You are on page 1of 2

Ano ang Dula at mga bahagi at uri nito

Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan 

Bahagi ng Dula 

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood. 

2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto 

3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan 

Mga Uri ng Dula: 

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan 

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga
tauhan ay magkakasundo 

3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi 

4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa 

5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto 

Mga Elemento ng Dula: 

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula 

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga
tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon 

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya
rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap 

3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan
o ng mga pangayayari

B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang
nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula
hanggang sa matapos ito.

C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa
ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa,
ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita 

You might also like