You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Negros Island Region
Division of Negros Oriental
Ayungon District II
AWA-AN ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


S.Y. 2017-2018

PANGALAN_______________________________________ ISKOR________

PANUTO: BASAHIN AT UNAWAIN ANG BAWAT SITWASYON. BILUGAN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT.

1. Unang araw ng klase, ikaw ay naatasang magtaas ng bandila subalit tinawag ka ng iyong kaklase upang mag-
ensayo sa paglalaro ng chess. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan ko ang aking kaklase. c. Mangangako akong sasamahan ko siya.
b. Tatanggihan ko siya at ipapaliwanag ang mahalagang gawain. d. Hindi na lang ako pupunta sa dalawa.

2. Inutusan ka ni Gng. Davila na maglinis ng silid-aralan sa oras ng uwian. Naalala mong maglalaro kayo ng
basketbol ng mga kababata mo sa basketball court sa inyong barangay.
a. Susundin ang utos ng guro c. Maglalaro ako dahil may usapan na ang grupo
b. Makikiusap ako sa aking guro na pauwiin ng maaga d. Uuwi na lang ako nang walang paalam

3. Tanghali na at hindi pa dumating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong makatulong.
Alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
a. magpaturo kung paano magsaing sa kapitbahay c. utusan ang kapatid na siyang gumawa
b. hihintayin si nanay baka magkamali d. walang gagawin

4. Naatasan ka sa barangay upang mamuno sa “clean and green program” subalit inimbitahan ka ng iyong tiya
na magbakasyon sa kanilang probinsya. Saan ka sasama?
a. Sa probinsya dahil matagal na di nakakapunta c. Hindi na lang pareho pupuntahan
b. Sa programa upang makatulong sa barangay d. Sa barangay upang maging bida

5. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na pumunta sa
palengke. Alin dito ang iyong gagawin.
a. manood muna ng telebisyon c. magluluto muna bago manood
b. gagawa ng takdang- aralin d. matutulog muna bago magluto

6. Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit
marami kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?
a. ipagwalang bahala ito c. hahanap ng “alibi”
b. dadalo subalit magpapaalam ng maaga d. ipagpapatuloy ang gagawin

7. Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang.
     Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?
a. Si Kris dahil siya ay may higit na pangangailangan c. Si Rose dahil mayaman
b. Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo d. magbunutan sila kung sino ang bibigyan

8. Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
a. tumulong upang masolusyonan ang problema   c. tawanan ang problema
b. ipagwalang-bahala ang problema d. solusyonan agad ang problema

9. Nahuli ni Bb. Ebio na may nagkokopyahan sa mga estudyante nya sa araw ng pagsusulit. Tinanong ka nya
kung nakita mo din ito. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihing di mo sila nakitang nagkokopyahan c. Aaminin mo ang totoo sa guro
b. Pagtatakpan mo sila dahil sila’y iyong kaibigan d. Magmamaang-maangan sa pangyayari

10. Bumibili kayo ng iyong kaibigan sa canteen ng meryenda nang di mo sinasadyang matabig ang bote ng
inumin. Ang pera mo ay pambili na lang ng pagkain. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi babayaran dahil wala ka pambili ng meryenda c. Magkukunwaring di ikaw ang nakabasag
b. Babayaran ang nabasag na tinda at di na lang kakain d. Mangakong babayaran upang makabili ng
meryenda

11. Galit ang iyong mga kaklase dahil bukod tanging ikaw lang ang nakagawa ng takdang aralin kay G.
Fernandez. May usapan ang lahat na wala ng gagawa upang di na maalala ng guro ang takdang aralin. At wala
ka noong oras ng kanilang pag-uusap sapagkat inutusan ka ng iyong guro.
a. Di na lang ipapasa ang ginawang takdang aralin upang di magalit ang mga kaklase.
b. Ipapasa pa rin ang gawa dahil iyon ay iyong pinaghirapan
c. Ipapasa ang gawa, hihingi ng paumanhin sa mga kaklase at magpapaliwanag
d. Magsusumbong sa guro ng napag-usapan ng buong klase

12. Maaga kang pumasok ng silid-aralan pagkatapos ng flag ceremony. Nakita mong may kinuha ang iyong
kaklase sa bag ng isa mo pang kaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Kunwari ay di mo nakita ang kanyang ginawa c. Isusumbong mo siya sa guro
b. Pangangaralan at pagsasabihan mong ibalik niya ang kinuha sa bag d. Pagagalitan mo siya

13. May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga nito,
nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?
a. balewalain ang masamang epekto c. tumangging sumali agad
b. tumangging sumali sa kilusan d. masigasig na lumahok sa kilusang ito.

14. Nakita mong gumagamit ng bawal na gamot ang anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang magagawa mo
para matulungan siya?
a. Isusumbong sa guro c. pagalitan siya
b. Sasabihin ang nakita sa kanyang magulang   d. isumbong sa pulis

15. Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral?


a. gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro
b. gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
c. pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin
d. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera

16. Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa magulang.
a. ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain c. ang pagkamainisin sa kanyang gawain
b. ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain d. ang pagkamatiyaga sa kanyang Gawain

17. Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng
doctor. Nagpasya siyang manirahan sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?
a. tama, dahil mataas ang sahod doon c. hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo
b. tama, dahil masarap manirahan sa abroad d. hindi, dahil baka ma “KARMA” siya

18. Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating
na sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketbol tuwing araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang
gagawin mo?
a. tutulong muna sa paglilinis bago maglaro c. tutulong na nakasimangot
b. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada d. tutulong na magdadabog

19. Malayo ang pinapasukan mong paaralan sa iyong bahay. Kailangan lakarin ito dahil walang dumadaang
sasakyan. Kapag umuulan sinasabihan ka ng iyong magulang na lumiban na lang. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil na lang ng pag-aaral at baka mapahamak tuwing umuulan
b. Ipagpapatuloy ang pag-aaral at titiising maglakad upang makapagtapos
c. Maghahanap ng kahit sinong matutuluyan na malapit sa paaralan
d. Papasok pa rin at madalas na liliban sa klase

20. Nawalan ng trabaho ang iyong ama. Sinabihan ka ng iyong ina na tumigil na lang ng pag-aaral upang may
makasama siyang mag-alaga ng iyong kapatid at magtinda ng kakanin. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa ina na aagahan na lang ng gising at uwi mula sa paaralan upang matulungan siya
b. Susundin ang ina at titigil na lang sa pag-aaral upang matulungan siya
c. Iiyak na lang at magsusumbong sa ama
d. Di pakikinggan ang sinabi ng ina at patuloy pa ring papasok

21. Ang iyong kaklase na si Alden ay nagtitinda ng kakanin sa paaralan. Ito ay ginagawa niya bago pumasok at
pagkatapos ng klase. Pinagtatawanan siya ng iyong mga kaklase at tinawag siyang “Alden kakanin”. Ano ang
gagawin mo?
a. Pababayaan ko silang tumawa at baka magalit pa sila c. Ipagtatanggol ko si Alden at makikipag-away
b. Pagsasabihan ko sila at pangangaralan d. Magsasawalang kibo na lang

22. Gustong sumali ni Marvin sa inyong grupo subalit isa siyang sabadista. Ano ang dapat mong sabihin sa
kaniya?
a. Opps! di ka pwede sa aming grupo c. Alis, ayaw namin sa Sabadista
b. Halika, welcome ka sa grupo d. Layas, di ka bagay ditto

23. Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi ka naman
Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?
a. Ay! ayoko, di naman ako Katoliko c. hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang inyong pananampalataya
b. Sasali ako kahit na labag sa kalooban ko    d. kukutyain ko kayo sa inyong ginagawa

24. Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat ng ate mo na galing sa abroad. May inanyayahan siyang
kaibigan na isang Muslim. Pagdating sa oras ng kainan, ano ang gagawin mo?
a. pabayaan siya sa ibang bisita sa pagkain ng putaheng baboy c. paalisin na lang siya
b. iwanan siya ng putaheng pwede niyang makain d. hindi na lang siya pakainin

25. Paano mo ipakikita ang paggalang sa pook dalanginan ng mga Iglesia ni Cristo, kahit hindi ka kaanib?
a. umawit nang malakas sa harapan ng pook dalanginan c. maglaro ng basketbol habang nagsisimba
b. sulatan ang dingding at pinto ng bahay sambahan d. iwasan ang paglikha ng ingay malapit sa pinto

26. May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong gagawin?
a. makilahok sa mga gawaing ito c. sasali dahil sa sariling interes
b. sasali dahil may malaking pera dito d. hindi dahil nakakapagod

27. Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo
igagalang ang karapatang ito?
a. kumain ng junk foods araw-araw c. uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
b. uminom ng softdrinks araw-araw d. iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

28. Gusto mong mapaunlad nang maayos ang ating bansa. Ano ang tungkulin ng mamamayan na dapat nating
sundin?
a. walang pakialam sa mga tungkulin ng gobyerno c. pagbayad ng buwis sa takdang panahon
b. sumunod lamang kung sinasabi ng gobyerno d. pagbabawas ng halaga sa dapat bayaran

29. Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat na gawin?
a. ipaayos ang makina ng kotse c. ipadala sa junkshop
b. ibenta dahil luma na d. ipagwalang bahala ito

30. Nagpasiya ang mag–anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami ang
pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
a. hindi, dahil sa masamang epekto nito c. bahala na ang mga apektado nito
b. Oo, sayang ang kikitain nito d. balewalain ang pumupuna

31. Naglalakad ka papunta sa silid – aklatan nang makita mo ang isang batang nagtatapon ng balat ng saging sa
    daanan, Ano ang iyong gagawin?
a. isumbong sa punong guro c. pagalitan siya
b. pagsabihang pulutin dahil maging sanhi ito ng aksidente d. murahin siya

32. Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
a. pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito c. awayin mo siya
b. isumbong sa kapitan ng baragay d. pabayaan lang siya

33. Nakita mong may pasugalan malapit sa paaralan. Bilang isang bata, ano ang unang gagawin mo?
a. Sasabihin sa guro c. isumbong sa barangay
b. Sasabihin sa magulang   d. isumbong sa pulis
c.
34. Nakita mo ang isang grupo ng kalalakihan na binubully ang isang bata. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong sa guro c. pagagalitan ang mga nambubully
b. Isusumbong sa magulang d. magsasawalang kibo

35. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng nakasusugat na bagay sa paaralan. Nakita mo ang kaklase mo na
pinaglalaruan ang isang patalim. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong sa guro c. Isusumbong sa pulis
b. Isusumbong sa magulang d. Isusumbong sa barangay

36. Inaaway ka ng kaklase mo dahil nasira moa ng kanyang pantasa. Ano ang gagawin mo?
a. Hihingi ng paumanhin at mangakong papalitan c. Aawayin din siya
b. Pababayaan siya sa ginagawa d. Iiyak na lang
d. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera

37. Ginamit ng ate mo ang damit na dapat ay susuutin mo sa araw ng pagsimba. Ano ang gagawin mo?
a. Aawayin siya c. Pagsasabihan ng maayos
b. Isusumbong sa magulang d. Di siya kikibuin

38. Ang iyong mga kaklase ay may bagong uniporme. Nagsabi ka sa iyong inay na ibili ka rin ng bago subalit
kapos daw ang badyet ng pamilya.
a. Magmamakaawa sa magulang na bilhan ng bagong uniporme c. Iiyak na lang sa isang tabi
b. Mangungutang ng pambili ng bagong uniporme d. Magtitiis muna sa lumang
uniporme
39. Sobrang trapik sa kalsada, napansin mo na ang school service mo ay sumisingit sa mga nakapilang
sasakyan. Tama ba ang ginawa ng drayber?
a. Oo dahil mahuhuli na ang mga nakasakay na mag-aaral c. Oo basta magawan ng paraan
b. Hindi dahil kailangang matutunan ang pag-aantay sa iyong pila d. Hindi dahil baka pagmulan ng away

40. Wala pa sa bahay ang magulang mo. Gutom na kayo pareho ng batang kapatid mo. Ang tanging pagkain
lang sa bahay ay isang pirasong tinapay. Hinati mo subalit kulang pa raw nya ito. Ano ang gagawin mo?
a. Ibibigay ko na lang sa kanya ang parte ko c. Hindi ko na lang siya bibigyan
b. Kakainin ko pa rin ang parte ko d. Hihintayin ko na lang ang aming magulang

41. Pumapasok ng paaralan si Mariel na walang baon kundi tubig. Pinapaliban siya ng magulang subalit
patuloy pa ring siyang pumapasok. Tama ba ang pasiya ni Mariel?
a. Oo, upang makatapos siya ng pag-aaral c. Oo, upang bigyan siya ng pagkain ng mga kaklase
b. Hindi, kasi gugutumin siya sa paaralan d. Hindi, upang hindi sya kaawaan

42. Binilhan ng tatay mo ang iyong kapatid ng bagong sapatos dahil nasira ito kahapon. Tama ba na pagbigyan
muna ang kapatid imbes na pambili sana ito ng regalo sa kaarawan mo?
a. Oo, siya naman ay nakakabata sa yo c. Oo, dahil mas kailangan ng kapatid mo ng sapatos
b. Hindi, dahil ito sana’y regalo mo d. Hindi, dahil baka matagal ka pa uli mabibilhan ng regalo

43. Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
a. tumulong upang solusyonan ang problema   c. tawanan ang problema
b. ipagwalang-bahala ang problema d. gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema

44. Kumakain ka sa isang restoran.  Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang
nararapat mong gawin?
a. kagalitan ang bata c. bigyan ng pagkain ang bata
b. ipagtabuyan ang bata d. murahin ang bata

45. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang
kapatid, Ano ang maari mong gawin?
a. pabayaan silang di-magkasundo c. awayin mo silang dalawa
b. gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo d. sigawan mo sila

46. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na pumunta sa
palengke dito ang iyong gagawin.
a. manood muna ng telebisyon c. magluluto muna bago manood
b. gagawa ng takdang- aralin d. matutulog muna bago magluto

47. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na misa. Biglang
sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin mo?
a. makisabay ka sa pagsigaw c. suntukin sila
b. Sawayin sila at pagsabihang tumahimik d. pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw

48. Ayon sa gintong kautusan, ano ang dapat mong gawin sa iba?
a. mabuting gawa c. walang gagawin
b. masamang gawa d. huwag isipin ang kautusan

49. May ilang minuto ka ng nakapila sa kantina, biglang nakita mo ang isang batang lalaki na sumingit sa pila.
Ano ang gagawin mo?
a. pagsasabihan ko ang bata na pumila sa tamang pilahan
b. pagagalitan ko ang bata at sasabihin kong bawal ang sumingit
c. aawayin ko at sasabihang di sya marunong pumila
d. isusumbong ko sya sa tinder

50. Nasagi ng dumaang motor ang jeep na sinasakyan mo papuntang paaralan. Galit na galit ang drayber at
sinabihan ng masasakit na salita ang nakasagi.
a. Sasabihan ko ang drayber na kumalma lang c. Hindi ako mangingialam
b. Kakampihan ko ang drayber at susulsulan d. Panonoorin ko sila sa kanilang bangayan

GOD BLESS AND GOOD LUCK!


UNANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

Talaan ng Ispisipikasyon

Layunin Bilang ng Aytem % Lugar ng Bilang


1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 7 14% 1-7
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
(Mapanuring Pag-iisip)
2. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 7 14% 8-14
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya.
(Katatagan ng Loob)
3. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 7 14% 15-21
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
(Pagkamatiyaga)
4. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 7 14% 22-28
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
(Pagkabukas Isipan)
5. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 7 14% 29-35
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
(Pagmamahal sa Katotohanan)
6. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 7 14% 36-42
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
(Pagkamapasensiya/Pagkamatiis)
7. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na 8 16% 43-50
makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
(Pagkamahinahon)
Kabuuan 50 100%

Inihahanda Ni:

FRIA CRISTY D. CUENTO


Gr. 6 Adviser
UNANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

Key Answer:

1.B 26.A
2.A 27.C
3.A 28.C
4.B 29.A
5.C 30.A
6.B 31.B
7.A 32.A
8.A 33.A
9.C 34.A
10.D 35.A
11.C 36.A
12.B 37.C
13.D 38.D
14.B 39.B
15.C 40.A
16.D 41.A
17.C 42.C
18.A 43.A
19.B 44.C
20.A 45.B
21.B 46.C
22.B 47.B
23.C 48.A
24.B 49.A
25.D 50.A

You might also like