You are on page 1of 2

Nagpatuloy ang pagtunog ng kampana sa simbahan ng Royal Lanes hanggang sa matapos na

tila magsisimula na ang pagdiriwang o ang kasiyahan. Habang nagsisimula na ang kasiyahan
sinimulan na din ni mang bandong ang paghahasa ng kanyang dalawang gulok at nilapitan ito
ng kanyang asawa na si Ana.

"San mo ba gagamitin ang dalwang gulok na yan?" tanong ni Ana.

"Kaylangan ko lang ipakita sa kanila na hindi ako natatakot" sagot naman ni Bandong
na kinabigla ni Ana. "Kung saan ako naging tao dun ako mamamatay walang pedeng

magpaalis sakin dito" dugtong pa nito.

Nang matapos na ang paghahasa, di na nag dalwang isip si bandong na tila wala ng
makakapigil sa kanya. *Nagtungo agad ito sa Royal lanes*.

Sinubukan ito pigilan ni Ana. "Wag mo na ituloy ang binabalak mo Bandong, Ayaw
kong ikaw ay mapahamak"

Ngunit di to ininda ni Bandong nagpatuloy parin siya ng paglalakad patungo sa Royal


Lanes.

Nang malapit na sya napansin agad ito ng mga taga bantay ng Royal Lanes. Sinubukan itong
kausapin ngunit hindi parin pinansin ni bandong ang mga ito. *Itinaas niya ang kanyang
dalawang gulok at pinalabas ang mga may-ari ng Royal Lanes na tila nagaamok ng away*.

Nang lumabas na ang mga mayayaman nagpatuloy ang pagsasalita ni Bandong:

"Di nyo ako mapapaalis sa aking kalupaan, kung saan ako naging tao dun din ako
mamamatay" "Walang pedeng magpaalis sakin dito" Pagkatapos sabihin ito, bumalik na
sya sa kanyang tahanan na may saya na tila naipagtanggol nya ang karapatan para kalupaan
na ipinamana sa kanya ng kanyang mga inuno. Ngunit may kaba parin syang nararamdaman at
gumugulo sa isip nya na baka balikan sya ng mga ito

Pagdating sa kanyang tahanan, labis ang pagaalala sa kanya ng kanyang asawa,kaya naman
niyakap ito ng mahigpit ng makabalik ng ligtas si Mang Bandong.

"Anong nangyari" tanong ni Ana.

"Hindi nila tayo mapapaalis dito" Sagot ni Bandong

*At nagpatuloy ang kwentuhan ng dalwang mag asawa.*


*Makalipas ang isang Buwan, hindi sila ginugulo ng kung sino mang tao sa Royal Lanes Ngunit
isang araw lumapit sa kanila ang pamilyar na mukha na nagpainit ng ulo ni Mang Bandong Ito
ay si Mister Pena na katiwala ng Royal Lanes*

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong na pagalit Mang Bandong.

"Huminahon ka Mang Bandong, narito ako upang makipag ayos, Sa katunayan may
regalo ako para sa inyo" Binigay ang titulo

"Ano to?" tanong ni Bandong

"Ang titulo ng bahay nyo, Sa inyo na tong bahay na ito wala ng pedeng mang
gulo sa inyo" Sagot ng katiwala.

Labis ang pagkatuwa ni mang Bandong at ng kanyang asawa ng marinig ito.

*Dahil sa pinamalas na katapangan at labis na pagmamahal niya sa kalupaan nya, Nakita ito ng
mga mayayaman na kinabilib sa kanya ng mga ito. Kaya naman nagtipon tipon sila at
nagkasundo na tulungan si Mang Bandong upang makakuha ng titulo sa gobyerno ng walang
hinihinging kapalit. Kaya naman namuhay ng masaya at magkaibigan ang mga taga royal lanes
at si Mang Bandong.

At doon nagtatapos ang kwento. Salamat!

You might also like