You are on page 1of 3

Mga Huwarang Bayani

Lapu-lapu

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong


lumaban sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni
Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang
nagtangkang sumakop sa kapuluan. Nang dumating siya
kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan,
magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga
tauhan ang kalayaan nila. Napatay si  Magallanes sa
labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino
si Lapu-lapu ng bansa.

Jose Rizal

Si Rizal ang pambansang bayani ng


Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat
niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang
kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga
Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya
ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang
kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga
Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at
binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang
tawag ngayon sa Bagumbayan.

Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya


ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang
siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga
alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang
tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

 
Apolinario Mabini

Isang napakatalinong tao at may napakatibay na


paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya,
sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin
ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang
kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio
Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.

Emilio Aguinaldo

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang pangulo


ng Unang Rebolusyonaryong Republika ng Pilipinas.
Sa kanyang tahanan unang itinaas ang bandila ng
Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ito ang araw nang
ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas mula sa
España.

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan.


Ang Katipunan ay ang samahan ng mga Katipunero. Ang
mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga
Kastila sa pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto
nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa España.

 
 

Melchora Aquino

Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang


Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga Katipunero.
Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa
niya ang mga may sakit at sugatang Katipunero. Isa
iyang matapang na Pilipino.

You might also like