You are on page 1of 3

Form 5 series January 2017

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS


SUBCOMMISSION ON CULTURAL HERITAGE
CULTURAL MAPPING PROGRAM
Mapping of Significant Personalities

NAME: LAURO LAGRAN GO

PHOTO:

I. BACKGROUND INFORMATION

DATE OF BIRTH: MAY 13, 1908

DATE OF DEATH: (If applicable) JANUARY 19, 1972

PROMINENCE: (Indicate the field – Politics & History)

BIRTH PLACE: Mogpog, Marinduque

PRESENT ADDRESS: (If living) n/a

AGE: 64

II. BIOGRAPHY

(Include life story, awards received, contributions to the community, citation with specific years)

Si Lauro Lagran Go ay ipinanganak sa Mogpog, Marinduque, noong ika-13, ng Mayo 1908. Ang kanyang
ama ay si Eduardo Go Chiangco, isang Tsino, at ang kanyang ina ay si Victoria Lagran isang Pilipina tubong Mogpog,
Marinduque.

Si Lauro Lagran Go ay nag-aral sa Mogpog Elementary School at nag sekondarya sa Marinduque High
School simula sa taong 1923 hanggang 1925 ipinagpatuloy niya ito sa Far Eastern College noong taon 1925, at
nagtapos noong Marso 1927.

Hunyo 1927, nang mag-aral siya ng Pre-Medicina sa National University at nagtapos noong 1929. Pagbalik
niya sa kanyang bayan sinilangan nag-asawa siya sa katauhan ni Jacinta Santiago, isang guro sa Home economics
noong Mayo 1929.

Dahil sa kagustuhan niyang maglingkod sa bayan ng Mogpog, humangad siya bilang konsehal noong 1938
at na elect sa posisyong ito. Habang siya ay nanunungkulan sa Munisipyo ng Mogpog bilang konsehal nangyari ang
ikalawang Digmaan noong Disyembre 08, 1941. Itinalaga siyang Mayor ng “Municipal Council” para gumabay,
_____________________________________________________________________________________

Significant Personalities
Municipality/City of _MOGPOG_______________
Province of MARINDUQUE__________________
Region ___MIMAROPA_____________________
Form 5 series January 2017

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS


SUBCOMMISSION ON CULTURAL HERITAGE
CULTURAL MAPPING PROGRAM
tumulong, and protektahan ang mga mamamayan ng Mogpog dahil sa nangyayaring digmaan noong taon na iyon.
Walang kaalam alam ang mga Marinduqueno na ang mga Japanese ay pupunta ng Marinduque noong Hulyo 07,
1942. Dahil sa pangyayaring ito, pinasok at sapilitang sinasakop ng mga dayuhan ang ating lalawigan at kapag hindi
sila sumunod ay susunugin ang kanilang mga tahanan.

Ito ang simula ng panganib sa buhay ni Mayor Go, sa kadahilanang maraming mga problema siyang
naranasan sa kanyang paglilingkod sa kanyang bayan dahil na rin sa mga mananakop na mga dayuhan.

Para mapagtakpan ang pagtulong niya sa mga gerilya na lihim na kumakalaban sa mga Japanese. Si Mayor
Go ay sapilitang hinihingan ng mga Japanes na sundalo ng mga pagkain tulad ng manok, itlog, baboy, saging, gulay
at gasolina kada lingo. Si Lt. Mamaril ang namumuno sa mga gerilya, kaya para makatulong si Mayor Go, sa
kanyang mga kababayan bumibili siya ng mga bigas, asukal, pospuro, sigarilyo at damit sa mga Japanese at ito
naman ang ibinibigay niyang tulong sa mga gerilya para na rin sa proteksyong ibinibigay sa kanya nito. May mga
pagkakataong nagkakasabay pumunta sa bahay ni Mayor Go ang mga gerilya para hingan siya ng desisyon sa
gagawin nilang pagkilos laban sa mga Japanes at para humingi na rin ng mga pagkain at gamit na kanilang
gagamitin. Lubhang mapanganib ito para sa kanya kung malalaman ng mga Japanes na tumutulong siya sa mga
gerilya, maaari niya itong ikamatay at ng kanyang pamilya. Pero dahil sa malakas ang kanyang pananalig sa Diyos,
kanya itong pinagtatagumpayan.

Lahat ng mga pangyayaring ito ay iniuulat ng mga Lieutenants kay Kapitan Untalan na siyang Commanding
Officer ng probinsya ng Marinduque. Nang kasalukuyang buwan ng 1943 lalong umiinit ang mga pangyayayri sa
lalawigan ng Marinduque dahil sa kagustuhan ng mga mananakop na masakop ang lalawigan. Dahil sa nawawalan
na ng pag-asa si Mayor Go na mailigtas ang kanyang mga kababayan, ay nagbabalak na siyang bumaba sa pwesto
bilang Mayor ng Mogpog. Subalit nagbago ang kanyang isip ng mabasa niya ang pinadalang sulat sa kanya ni
Kapitan Untalan. Ito ang nilalaman ng sulat para kay Mayor Go:

“ARMY OF THE UNITED STATES OF AMERICA”


IV PHILIPPINES CORPS
HQ 66th INFANTRY in the Field

4 April 43

CONFIDENTIAL

My Dear Mayor Go,

I have heard so many good things that you have done during your administration as Mayor of Mogpog during the
darkest hour of our history. Second Lt. A. Mamaril, Infantry of this Infantry, informed me personally how much help you have
extended to him and he speaks too highly of you.
He further told me that before you accepted the post he had agreed that you be made Mayor of Mogpog. I am
therefore convinced that you are serving as Mayor of Mogpog for the welfare of the inhabitants of the town and not as traitor
to our country. I am therefore with you that spirit and I am ready to cooperate with you if your mission is to serve the people.
I am herewith sending you radio news of Feb. 1 and 26, 1943. If you had not heard of any radio news I hope these two
sets will give you an idea of the present world situation. Remember that the last news ere is dated Feb. 26 and April 5, 1943. Our
charger got out of order on Feb. 27, 1943 and we are fixing it now. Within a few days I will be sending you up to date radio
news. There is no doubt that Japan will collapse within the next few months. I am also very glad to inform you that the
Philippine Army has been reorganized with Headquarters somewhere and the Commanding General of which receives direct
order by radio from General MacArthur in Australia. For obvious reasons I cannot only send you copies of the radiograms as well
as the secrets that was received from our headquarters. If we can only meet personally, I will show you something very
surprising and encouraging for all loyal Filipinos.
Today, all I can say is this: Go on, do not fail in your courage, I and the men under me are with you not only in arms,
but also in our sentiments, in anxiety, in our dreams and in our prayers.
Lastly, I am extending to you, your family and assemblyman Uy my best personal regards. I remain.
_____________________________________________________________________________________

Significant Personalities
Municipality/City of _MOGPOG_______________
Province of MARINDUQUE__________________
Region ___MIMAROPA_____________________
Form 5 series January 2017

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS


SUBCOMMISSION ON CULTURAL HERITAGE
CULTURAL MAPPING PROGRAM

Yours very sincerely,

(SGD.) S.T. UNTALAN


Capt. Inf. Commanding

Kasalukuyan pa rin nagaganap ang paghuhuli sa mga gerilya ng baryo ng Marinduque. Gayunpaman kahit
delikado sa kanyang buhay patuloy pa ring tumutulong si Mayor Go sa mga gerilya hanggang sa matapos ang
pananakop ng mga Japanes sa lalawigan ng Marinduque.

Sumunod na dumating ang mga Amerikano dito sa Marinduque, noong Enero 03, 1945 sa pangunguna ni
Sgt. Phifer ng CIC. Ipina-imbestiga niya ang mga gawain ant paglilingkod ni Mayor Go sa bayan ng Mogpog. Sa
kadahilang marami ang nagpapatunay kung paano tumulong si Mayor Go sa mga gerilya, itinalaga siyang Highway
and Public Works Inspector sa probinsya ng Marinduque noong 1948.

Siya ay namatay noong Enero 19, 1972 sa sementeryo ng Mogpog.

III. SIGNIFICANCE
(Indicate type of significance, e.g. historical, aesthetic, economic, social, political, spiritual and then explain)

Historical: Dahil sa kanyang katapangan at pagmamahal sa bayan, hinarap niya panganib sa kamay ng mga
mananakop na mga Japanes para ma protektahan ang mga mamamayan ng Mogpog.

Political: Kahit itinalaga lamang siya bilang Mayor ng Mogpog, buong puso pa rin niyang ginampanan ito.

Economic: Si Mayor Go ang nagpipigay ng mga pagkain at gamit sa mga gerilya na lumalaban sa mga mananakop.

Spiritual: Si Mayor Go ay isang relihiyooso at miyembro ng Cursilistas.

IV. REFERENCES

KEY INFORMANT/S: Marleen Perpetua Go  


REFERENCE/S AND OTHER RESOURCES:  

NAME OF PROFILER/MAPPER: Dannica J.  


Sanchez/Karen B. Magdurulan
DATE PROFILED: Nov. 11, 2019  

ATTACHMENTS:

1. List of works and achievements

2. References and other resources

_____________________________________________________________________________________

Significant Personalities
Municipality/City of _MOGPOG_______________
Province of MARINDUQUE__________________
Region ___MIMAROPA_____________________

You might also like