You are on page 1of 1

Lungsod, Charles Albert

BAMM-201

Sagutan ang mga sumusunod:

1.  Anu ang iyong pagkakakilala kay Dr. Jose P.Laurel?  Kapag naririnig mo ang kanyang
pangalan, anu-ano ang iyong naaalala tungkol sa kanya?

Ang pagkakarinig ko sakanya ay siya ang isa sa mga naging kontrobersiyal na naging pangulo ng
Pilipinas. Ang pagkapangulo ni Jose P. Laurel ay isa sa mga pinaka-kontrobersyal na termino ng
pangulo sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Kilala si Jose P. Laurel na puppet president ng mga
Hapon. Ang tanging presidenteng inilagay sa posisyon ng mga hapon para sumunod ang
mamayang Pilipino sa utos nila. Napagtanto ng mga banyagang sumakop na hindi makiki-
lalahok ang mga Pilipino sa kanilang mga layunin kung sakanila mang-gagaling ang utos. Kaya
naman ay naglagay sila ng marangal at karespe-respetong indibidwal na magtatatag ng kanilang
layunin para sa bansang Pilipinas.
Matapos ang ikalawang pandaigdigang digmaan ay kinilala si Jose P. Laurel na taksil sa sariling
bayan. Ang mga alegasyon tungkol kay Laurel ay hindi rin nag tagal dahil sa Amnesty
Proclamation ni Manuel Roxas. Sa kabila ng pagiging kilala sa mga alegasyon na ibinato sakanya
ay siya’y nabigyang parangal sa kaniyang pag suporta sa kalayaan ng bansang Pilipinas. Nung
siya’y tinanong kung siya ba ay Pro-American o Pro-Japanese; ang kaniyang sagot ay ‘Ako’y Pro-
Filipino’.
2.  Bakit mahalaga ang pag-aaral ng buhay ni JPL sa isang mamamayang tulad mo?

Mahalaga ito pag-aralan sa isang mamayang katulad ko marahil ako’y may karapatan na
malaman ang mga pangyayari ng nakaraan marahil upang masaksihan na rin kung paano ang
pamamanakbo ng pamahalaan noong nagsisimula pa lamang ang bansang Pilipinas.

3.  Magbigay ng limang kahanga-hangang kaalaman tungkol kay Dr. Jose P.Laurel.

Si Dr. Jose P. Laurel ang nganuna sa paghahain ng probisyon sa Bill of rights. Kinilala din siya na
isa sa pinakamagaling Supreme Court Justices sa kasaysayan ng bansa dahil sa mga desisyong
kanyang ginawa na naging basehan ng istraktura, limitasyon at kapangyarihan ng bawat sangay
ng Pamahalaan.

You might also like