You are on page 1of 1

Basahin at unawain ang Kuwentong-Bayan ng mga Blaan.

Bigyang-pansin ang
gabay na tanong.
Ano ang kaugaliang ipinakita sa kuwentong binasa? Banggitin ang mga pangyayari
sa kuwento para mapatunayan ang mga ugaling kanilang ipinakita.

Si Samgulang at si Nga Datu To Sabeng


Kuwentong-Bayan ng mga Blaan

Isang gabi habang natutulog si Samgulang sa loob ng kaniyang kulambo ay


napanaginipan niya ang kaniyang asawa na tinanan at dinala sa lugar ng Mahin
Lgiling ni Nga Datu To Sabeng.

Nabigla si Samgulang na sa kaniyang pagbangon ay wala na ang kaniyang


asawa. Mabilis na nanghilamos at saka hinampas ang agong. Narinig ng mga kapatid
niyang babae ang tunog ng agong. “Narinig ba ninyo ang tawag ni Samgulang?
Lahat tayo ay kailangang pumunta sa Lemlunay para kumustahin siya!,” sabi ni
Knaban sa mga kapatid.

Agad namang naghanda ang walong magkakapatid. Sumakay sila sa kani-


kanilang kabayo papuntang Lemlunay. Agad sinalubong ni Samgulang ang mga
kapatid at sinabi, “Halina mga kapatid, babawiin ko ang aking asawang si Salo
Minum. Inagaw siya ni Nga Datu To Sabeng.”

“Sasama ako sa iyo kapatid ko. Ano man ang mangyari sa iyo basta nasa
likuran mo lang ako,” sabi ng kapatid na si Knaban.

Agad umalis sina Samgulang at Knaban patungong Mahin Lgiling. Pagdating


nila, agad nagpatayo ng kubong pansamantalang titirhan sa pakikipagdigma.

Sa umpisa ng labanan nina Samgulang at Nga Datu To Sabeng, inutusan ‘ni


Knaban ang kapatid ng gumawa ng lindol. Hindi natakot si Nga Datu sa ginawang
lindol ni Samgulang.

Dahil dito lalong nagalit si Samgulang. Inutusan niyang bumaba si Nga Datu
upang sila ay magtutuos. Agad namang binigyang proteksyon ni Nga Datu si Salo
Minum gamit ang kaniyang pananggalang. Nabigla sila nang may nahulog na

kumikinang na tungkod sa kanilang pagitan at narinig nila ang boses ng matandang


lalaking nagsasabing, “Tigilan ninyo ang pag-aaway. Kayo ay magkapamilya.” Inagaw
ni Nga Datu si Salo Minum dahil hindi pa siya makalakad, mahina pa ang kaniyang
tuhod, kailangan pa niyang sumuso sa kaniyang ina.

Biglang lumuha si Samgulang dahil ang narinig niya ay boses ng kaniyang lolo.
Tumayo siya at binuhat si Nga Datu paakyat sa bahay. Umupo sila sa tabi ni Salo
Minum. Nagyakapan ang tatlong magkapamilya.

You might also like