You are on page 1of 2

Pamantayan sa Pagganap

(Unang Markahan)
1. Lourena Mae A. Chan X - Joy
2. Mari Crish Tan

Pagsasagawa ng critique ng akdang "Ang Parabula ng Sampung Dalaga"

Elemento ng akda

1. Mga Tauhan -

2. Banghay -

3. Tagpuan -

4. Estilo sa Pagsulat -

Pagsulat ng Critique

a. Ang pamagat ng akda ay Ang Parabula ng Sampung Dalaga. Ang parabulang ito ay isinulat ni
San Mateo na makikita natin sa bibliya. Si San Mateo ay ang naging kabilang sa labindalawang alagad ni
Hesus. Siya ang tinuturing na may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo, ang unang ebanghelyong matatagpuan
sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ang akda ay nagsimula sa isang malaking kasal na inihahanda. Tinalakay dito
ang mga kaugalian at kultura ng mga taga-Israel tuwing may kasalan. Sa labas ng tahanan ng binata ay
may sampung dalagang may dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino at lima naman ay hangal.
Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sakanilang lampara, samantalang ang mga
hangal ay hindi. Dahil sa tagal dumating ng mapapangasawa ng binata, ang mga dalaga ay nakatulog. Sila
ay nagising ng hating gabi at narinig ang pagdating ng babae. Inihanda na nila ang kanilang mga lampara
ngunit ang mga hangal ay naubusan ng langis at umalis para bumili. Ang matatalinong dalaga ay
sumabay na sa pagpasok ng ikakasal at ang pinto ay sinara na. Nang dumating ang mga hangal at
kumatok, sinabi ng binata na hindi niya kilala ang mga ito. Kinakailangan nating maging maghanda at
magbantay dahil hindi natin alam kung kailan Ito darating.
b. Ang kagandahang taglay ng akda ay ang aral na mapupulot mo dito na pagiging handa sa
isang bagay. Ang kabuoan ng parabulang ito ay naging kalakasan nito sapagkat maihahantulad ang
istorya sa kaharian ng langit. Ang wakas ng kwento ang nagparating sa atin ng mensahe ang mangyayari
kung hindi tayo magiging handa. Mas mapapaganda pa ito ng akda kung papangalanan niya ang mga
ikakasal para ang mambabasa ay hindi maguguluhan at dapat binigyan-diin pa ang mga importanteng
parte ng parabula.

c. Naging maayos naman ang pagkasalaysay ng bawat parte ng parabula ni Mateo. May aral
kang makukuha sa kwento na ito na nagpaganda sa kwento. Kahandaan at pagtitiyaga ang mga aral na
ibinibigay sa parabula. Ang akda ng parabula ay nagisagawa ng maayos ang pagkasunod-sunod ng
pangyayari at hindi makakalimutan ng mambabasa ang aral na mapupulot dito.

Tsekbrik sa Pagsulat ng Critique


4 – Napakahusay 3 – Mahusay 2 – Nalilinang 1-
Nagsisimula

Panukatan: 4 3 2 1

Nilalaman ng bawat bahagi at elemento ng akda

Nilalaman ng Critique

Hikayat ng panimula ng critique

Kawastuhan sa baybay, paggamit ng malaki/maliit na titik


at bantas

Tamang pormat/kalinisan

You might also like