You are on page 1of 3

Ang Nanay kong Lola

by: Milagros B. Gonzalez, 2009, 3rd

Ang Nanay Kong Lola

                           Labing isang taon na ako.    Maganda at maraming nagkakacrush.  Dalawang


taon na lamang, teen-ager na ako.
                           Sabi ni Nanay, huwag daw akong magmadaling magdalaga.  Minsan lang daw
kasi ako maging bata.
                           E bakit ba?  Gusto ko na nga e.  Masama bang magsuot ng sandals na may
heels?  Maglip gloss at mascara?
                           Sawa na nga akong maglaro ng Barbie at Bratz dolls e. Mas gusto ko pang
magtext o sumama sa mga classmates ko sa mall.
                                   Kill joy nga sina Nanay at Tatay.  Ayaw nila akong gumagala kung saan-
saan.  Delikado daw kasi ang panahon.

                           Ilang buwan na lang gagraduate na ko sa elementary.  Bising-bisi nga sa school


sa pagprapractice ng aming graduation number. Sabi ni Teacher,  third honor daw ako.
                           Binalita ko kay Nanay.
                           “Talaga?” ,  tuwang-tuwang sambit niya.  “Naku, dapat maganda ang damit at
sapatos mo.  Honor ka pala!”
                                   Excited naman masyado Nanay ko.  Para namang siya ang gagraduate. 
Sa totoo lang, ayoko siyang umakyat sa stage.  Kasi mukha na siyang lola.
                           Tinutukso nga ako ng mga  classmates ko, minsang pumunta ang Nanay ko sa 
school.
                           “Susie, lola mo?”
                           “Hanap ka ng lola mo, Susie.”
                           Bakit kasi si Nanay, mukhang lola na?  Ang ibang nanay ng mga  classmates
ko, seksi at
bata  pa.    Si Nanay,  mataba na, puti pa ang buhok!  Ayoko tuloy siyang pumupunta sa  school.
                           “Nanay, magpakulay ka na ng buhok,” minsan kong sabi sa kanya.  “Tinutukso
na ako sa school  e.”
                           Tiningnan niya lang ako at tumalikod.

                           Isang araw, tinawag ako ni Nanay.  “Susie, halika.  May ipapakita ako sa iyo,” 
nakangiti niyang tawag sa akin.
                           Inalis niya sa malaking  supot ng SM ang isang puting damit na may mga rafols.
                           “Panggraduation mo,”  sabay abot niya sa akin.
                           Itinaas ko ang damit.  Inilapat ko sa aking katawan.  Hindi ko napigilan ang
bibig ko.
                           “Ayoko nito, Nay.  Ang pangit!”
                           “Pero mahal yan!  At bagay mo naman!  Isukat mo kasi para makita mong
mabuti ang lapat sa iyo,” pilit ng Nanay ko.
                           “E, Nay, ayoko talaga ito.  Hindi ko bagay,”  sabay kong balik sa kanya ang
damit at pumunta ako sa kwarto  na mangiyak-ngiyak.
                           Bakit kasi siya nangingialam?  Ang pangit ng taste ni Nanay.  Pangmatanda. 
Pagsusuotin ba naman ako ng damit na maraming lace at rafols. Hindi na ako bata, ‘no?

                           Hindi ako kumain ng tanghalian kahit anong pilit ni Nanay.  Nagtatampo ako sa
kanya.  Hindi ako aattend ng graduation kapag yun ang damit ko.  Bakit kasi hindi niya ako
isama sa pamimili ng damit.                             Ako ang magsusuot nuon.
                           Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto matapos ang tatlong oras.  Kumukulo
na kasi ang tiyan ko.  Kukuha ako ng pagkain sa ref.  Narinig kong nag-uusap sina Nanay at
Tatay.
                           “E bakit kasi binilhan mo na siya ng damit?  Isinama mo na sana siya sa mall. 
Alam mo naman yang anak mo.  Pangdalaga na ang taste.”
                           Sige Tatay,  ipagtanggol mo ako  sa Nanay kong lola, tuwa kong sabi sa sarili
ko.
                           “Kasi, gusto ko siyang isurprise.  Akala ko naman,  matutuwa siya.  Libo pa
naman yang damit na iyun!”
                           Yak!  Libo na yun? Buti nga sa kanya,  pinapangunahan  niya kasi  ako.

                           Isinama ako ni Tatay sa mall.  Ako ang pumili ng graduation dress ko. Mas
maganda, mas bagay sa akin.  Hindi sumama sa amin si Nanay.  May gagawin daw siya.

                           Ilang araw na lang.  Graduation na   Si Nanay excited  Bumili na rin siya ng
kanyang damit.  Binilhan na rin niya si Tatay.
                           Nang binigay na sa amin ang  Graduation Program, inabot ko ito kay Nanay.
                           “Nay,  si Tatay ang magsasabit ng medal ko ha?  Ayaw kita  kasi  tutuksuhin na
naman ako ng mga classmates ko.  Magpakulay ka  na rin  ng buhok, Nay,   para naman bumata
ka naman”. 
                           Hindi kumibo Nanay ko.  Binuklat  lang  niya at binasa ang  Program.

                           Graduation ko na .  Magpapaayos ako  sa parlor kasama ko ang classmate at


bestfriend ko.   Makikisabay din ako sa kanila pagpunta sa school.  Bigtime kaya siya.  Pajero
ang sasakyan nila.  Sunod na lang sina Tatay at Nanay sa akin sa school.
                           Pagdating ko sa school,  ang daming pumuri sa akin.  Ang ganda ko raw. 
Dalagang-dalaga  na raw  ako.  Tuwang-tuwa naman ako.

                           Marami na ang tao sa school.  Mga parents, students, teachers,  pero bakit wala
pa sina Nanay at Tatay.  Kinabahan ako.  Wala akong makakasama sa graduation march.
                           “Where are your parents, Susie,”  tanong ni Teacher habang inaayos niya kami
sa linya.
                           “Teacher, ewan ko po.  Tinext ko na nga po pero walang reply.”
                           Talaga  itong si Nanay at Tatay, ang bagal-bagal kumilos.  Kinakabahan na
ako.  Wala akong kasamang  magulang..  Nag-uumpisa na ang graduation march. 
                           Maya-maya ay humihingal na tumatakbo si  Tatay.  Tumabi sa akin.
                           “Ang tagal-tagal niyo!  Saan si Nanay?”,   tanong ko kay Tatay.
                           “Hindi siya makakasama.  Dinala ko siya sa clinic dahil nagka-allergy siya sa
hair dye na ginamit  sa kanya kanina.”
                           Nagpakulay ng buhok si Nanay?  Bakit siya nagka-allergy?
                           “Sabi ko kasi sa kanya na  huwag na siyang magtina at may allergy siya duon. 
Matigas ulo ng  Nanay mo, tulad mo rin.”
                           Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa  kay Nanay.  Ako ang nagsabi sa
kanya na magkulay siya ng buhok.
                           Nag-iisa si Tatay sa graduation ko.  Gustong-gusto pa naman ni Nanay na
mapanuod ako sa stage.  Naawa ako bigla sa kanya.
                           Naalala ko na si Nanay pala ang kasama ko  sa paggawa ng mahihirap  na
projects ko.  Nuong  Grade 1 hanggang Grade 4  ako,   ginagawan pa niya ako ng reviewer sa
exam.  Siya pa ang gumagawa ng assignments ko kapag tinatamad ako.  Pati pagkopya ng mga
notes ng classmates ko  kapag absent ako,  siya ang gumagawa. 
                           Dapat kasama ko si Nanay ngayon dito.  Gustong-gusto niya akong makitang
makagraduate.  Siya dapat magsabit  ng medalya ko
                           Isa-isa nang tinatawag ang mga honors ng grade six.  Nang tinawag ang
pangalan ko,  kasama ko si Tatay.  Tuwang-tuwa siya.  Isinabit niya ang medal ko.  Picture,
picture, shake hands sa guest at mga teachers.
                           “O, bakit, wala kang kibo bigla,”tanong ni Tatay.
                           “Sana nandito si Nanay,” sagot ko.
                           Nagpaalam ako pumuntang CR kasi naiiyak na talaga ako.  Kawawa naman
Nanay ko.  Kung hindi ko siya ikinahihiya, di sana nandito siya.

                           Uwian na.  Pagdating namin  sa bahay, maraming tao.


                           “Naghanda,  Nanay mo kaya maraming tao,”  sabi ni Tatay.
                           Binati ako nina Lolo at  Lola,  mga pinsan, kaibigan at kapitbahay namin. 
Tuwang-tuwa sila.
                           Si  Nanay…  nakita ko siya na  suot  ang damit na binili niya para sa graduation
ko. Magang-maga ang mukha niya sa allergy.
                           Lumapit ako sa kanya.  Hinubad ko ang medalya  ko at inabot  sa kanya, “Para
sa iyo, Nay.  Pinaghirapan natin it,  ‘di ba?.”  At saka ko siya niyakap.
                           Ngumiti si Nanay.   Lalong sumingkit ang mga mata niyang maga.   Niyakap
din niya ako nang mahigpit.
                                                                                  ***

You might also like