?
20. Kinilala siya bilang “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.” Sino ito?
21. Mapapansing may saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas ng bawat taludtod sa bawat pantig na
nilagyan ng panandang (/). Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na_______.
22. Ano ang tawag sa taludturan na binubuo ng limang taludtod?
23. Ito ay tulang may sukat subalit walang tugma. Ano ito?
24. Kung bibilangin ang pantig sa bawat taludtod ng tula, ito ang makukuha. Ano ito?
25. Elemento ng tula na nagbibigay himig. Ano ito?
26. Isang uri ng kuwento na may layuning sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang
mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa at makapagunita ng mga bagay na may kinalaman
sa nakaraang panahon. Ano ito?
27. Uri ng tula na maraming gamit sa pagtuturo sapagkat madalas itong ginagamit sa paglalapat ng
aralin upang subukin ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin. Ano ito?
28. Balangkas o istruktura ng mga pangyayaring kinapapalooban ng mga kilos, pagkahubog ng
tauhan, tunggalian at mga hadlang, at mga detalye na buhat sa simula ay mabilis sa pag-akyat sa
kasukdulan. Ito ay mabilis na sinusundan ng wakas. Ano ito?
29. Isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ano
ito?
30. Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba g takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari. Ano ito?
31. Bahagi ng alamat na inilalarawan kung sino-sino ang gumaganap at ano ang kuwento ng
kanilang papel na ginagampanan at maging ang lugar at panahon ng pinagyayarihan ng insidente
ay inilalarawan din. Ano ito?
32. Bahagi ng dula na ang mga bahagi ay pinaghahati-hati upang makapagpahinga ang nagtatanghal.
Ano ito?
33. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa
buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Anno ito?
34. Ito ay isang maikling akda na ang layunin ay makapaghatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ano ito?

Test II. Pagisa-isahin ang mga hinihinging katanungan.

1-5. Ano- ano ang uri ng dula?

6-12. Ano- ano ang elemento ng alamat?

13-15. Ano- ano ang bahagi ng kuwento?

“DON’T STOP WHEN YOU ARE TIRED. STOP WHEN YOU ARE DONE”

INIHANDA N:
ERNEL T.
FLORES
Mga Sagot
1. Foil TEST II
2. Tunggalian 1. TRAHEDYA
3. Kuwento 2. KOMEDYA
4. Edgar Allan Poe 3. MELODRAMA
5. Tao laban sa Sarili 4. PARSA
6. Saynete 5. SAYNETE
7. Saynete 6.T AUHAN
8. Maikling Kuwento 7. TAGPUAN
9. Katapusan 8. SAGLIT NA KASIGLAHAN
10. Tauhang lapad 9. TUNGGALIAN
11. Tao laban sa Sobrenatural 10. KASUKDULAN
12. Tunggalian 11. KAKALASAN
13. Suliranin 12. KATAPUSAN
14. Tauhan
15. Parsa
16. Tao laban sa lipunan
17. Paksang diwa/Tema
18. Paksang diwa/tema
19. Kakalasan
20. Deogracias A. Rosario
21. Sesura
22. Cinquain
23. Di-tugmang taludturan o Blank verse
24. Sukat
25. Tugma
26. Alamat
27. Dula
28. Banghay
29. Algamat
30. Kuakalasan
31. Yugto
32. Anekdota
33. Anekdota

You might also like