You are on page 1of 20

SUBJECT(Uppercase and Bold)

Name of Learner/Pangalan: ___________________ Grade Level/Lebel: _____


Section/Seksiyon: _____________________________ Date/Petsa: ____________

LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO


Title

Background Information for Learners/Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible cite examples)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Directions/Instructions/Panuto
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Exercises/Activities/Pamaraan
1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________

Guide Questions (if necessary)


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos (if necessary)

Reflection/Pangwakas

References for learners/Mga Sanggunian

Answer Key/Susi sa Pagwawasto

Prepared by/Inihanda ni:

__________________________
Name of writer/Pangalan ng may akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
SAMPLE ONLY
ENGLISH 5
Name of Learner:_____________________ Grade Level:__________________
Section:_____________________________ Score:_______________________
LEARNING ACTIVITY SHEET
CAUSE AND EFFECT RELATIONSHIP
Background Information for Learners
Cause-and-effect sentences express how or why an event happened or what
resulted from an event. Usually, the cause and effect structure begins with
the cause-clause and ends with the effect-clause. Try to look at this table.
Let us separate the cause from the effect in the sentences presented above.
Always remember these two important notes:
1. Cause-and-effect sentences express how or why an event happened or
what resulted from an event.
2. The cause-and-effect sentences can be organized in one of these two
primary ways: • Start with the cause and then talk about the effect. • Start
with the effect and then talk about the cause. 3. Words signals or linkers
can be used in connecting cause-and-effect sentences. Most common are:
Because, due to, since, so, as a result, consequently, and If…then…
Let us go back to the article, “Why does the Sun Burn Us?” Let’s see if you
can still recall the information from the text by answering series of activities.
Learning Competency with code
Identify cause and effect relationship (Quarter 4, Week 1) EN5G-IVa1.8.1

Directions/Instructions:
Exercise 1. Let us go back to the article, “Why does the Sun Burn Us?” Let’s
see if you can still recall the information from the text by answering this
review activity. The pictures will guide you to give the missing words.
1. The sun gives us light so we can _________ . (picture of eyes that see)
2. Ultraviolet waves have more energy so it can____________ (picture of
sunburned skin.)
3. Getting sunburn is possible even during cloudy day because ultraviolet
light can also go through ____________ . (picture of clouds)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Exercise 2. Try to look at this table. Let us separate the cause from the
effect in the sentences presented above. As you do this, ask “What happens
when__?” or Why did ___? Draw an arrow from the cause to the effect.

Exercise 3. Read the passage below. Then, complete the graphic organizer
to determine whether or not you have understood the information given by
writer.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Exercise 4. Using at least two different appropriate linkers or connectors,
combine the two sentences below into one that shows cause and effect
relationship.

Exercise 5. Looking from the following pictures, complete the blanks to form
cause and effect relationship.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Exercise 6. Direction: In this activity, you can select one among the options
for your performance based output.
1. Draw a poster-slogan about the causes and effects of water pollution.
2. Create a two-minute promotional video on caring for the environment.
3. A rap song about the causes and effects of global warming. (either
audio-video or live presentation on Friday meeting)
4. Infomercial about greening program of the government.
5. A short story about climate change.
Guide Questions:
1. How do we identify the cause and effect relationship?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________.
2. What are the signal words for identifying the effects in a statement?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________________.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Rubric for Scoring

:
Source https://www.google.com/search?q=rubric+for+performance+task+in+english&client=firefox-b-
d&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=5ZyhikvGLo4gXM%253A%252C5ZBIe46smY-7yM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kSnKhMkEuUTvvgK6y2rkBlmYOGfiw&sa=X&ved=2ahUKEwjjmeW1zq3pAhWnHqYKHTsbA7IQ9QEwAnoECAoQJA#imgrc=5ZyhikvGL
o4gXM:

Reflection
Complete this statement:
What I have learned in this activity
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

References:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Answer Key
Exercise 1.
1. We can see clearly everything around us.
2. It hurts our skin a lot, burns our skin.
3. Clouds.
Exercise 2.

Exercise 3. Answers may vary

Exercise 4. Answers may vary


Exercise 5. Answers may vary

Prepared by:

RONNIE F. TEJANO
Writer

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
PADRÓN
Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 11

Pangalan: ___________________________________ Lebel:____________


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Panimula (Susing Konsepto)
Minsan ka na bang napakilig at napatili sa mga Korean Movies? Nabati
mo na rin ba ang iyong mga kaklase at kaibigan gamit ang “Anyoung
haseyo” (hello), muzta imbes sa salitang “kumusta”? Nagamit ang mga
salitang Petmalu, Lodi, Werpa, SKL, CCTO, at iba pa. sa pagpost sa
facebook, twitter, instagram? O baka naman kilala ka sa mga blogger,
traveller at tiktokers? Ilan lamang yan sa mga nagagawa mo at napapansin
mo na maaaring magpabago at magpayaman sa wika at kulturang Pilipino.
Magkabuhol ang wika at kultura. Napakalaki ang gampanin ng wika at
kultura sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at maging sa ating
kasaysayan at pagkakakilanlan. Sa mga gawaing ito masusuri mo kung
gaano kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura at paano mo ito
mapapahalagahan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang
Pilipino (F11PB-IIg-97)

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain na
nagpapayaman sa wika at kulturang Pilipino. Sagutin ito ng may katapatan.
Gawain 1
Rebolusyong Teknolohikal at Informasyon
ni Rolando B. Tolentino
(sipi mula sa papel na Literasing Midya)

Sa Youtube video na “Did You Know Shift Happens 2014 Remix,”


inilatag ang pagbulwak ng mga teknolohiya’t pagkalatag ng panibagong global
na kaayusan at hati dulot ng pagkaunlad ng teknolohiya. Ilan sa mga
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
halimbawang isinaad nito para sa taong 2014: China ang magiging
pangunahing English-speaking na bansa sa mundo; na kung bansa lang ang
Facebook users na may 1.3 bilyong users, ito ang ikalawang pinakamalaki;
na mayroong 5.9 bilyong searches sa Google araw-araw, 100 beses ang dami
mula 2000; ang ipinapadalang texts araw-araw ay doble sa laki ng
populasyon ng mundo; na ang panahong nakamit ang 50 milyong odyens ng
telebisyon ay 38 taon, ng telebisyon ay 13 taon, ng internet ay 4 na taon, ng
Iphone ay 3 taon, ng Instagram ay 2 taon, at Angry Birds Space, 35 araw; 90
porsyento ng data sa mundo ay nalikha sa nakaraang dalawang taon; na dahil
ang kaalaman ay nadodoble kada dalawang taon, sa mga freshie sa kolehiyo,
kalahati ng kanilang matututunan ay magiging paso na pagsapit ng junior
year; at na noong 1900, ang kaalaman ng sangkatauhan ay dumodoble kada
100 taon, noong 1945, kada 25 taon, sa 2014, kada 13 buwan, sa 2020, kada
12 oras (kscottmba).

Tunay na masikhay ang pag-alagwa ng kaalaman, at hindi simpleng


kaalaman kundi digital na kaalaman o mga madaliang naipapasang
informasyon. Ang isinasaad din ng video ay ang kultura ng teknolohiya sa
rehimen ng late capitalism: na paratihang patuloy ang produksyon para sa
kita dahil hindi naman iniimbento ang agresibo sa inobasyon sa teknolohiya
kung hindi ito kikita. Hindi libre ang teknolohiya. Ang tasitong hindi
isinasaad ng pagtatakda ng panandang-bato ng kapitalismo ay ang paglikha
sa mga produkto at serbisyo bilang panuntunan ng gitnang uring buhay.

At kung gayon, tulad sa Filipinas na mas marami ang mahirap at abang


uri, ang paglikha ng kaantasan ng akses at kawalan nito sa mga produkto,
serbisyo, at teknolohiya. Hindi ka tao kung wala kang Facebook. Dahil hindi
nangyari kung hindi nasa Facebook. Samakatuwid, ginagawa ng negosyo ang
pagtatakda, ginagawa ng advertising na kanasa-nasa ang mga produkto pero
kanyakanyang pag-agapay ang nais pumaloob sa kulturang isinisiwalat ng
konsumerismo: ang pagiging in, hip, fashionista, kanasa-nasa rin (pumopogi
dahil pogi ang sasakyan, gumaganda dahil maganda ang gadgets kahit hindi
naman talaga kagwapuhan o kagandahan). Kung wala nito, out, outsider,
nasa laylayan, naetsapwera ang individual, hindi nga ito tao (tulad ng pulubi,
taong grasa, katutubo, at iba pa) dahil wala itong individualidad o akses sa
mga modalidad ng pagiging gitnang uring tao. Ito ang teknolohikal na
pagkakahati ng mundo, at mas bagong pagkakahati dahil ang isinasaad din
ay ang kakayahan ng gitnang uri na magkaroon ng virtual na sarili’t
individualidad, at ang mga abang uri, para manatiling burado sa gitnang
uring karanasan at pagdanas dulot ng teknolohiya.

__________ 1. Ano ang isyu sa artikulong binasa?

a. Pag-usbong ng social media bilang kagamitang


pangkomersyal
b. Pagbabago ng kaugalian at pamumuhay dulot ng teknolohiya
c. Pag-angat ng teknolohiya ng pagdanas, kasama ang pagdanas
ng wika.
d. Paggamit ng midya sa praktikal na gamit ng midya.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
___________ 2. Sa binasang artikulo, paano sinimulan ng awtor ang tungkol
sa isyu?

a. Pagbabahagi ng personal na opinyon


b. Pagbabahagi ng impormasyon na may batayan.
c. Pagtatanong na may pagsuporta sa opinyon sa paggamit ng
datos.
d. Pagbibigay ng bilang o kwantiti mula sa isyu.

____________ 3. Ano ang ginamit na saligan sa paglalahad ng awtor tungkol sa


artikulo?

a. Movie
b. Documentary Video
c. Magazine
d. Sariling Karanasan

____________ 4. Ano ang naging suliranin mula sa binasang artikulo?

a. Paggamit ng social midya bilang past-time.


b. Kultura ng teknolohiya sa rehimen ng late capitalism.
c. Nahuhuli ang Pilipinas sa komersiyalismo.
d. Pag-usbong ng wika sa social midya.

___________ 5. Ang ilan sa mga sumusunod ay ang mga wikang ginamit sa


artikulo
sa pagsisiwalat ng kulturang konsumersimo, maliban sa.

a. pulubi, taong grasa, katutubo


b. out, outsider, nasa laylayan, naetsapwera.
c. in, hip, fashionista, gadgets
d. social midya, produkto, serbisyo, teknolohiya.

__________ 6. Paano tinapos ang artikulo tungkol sa isyu?

a. Pagbibigay ng isang rekomendasyon


b. Pagbabahagi ng bunga at resulta ng isyu.
c. Paglalahad ng isang panibagong suliranin.
d. Pagbibigay ng solusyon sa isyu.

Gawain 2
Napapansin mo ba ang mga plakard o poster ng mga ilang paalala o
ordinansa na nakasulat sa wika ng inyong komunidad? sa mga tricycle, jeep
o sasakayan sa inyong lugar? Ito ang ilan sa mga pamaraan na ginagamit
upang lubos na magkaintindihan ang mga mamayan Tignan natin ang mga
ito sa pamamagitan ng mga gawain sa ibaba.
A. Magtala ng tatlo sa mga ito na nakasulat sa wikang ginagamit ng inyong
komunidad. Suriin ang tamang ispeling ng mga salita, mga larawan at

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
simbolong ginamit. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan mula sa plakard
o poster. Gamitin ang talahayan sa pagsasagawa ng gawain

Plakard o Poster Ispeling ng Larawan at Pagpapakahulugan


(Wika:_________) Salita Simbolo

B. Mula sa pagpapakahulugan at paglalarawan na iyong sinagawa sa


naitalang plakard o poster. Magkaroon ng paunang- sarbey patungkol dito
pumili ng limang (5) kalahok (Tatay, Nanay, Tita, Tito, Lolo, Lola at iba pa).
Lagyan ng (__) tsek ang numero, 5 ang pinakamataas at 1 ang
pinakamababa.
Plakard o Poster 5 4 3 2 1 Puntos

Ispeling ng Salita
Larawan at Simbolo
Pagpapakahulugan

25 – 20 – Lubos na Sumasang-ayon
19 – 15 – Sumasang-ayon
14 – 10 – Katamtaman
9 – 5 – Di – sumasang-ayon

Gawain 3
Nag-enjoy ka ba sa ginawang gawain? Naging madali ba ito para saiyo?
Bilugan ang angkop na emoticons na nagpapahayag ang iyong damdamin.

Ano ang naging dahilan sa pagpili ng plakard o poster?


___________________________________________________________________________
_____________________________________________________
Mula sa tatlong plakard o poster na binigyang kahulugan at paglalarawan
ano ang may pinakamataas na iskor mula sa limang kalahok?
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Alin naman sa tatlong plakard o poster na binigyang kahulugan at
paglalarawan ang may pinakamababang iskor mula sa limang kalahok?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________
Ngayon, balikan natin ang isinagawang paunang-sarbey mula sa
limang kalahok. Itala ang mga ilang kapalagayan, kung bakit sila
nagkakaiba-iba o nagkakapare-pareho ng kagustuhan, batay sa kahulugan
at paglalarawan mula sa plakard o poster.

Plakard o Poster Kabuuang Iskor Mga Kapalagayan

Ispeling ng Salita

Larawan at Simbolo

Pagpapakahulugan

Gawain 4
Basahin ang pamagat ng naturang artikulo sa ibaba. Sa palagay mo
saan kaya patungkol ang artikulo? Ibigay ang hinuha gamit ang patlang.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________
Gusto mo bang malaman kung tama ang naging hinuha mo tungkol sa
artikulo? Habang binabasa kumuha ka ng lapis at notebook at itala ang mga
pahayag na sumasalamin sa wika at kultura. Malayang magtala ng mga
pahayag na katulad at kaiba nito sa iyong karanasan at napanpansin sa
inyong komunidad. Gamitin ang kaliwang hanay sa pagtatala.

Farmer’s Market sa Quezon City Mga Tala


Ang listahan ng mga produkto dito ay napakahaba—mula sa (Sa aming
seksiyon ng isda at iba pang pagkaing dagat, baboy at baka, manok, Bayan)
itlog, gulay, prutas, tuyo at daing, hanggang sa seksiyon ng dry
goods gaya ng mga de-lata, mga kagamitang pambahay, at bigas.
Marami pang ibang produkto sa palengke bukod sa paninda.
Idetalye natin ang mga produkto sa seksiyon ng isda at pagkaing
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
dagat, at seksiyon ng prutas. Sa seksiyon ng isda at pagkaing dagat,
narito ang mga karaniwang makikita:
Bangus
Tilapia
Galunggong
Taningue
Lapu-lapu
Pla-pla
Tulingan
Hito
Tuna
Sapsap
Hasa-hasa
Talakitok
Tawilis
Hipon
Sugpo
Alimasag
Alimango
Talangka
Tahong
Halaan
Squid ring

Ngunit mayroon ding di-gaanong pamilyar na pangalan:


Tagunton
Bitilya
Bacoco
Dapa
Samaral
Kitang

Sa paglilista pa lamang ng mga produkto sa seksiyon ng isda


at pagkaingdagat sa palengke, may dagdag na tayong kaalaman
tungkol sa kultura ng pagkain. Kung uusisain ang mga nagtitinda,
magmumungkahi pa sila ng lutong babagay sa isda. Napakahalaga
na makilala ang pangalan ng mga pagkaing-dagat. Malamang
kasing hindi natin kainin o hindi natin hanapin o bilhin ang isang
pagkaing hindi natin kilala. Ang di-pag-alam sa mga katawagan sa
pagkain ay naglilimita sa maaari nating kainin. Sa katunayan, may
palatandaan na unti-unti nang nakakalimutan ang ilang salitang
tumutukoy sa ating pagkaing-dagat. Sa Farmer’s Market,
halimbawa,makikita ang sumusunod na label:

Sea Bass (Apahap Dagat)


Fresh scallop
Uni/Sea urchin

Ang paglalagay ng pangalang Filipino pagkaraan ng sea


bass ay pahiwatig na mas kilala na ang katawagang Ingles kaysa
sa Filipino. Kahit tanungin, hindi na alam ng nagtitinda ang
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Filipinong salita para sa scallop at uni/sea urchin. Ang label na
uni/sea urchin ay kakatuwa dahil mas kilala pa ngayon ang
pagkaing ito sa dalawang wikang banyaga—Hapon at Ingles. Sa
seksiyon naman ng prutas, bukod sa mahabang listahan ng mga
produkto, may mapupulot ding kaalaman sa sumusunod na label:

Pahutan mango
Avocado, Lagkitan
Siniguelas, Fresh, From Batangas
Sweet mangoes “Baklas”

Ang pahutan ay isang uri ng mangga. Minsan, tinatawag


itong supsupin— ang maliliit ngunit napakatatamis na mangga.
Hindi na ito hinihiwa para paghiwalayin ang pisngi at buto kundi
binabalatan at sinusupsop para kainin. Bukod sa kalabaw, piko,
indian mango, mayroong pahutan o supsupin. Ang lagkitan ay
isang paglalarawan sa magandang uri ng abokado—iyong malagkit,
nangunguya, makrema. Kaugnay nito, may iba’t ibang
paglalarawan tayo ng mga prutas na nagpapahiwatig kung ano ang
magandang uri at masarap—ang bayabas ay manibalang; ang atis
ay malamukot; ang buko ay malauhog; ang saging na saba ay
makunat. Matutuklasan din sa palengke kung saang lalawigan
nagmumula ang pinakamagagandang uri ng prutas. Halimbawa,
manggang Guimaras; pakwan ng Sta. Maria, Bulacan; durian na
Puyat mula Davao; siniguwelas mula Batangas. Sa mangga naman,
karaniwan ding makikita ang deskripsiyong “walang kalburo” o
“baklas” na ang ibig sabihin ay pinitas sa tamang panahon at hindi
pinilit. Ang huling halimbawang ito ay nagpapaliwanag na rin ng
katutubong teknolohiya sa pangangalaga at pag-ani ng mga
punongkahoy at prutas.
Hindi dapat maliitin ang maituturing na kaalamang-
bayang ito na kinakatawan ng wika. Kaugnay nito’y mahalagang
banggitin ang sinabi ni Michael Tan tungkol sa heritage food o
minanang pagkain ng mga Filipino. Tumutukoy ito sa mga
produktong pagkain at paraan ng pagluluto na nagpasalin-salin ng
henerasyon. Aniya: “We are becoming more and more dependent on
a narrow range of food …. We’re also losing valuable knowledge on
preparing food…. Knowledge about heritage food then is a matter of
knowledge about survival and more. The disappearance of heritage
food narrows the options of future generations…. (Tan 23-24).
Hindi lamang mga paninda ang makikita sa palengke.
Isang kapansin pansingbbagay ay ang “Timbangan ng Bayan” na
maaaring gamitin ng sinumang mamimili para matsek kung tama
ang timbang ng kanilang pinamili. Ano kaya ang ipinapahiwatig ang
timbangang ito sa kultura ng palengke sa Kamaynilaan?
Ang palengke mismo ay produktong pang-ekonomiya ng
lipunan. Upang mas maunawaan ang iba’t ibang aspekto ng
pagiging produkto ng ekonomiya ng palengke, maaaring suriin
kung ano ang pagkakaiba ng palengke, supermarket, talipapa,
weekend market ayon sa limang dimensiyon ng kultura.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Zafra, G., & University of the Philippines
Diliman. (2016). Ang Pagtuturo ng Wika at
Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino
(Konteksto ng K-12). In Katipunan: Journal ng
mga ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan,
Sining at Kulturang Filipino (Issue 1, pp. 4–28).
https://doi.org/10.13185/kat2016.00102

Mula sa binasang artikulo at mga naitala mula market o pamilihan sa


iyong lugar. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anu-ano ang mga produkto na makikita sa binasa at sa inyong lugar?


Saang pisikal na lugar makikita ang mga ito?

Farmer’s Market sa Quezon City Farmer’s Market sa Aming Bayan

Mga Produkto Pisikal na Lugar Mga Produkto Pisikal na Lugar

2. Magtala ng isang natatanging produkto na nabasa sa arituko. Magbigay


ng isang tuwirang paghahambing nito sa natatanging produkto sa
inyong komunidad. Bakit ito natatangi?

PRODUKTO

Farmer’s Market sa Quezon City Farmer’s Market sa Aming Bayan

3. Ilarawan ang Famer’s Market mula sa Quezon City at Farmwer’s Market


sa inyong Bayan, gamit ang mga gabay na tanong;

• Ano-ano ang mahahalagang praktika?


• Ano-ano ang ginagawa at sinasabi ng mga tao?
• Paano sila kumikilos at nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
4. Ilarawan ang katangian ng mga mamimili sa Farmer’s Market mula
sa Quezon City at Famer’s Market sa inyong bayan, gamit ang mga
gabay na tanong;

• Sino-sino ang mga taong kalahok?


• Ano wikang kanilang ginagamit? Paano ang kanilang ugnayan
sa bawat isa?

Gawain 5
Basahin ang isang artikulo at gawing lunsaran ito sa pagbuo ng isang
pagsusuri patungkol sa wika at kultura ng mga kabataan na hahatong sa
isang makabuluhan pananaliksik.

Petmalu, Lodi, at Iba Pang mga Salitang Uso Yon-nga


BILANG kartunista, isa sa mga pinagkukuhaan ko ng mga ideya ay ang mga pagbabago sa lipunang
Pinoy. Pagbabago sa mga kasuotan, pulitika, teknolohiya, at maging sa mga pananalita. Bilang “baby
boomer” ay nakalakihan ko ang mga salitang “WALASTIK, DYAGAN, POGI, at YEBA” na ginawa pang
campaign catchword ng isang matagal nang umanong mayor ng Maynila. Nang magtinedyer naman ako’y
kapanahunan ng kulturang “HIPPIE” at kasabay ng pagpapahaba namin ng buhok, pagsusuot ng lumang
maong at T-shirt ay ang madalas na pagbigkas namin ng mga salitang Ingles na “COOL, PEACE, GROOVY,
BUMMER, at HEAVY.”

Sa kasalukuyan ay nauso ang pagbaligtad o pagdyambol sa mga salitang Pinoy at Ingles, tulad
halimbawa ng “PETMALU” (MALUPIT), LODI at WERPA na hango sa mga salitang Ingles na ‘IDOL’ at ‘POWER’.
Marami akong kahenerasyon na nagsabing sa amin din galing ang ganong klase ng pananalita. Maaari ba
nating kalimutan ang mga salitang “dehins” (hindi) erap, repakols, tsiks at ebubot (babae), yosi, lonta
(pantalon) tospik (sapatos), at sondo (piso)? Ilan lang iyan sa mga salitang nauso noong kabataan ko at
naalala kong madalas akong sitahin ng mahal kong ina sa paggamit ko sa mga naturang salita. Para raw
akong kanto boy. May klase ng pagbigkas na pinauso namin ng mga ka-batch ko sa U.P. Fine Arts na kung
tawagin namin ay “GOLAGAT” Ano ‘yon? Tagalog na literal na binaligtad. “GNATUAP AGN!” Ang sinasabi
namin ‘pag nanghihiram kami ng pera. Pero hindi ito nag-take off, ika nga. Dahil sa hirap ng pagbaligtad ng
hindi lang isa o dalawang salita kundi buong pangungusap, conjugated pa!

Maraming purists sa wikang Filipino ang nangangambang nabababoy ang lenggwahe natin ng mga
pausong salita na ito. Ngunit ito’y bahagi lang ng walang katapusang ebolusyon ng ating wika at
kultura.Siguro kung hindi nagkaroon ng ebolusyon ang ating wika’y baka parang Balagtasan ang ating araw-
araw na komunikasyon. So, istidi-istidi lang ayon na nga kay Pacman. Basta naiintindihan pa rin natin ang
pananalita ng ating kabataan ay ayos lang. Nanggaling nga pala ako sa isang editorial cartooning workshop
na ginanap sa U.P. Diliman kamakailan lang. Laking tuwa ko na buhay pa rin ang mga biyahe ng jeepney
na paikut-ikot sa loob ng campus. Ang biyaheng IKOT-TOKI. Aaah, Peyups!

mula sa artikulo ni Rene Aranda


Philippine Star Ngayon – Marso 17, 2018
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/03/17/1797838/petmalu-lodi-iba-pang-mga-salitang-uso-yon-nga

Gamitin ang balangkas sa pagsusuri ng artikulo:


A. Pamagat :
___________________________________________________________________
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
B. Panimula / Kaligiran ( Maikling pagpapakilala)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________

C. Layunin
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________
D. Kalagayan / Suliranin (Maglakip ng Sanggunian na nagpapatunay)

1.1 Wika
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________

1.2 Kultura
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________
E. Lagom
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________________________________________________

RUBRIC SA PAGSUSURI
May-akda ng Panunuring Papel:

Artikulong Sinuri (Kunin ang inilakip na pagsangguni/citation ng bumuo ng panunuring papel.)

Pamantayan Pagpupuntos Ibinigay na Komento


Puntos (1 hanggang 2 bullet points)
Nauunawaan ang Lubos na sumasang-
kabuuang diwa ng ayon: 3
artikulo batay sa Sumasang-ayon: 2
ginawang pagsusuri. Bahagyang sumasang-
ayon: 1
Hindi sumasang-ayon: 0
Masinop ang naging Lubos na sumasang-
pagsusuri sa artikulo. ayon: 3
Malinaw na Sumasang-ayon: 2
naipaliwanag ang Bahagyang sumasang-
bawat punto sa ayon: 1
ginawang pagsusuri. Hindi sumasang-ayon: 0

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
Mahusay na nailahad Lubos na sumasang-
ang kalakasan o ayon: 3
kahinaan ng artikulo Sumasang-ayon: 2
sa tunguhin ng pag- Bahagyang sumasang-
aambag sa Wika at ayon: 1
Kultura at Hindi sumasang-ayon: 0
pananaliksik sa
Filipino.
Maayos at angkop ang Lubos na sumasang-
paggamit sa wikang ayon: 3
Filipino. Tiniyak ang Sumasang-ayon: 2
kawastuhan ng Bahagyang sumasang-
gramatika at bantas. ayon: 1
Hindi sumasang-ayon: 0
Nasunod ang mga Lubos na sumasang-
panuntunan sa ayon: 3
presentasyon, Sumasang-ayon: 2
partikular ang haba Bahagyang sumasang-
ng lagom at panunuri ayon: 1
at ang kawastuhan ng Hindi sumasang-ayon: 0
pagsangguni.
Kabuuang Puntos
Karagdagang Komento:

Pangwakas
Mula sa mga isinagawang gawain may iba’t ibang talinghagang
ginagamit para ilarawan ang ganitong pananaw sa ugnayan ng wika at
kultura: ang wika bilang “imbakan-hanguan,” “impukan-kuhanan,”
“daluyan,” o “sisidlan” ng kultura. Iisa lang ang ipinahihiwatig ng mga
talinghagang ito—nasa wika ang kultura, at kung nais tuklasin ang
kaalamang nakapaloob sa kultura, kailangang pag-aralan ang wika.

Mga Sanggunian

A. Aklat

Constantino, PC. & Zafra, G.S. (1997). Kasanayan sa Komunikasyon II.


Lungsod Quezon:
UP Open University.

Evasco, E.Y., Navarro, A.M., Ortiz, W.P & Rodriguez – Tatel, M.J.B. (2011).
Saliksik:
Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at Sining.
Lungsod Quezon: C& E Publishing Inc.

Petras, Jayson D. (2016). Modyul 1: Oryentasyong Filipino sa Pananaliksik at


Diskurso.
Lungsod Quezon: UP Open University.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.
B. Journal

Tolentino, R., & University of the Philippines Diliman. (2016). Literasing Midya.
In Katipunan: Journal ng mga ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at
Kulturang Filipino (Issue 1, pp. 50–66).
https://doi.org/10.13185/kat2016.00105

Zafra, G., & University of the Philippines Diliman. (2016). Ang Pagtuturo ng Wika
at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12). In
Katipunan: Journal ng mga ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at
Kulturang Filipino (Issue 1, pp. 4–28).
https://doi.org/10.13185/kat2016.00102

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. A
2. D
3. B
4. B
5. D
6. C

Inihanda ni

ROMEL B. COSTALES
May-Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. Please include this in all Learning Activity Sheets.

You might also like