You are on page 1of 1

LINGGUWISTIKO

O GRAMATIKAL,
KAKAYAHANG
ESENSYAL
Mahalaga ang kakayahang lingguwistiko o gramatikal dahil ito ang
nagbibigay abilidad sa tao na makabuo ng maayos at makabuluhang
pangungusap. Ito rin ay nagpapakita ng paggalang mula sa lugar na
kinaroroonan ng nagsasalita o kausap. Bukod pa dito, ang kakayahang ito
ay mahalaga upang sa gayon ay maunawaan ng isang indibidwal ang nais
iparating ng taong kaniyang kausap.

Ang pagkakaroon ng kakayahang lingguwistiko o gramatikal ay


magbubukas ng mga oportunidad sa ano mang larangan dahil esensyal ang
tamang paggamit ng isang wika sa ano mang sitwasyon. Sa mga paaralan
mismo'y ipinapatupad ang pormal na pagtuturo patungkol sa kakayahang ito
upang malinang at mahasa ang pagsasalita't paggamit ng iba't ibang
lengguwahe. Sa panitikan at pagsulat, tunay na binibigyang importansya
ang gramatiko sapagkat isang maling salita lamang ay maaaring magkaroon
ng maling pagkakaintindihan. Ito ang dahilan kung bakit tinitingala ang
mga awtor na nakakapaglimbag ng mga librong kapana-panabik dahil
tagumpay nilang naiparating ang mensahe sa mga mambabasa. Pagdating
naman sa pagbigkas, ang halaga ng kakayang lingguwistiko o gramatikal ay
ang pagkakaroon ng kapasidad na magpahayag ng literal na kahulugan ng
mga salita sa paraang maayos ang estruktura ng mga pangungusap. Dito
naman pumapasok ang angking galing ng mga nakikipagtalastasan o kaya
nama'y debate dahil naaayon sa gramatika ng lengguwahe ang
iminumungkahi nila sa oras na sumagot ang isang panig. Sa madaling salita,
kinakailangang magkaroon ng kakayahang gramatikal upang linangin ang
kakayahang sosyolingguwistiko.

Kumbaga'y susi ang kakayahang linggwuistiko o gramatikal sa


pamumuhay ng tao. Dahil dito, nakakabuo ang isang indibidwal ng
koneksyon sa iba, nakakapagsalita man o hindi. Ano mang uri ng
komunikasyon, ang kakayahang ito ay esensyal upang magsilbing
sangkap ang wika sa epektibong pakikipag-komunikasyon.

You might also like