You are on page 1of 2

CINCO MAS

Isang araw au inutusan ng gobernadorsilyo ang limang sundalong Espanyol. Pinaglibot niya ito
sa mga nayon sa Pilipinas. Nais niyang mapag-aralan ang mga bagay tungkol sa buhay ng mga
Pilipino.
Sumunod ang limang sundalo. Tuwang-tuwa sila sa kanilang nakita. Hindi nila alam na
napalayo na sila. Nang makaramdam ng uhaw at pagod ay naupo sila sa ilalim ng puno ng mangga.
Mula sa kanilang kinaroroonan ay nakita nila ang mga magsasakang bumubunot ng halaman salupa.
Lumapit sila sa mga ito at humingi ng tubig na maiinom. Dahil walang nakaiintindi ng salitang
Espanyol sa mga magsasaka ay hindi sila nagkaintindihan.
“Gusto nilang humingi nito!” wika ng isang magsasaka. Bagama’t naguguluhan ay binigyan
nila ang mga sundalo. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang sobrang pagkauhaw at pagkagutom.
Mabilis na binalatan at kinain ng mga sundalo ang ibinigay sa kanila. Dahil sa malamig at
matamis na lasa ay nasarapan sila sa pagkain nito. Humingi silang muli nito sa mga magsasaka.
“Cinco mas!” sabi ng isang sundalo.
“Singkamas pala ang pangalan nito!” sigaw ng isang magsasaka.
“Cinco mas!” sabay-sabay na sabi ng mga sundalo.
Binigyan silang muli ng mga katutubong magsasaka. “Singkamas ba ang ngalan nito?” tanong
ng isang naguguluhang magsasaka.
“Si, cinco mas!” muling sagot ng sundalong Espanyol. Akala niya’y tinatanong sila kung gusto
pa nila nito.
Kumain pa nang marami ang mga sundalo. Nang mabusog ay Masaya silang nagpasalamat at
nagpaalam sa mga magsasaka. May ibabalita na sila sa kanilang gobernadorsilyo. Sasabihin nila ang
mga lugar na kanilang kinain, at higit sa lahat ang pagiging matulungin at mapagbigay ng mga
katutubo.
Samantala pagkalayo ng mga sundalo ay tinikman ng mga magsasaka ang halamang ugat na
hindi nila kinain. Natuklasan nilang malamig ito at nakaaalis ng uhaw.
Ipinamalita nila ito sa buong nayon. Dahil sa kanilang pagtulong ay nalaman nilang masarap
palang kainin ang halamang ugat na dati’y pinakakain lamang sa mga alagang hayop. At mula noon
tinawag na nila ito na singkamas. Ito ay mula sa salitang cinco mas na ang ibig sabihin ay lima pa nga.

Sagutin Natin
A. Saguting ang mga tanong.

1. Sino ang mga sundalong naglibot sa kwento?

2. Bakit sila naglibot sa mga nayon at bayan?

3. Paano nagkaroon ng pangalan ang singkamas?

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang nag-utos sa mga sundalo na maglibot?


a. Gobernadorsilyo
b. Hari
c. Kapitan
2. Ilang sundalo ang kanyang inutusa?
a. Apat
b. Lima
c. Anim
3. Kailan kaya naganap ang pangyayari sa kuwento?
a. Sa panahon ng mga Amerikano
b. Sa panahon ng mga Espanyol
c. Sa panahon ng mga Hapones
4. Sino ang nagbigay ng pagkain sa mga sundalo.
a. Mga katutubong magsasaka
b. Mga katutubong mangangaso
c. Mga katutubong mangingisda
5. Anong pagkain ang ibinigay sa mga sundalong nakaalis ng kanilang uhaw at gutom?
a. Malamig na tubig
b. Dilaw na mangga
c. Singkamas

C. Hanapin sa hanay B ang naging bunga o kinalabasan ng mga pangyayari sa hanay


A. Pagkabitin ito sa pamamagitan ng linya.

A B
Inutusan ng gobernadorsilyo Inabot sila ng pagod, uhaw, at
ang mga sundalo. gutom sa daan.

Naglibot ang mga sundalo sa


Nawili at napalayo sa
nayon at bayan sa paligid.
paglalakad ang mga sundalo.

Tinawag at nakilala sa
Hindi naintindihan ng mga pangalang singkamas ang
magsasaka ang wika ng mga halamang –ugat na ito simula
Espanyol. noon.

Nasarapan ang mga sundalo Nahikayat din ang mga


sa pagkain ng singkamas. magsasakang tikman ang
singkamas.

Cinco ma sang itinawag ng Hindi kaagad nabigyan ng


mga Espanyol sa bungang tulong ng mga magsasaka ang
kinain. mga sundalo.

You might also like