You are on page 1of 9

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Kuwentong - Bayan Ng Ilocos

                 Sa
isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay.
Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang
pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang
nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon.
Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda
upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na
napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging
pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon
at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa
karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at
gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng
karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng
mga tao.

  
NAGING SULTAN SI PILANDOK
kuwentong bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.


Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang
harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang
isang kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong
tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay
nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng
sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino
po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang
paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang
sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna
ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang
paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa
pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at
pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta
roon ang ultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi
ng sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni
Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng
dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang
sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang
hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat
mlaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.
Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga
ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa
isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan.
Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging
sultan.
SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin.  Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.  Tuwang-
tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw
niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya.  Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.  At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa
limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya
ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng magandang
tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka siya
umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay
maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.  Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako,  wika ni Santol.  Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga.  Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero.  Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.  Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo.  Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika
ni Niyog.  Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.  Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo.  Wala siyang kakibu-kibo.  Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy.  Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.  Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang paghiip.  At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy.  Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng
malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.


Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung
amuyin, masarap kung kainin.
Sagot: Mangga

Butong binalot ng bakal,bakal na binalot ng


kristal.
Sagot: Lansones

Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis.


Sagot: Mais

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.


Sagot: Bibig

Dalawang balon, hindi malingon. 


Sagot: iyong taenga
Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.

Walang palayok na walang kasukat na


tungtong.

Sa taong walang takot, walang mataas na


bakod.

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang


buo ang loob ay kulang.

Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.

Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

You might also like