You are on page 1of 3

Gawain

Pangalan: Clariza Pascual


Kurso/Taon/Seksyon: BSIT 1-H
Petsa: Setyembre 13,2020
Marka:
Dalubguro: Gng. Janice J. Rances

Tukuyin kung ano ang naganap sa sumusunod na petsa sa kasaysayan ng Wikang Pambansa.

1. 1935 – Saligang Batas 1935 Artikulo XIV, Seksiyon 3: ang mga salitang Ingles at Kastila ang patuloy na gagamitin
na wikang opisyal hanggang hindi nagtatadhana o nakakagawa ng iba pang batas.

2. Nobyembre 13, 1936 – ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 184 ito ay ang pagtatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa (SWP).

3. Enero 12, 1937 – hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakabago ng Batas Komonwelt Blg. 333.

4. Disyembre 30, 1937 – inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.

5. Abril 1, 1940 – inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-
Ingles at ang Balarila ng Wikang Pambansa upang magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan.

6. Hunyo 19, 1940 – pag tuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralang publiko at pribado sa buong kapuluan.

7. Agosto 13, 1959 – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang
gagamitin”

8. 1963 – ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na mayroong salin
sa wikang Pilipino.

9. 1969 – Saligang Batas 187,s.1969: inaatas nito sa lahat nang kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa
lahat ng opisyal ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

10.1973 – Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3: ang Pambansang Asemblea tungo sa pagpapainam at
pormal na adopsiyon ng Wikang Pambansa na tatawaging Filipino.
11.1987 – Artikulo 14, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987: “ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba
pang wika”.

12.Agosto 14, 1991 – Batas Republika Blg. 7104: itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino, ito ay pamalit sa dating
SWP at LWP.

Gawain
Pangalan: Clariza Pascual
Kurso Taon/Seksyon: BSIT 1-H
Petsa: Setyembre 13, 2020
Marka:
Dalubguro: Gng. Janice J. Rances

Itala ang mga naganap sa Pambansang wika sa mga sumusunod na batas:

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1897) – ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.
Saligang-Batas ng 1935 – Saligang Batas 1935 Artikulo XIV, Seksiyon 3: ang mga salitang Ingles at Kastila ang
patuloy na gagamitin na wikang opisyal hanggang hindi nagtatadhana o nakakagawa ng iba pang batas.

Saligang-Batas ng 1973 – Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3: ang Batasang Pambansa tungo sa
pagpapainam at pormal na adopsiyon ng Wikang Pambansa na tatawaging Filipino.

Saligang-Batas ng 1987 – Artikulo 14, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987: “ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at iba pang wika”.

You might also like