You are on page 1of 2

Maliban sa iba pang larangan, ang retorika ay

mahigpit na nauugnay sa gramatika. Kung tutuusin, hindi


maaaring paghiwalayin ang dalawa. Ang isang retorikal na
diskurso kasi ay kailangang magtaglay ng kahit dalawang
salalayang katangian: pagkamasining at kawastuhang
gramatikal.
Gaano man kasining ang isang pahayag, kung mali
naman ang gramatika nito, maaari itong maging hindi
katanggap-tanggap lalo na sa mga iskolar, edukado at
kritiko. Bukod pa rito, maaari rin itong maging di-kapani-
paniwala at maging katawa-tawa.
Kung tutuusin, ang gramatika ay isa ring ispesyalisadong
disiplina. Ang masusing pag-aaral nito ay komplikado at
nangangailangan ng mahabang panahon. Kung pakaisipin,
hindi kailangang maging dalubhasa sa larangang ito upang
maging mapanghikayat ang ispiker at manunulat Ngunit
anumang kaalaman at kasanayang panggramatika na ating
nailalapat sa anumang diskurso, pasalita man o pasulat, ay
malaking tulong sa ating pagpapahayag. Sabihin pa, ang
kawalan o kakulangan ng kaalaman at kasanayang
panggramatika ay may negatibo namang epekto sa ating
pagpapahayag sa alinmang paraan.
Dahil sa imposibling talakayin pa rito ang lahat ng mga
tuntuning panggramatika, ang pagtutuunan ng pagtalakay ay
ang mga salalayang tuntuning madalas na katisuran o
pagkakamali ng marami.

(Bernales, R.A. et al., Retorika: Ang sining ng pagpapahayag.)

You might also like