Professional Documents
Culture Documents
(Talumpati) Edukasyon
(Talumpati) Edukasyon
Edukasyon!
Isang salita na may siyam na titik lamang ngunit malaki ang ginagampanan sa
lipunan. Isang salita na madaling bigkasin at sulatin ngunit mahirap makamtan.
Ngunit, ano nga ba ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat isa at sa ating bansa?.
Muli nating balikan ang isang tanyag na kasabihan, "Ang edukasyon ay ang susi ng
kaunlaran". Isang kaunlaran na hinahangad ng bawat isa at isang kaunlaran na
kailangan ng ating bansa.
Kung tutuusin, kapwang karapatan at isang prebilehiyo kung maiituring ang magtamasa
ng isang edukasyon dahil hindi lahat ay may kakayanang makapag-aral dahil sa di
matapos-tapos na kahirapan.
Ngunit, alam niyo ba na ang edukasyon din ang dahilan ng pag-unlad ng ating bansa?
Ang mga naglalakihang gusali, mga transportasyon, mga kalsada, mga magagarang
mansyon at marami pang ibang mga bagay na nagpapatunay ng kaunlaran, lahat ng iyon
ay 'di matutunan ng mga tao kung wala ang edukasyon. Ngunit, hindi lamang ang mga
materyal na bagay na iyan ang hinuhubog ng edukasyon. Humuhubog din ito ng
masisipag na manggagawa ng ating bansa. Ang mga manggagawa natin saan mang panig ng
mundo ay patuloy na namamayagpag dahil sa hindi matatawarang kakayahan na pinanday
ng ating edukasyon.
Ibinunga rin ng edukasyon ang mga propesyunal na personalidad sa ating bansa. Ang
mga guro, doktor, abogado - lahat sila ay hindi magiging matagumpay kung wala ang
tulong ng edukasyon. Maging ang mga mangangalakal sa ating bansa, sila ay bunga ng
edukasyon.
At sa lahat ng naging bunga ng edukasyon ito ang pinakamahalaga - ang pangulo. Ang
pangulo na siyang haharap sa isyung pambansa at ang magsusulong ng kaunlaran. At,
marapat lamang na ang uupo sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa ay may sapat
na kaalaman sa pagharap ng mga suliranin ng bansa, at maaabot lamang iyon sa tulong
ng edukasyon.
Mahalaga ang kaalaman sa pagiging pangulo ng bansa dahil sa kanya nakaatas ang
tole-tolenadang responsibilidad at problema ng bansa. Sa presidente nakasalalay ang
pamumuno ng pag-unlad ng bansa at maisasakatuparan lamang ito kung ang nakaupo ay
maalam.
Kung susuriin kung wala ang edukasyon, wala ring manggagawa. Kung wala ang
edukasyon walang negosyante at mangangalakal. At kung wala ang edukasyon walang
responsableng presidente at kung walang responsableng presidente walang kaunlaran.
Mahalaga ang edukasyon sa lahat, anumang antas at angkan. Huwag nating sayangin ang
pagkakataonna magkaroon ng edukasyon dahil maswerte ka. Ang edukasyon ay hindi
isang mundo na animo'y isang malaking palaruan, dapat tayo magseryoso dahil sa huli
tayo rin ang makikinabang.
At tayong may pinag-aralan, gamitin natin ito upang makatulong at hindi upang
makapanlamang ng kapwa mo tao. Dapat batid mo kung ano ang pinagkaibang tama sa
mali at ng dapat sa di-dapat gawin. Dapat maging ehemplo tayo sa iba.
Kaya bilang isang edukadong tao, dapat tayo ang magiging simula ng kaunlaran, hindi
ng kasamaan at kasakiman. Tayo ang magsisilbing ugat sa inaasam nating kaunlaran.
Dahil sa atin muli magmumula ang panibagong yugto ng edukasyon, isang edukasyon na
magbubukas ng bagong pag-asa at isang edukasyon na magiging daan patungo sa
inaasam-asam nating kaunlaran.