You are on page 1of 7

Sitwasyong Pangwika (45 points)

I. TAMA o MALI (20 puntos)


1. Ipinatupad ang MTB-MLE kasabay ng implementasyon ng K-12.
2. Sa MTB-MLE, ang mga wikang Ingles at Filipino ay itinuturo bilang asignatura
simula Grade 1. Unti-unting gagamitin ang mga wikang ito bilang ‘languages of
instruction’ simula grade 4 hanggang grade 6.
3. Sa kasalukuyang panahon, malinaw na dominante pa rin ang wikang Filipino sa
mga lokal na palabas sa telebisyon kumpara sa wikang banyaga.
4. Wikang Ingles ang kalimitang ginagamit sa mga lokal na palabas sa telebisyon
upang mas maunawaan ng masang Pilipino.
5. Gumagamit din sa social media at internet ng code switching at pagdadaglat
katulad ng sa text.
6. Sa social media at internet, kasindami ng sa Ingles ang babasahing nakasulat sa
wikang Filipino.
7. Wikang Ingles ang kadalasang ginagamit sa direktang pagbebenta, sa pagawaan,
restoran o palengke.
8. Ang mga papeles, memo, kontrata, kautusan ay nakasaad sa Wikang Filipino
para mas madaling maunawaan.
9. Ang mga hugot lines ay nakasulat sa Filipino ngunit madalas ay Ingles.
10. Ang mga hugot lines ay mga linya na nagmamarka sa isip ng mga manunuod.
11. Sa radyo, Wikang Filipino ang nangunguna sa AM at Wikang Ingles sa FM.
12. Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi pormal kagaya ng
ginagamit sa mga broadsheet.
13. Sa sitwasyong pangwika sa text, maaring makita ng tumatanggap ng mensahe
ang ekspresyon ng mukha at tono ng boses ng nagpadala ng mensahe.
14. Sa pamamamagitan ng keypad, maaaring i-edit ang mensahe para maiwasto ang
nais iparating na mensahe.
15. Madalas na marinig ang pick-up lines sa mga kabataang magkakaibigan at
nagkakaibigan.
16. Ang wikang ginagamit sa pick-up lines ay karaniwang Ingles subalit may
pagkakataon na nagagamit din ang Filipino.
17. Kailangan ng iskrip sa pakikipagtalastasan sa fliptop.
18. Sa kalye lamang ginaganap ang labanan sa fliptop.
19. Wikang Filipino ang ginagamit sa mga tanggapang pampamahalaan.
20. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang kauna-unahang pangulong pilipino na
gumamit ng wikang Filipino sa State of the Nation Address o SONA.
II. Piliin mula sa kahon ang sagot sa bawat bilang. (15 Puntos)
Wikang Filipino Telebisyon Tabloid Texting Capital Balagtasan
DepEd Order No. 16
Wikang Ingles Hugot Lines Code Switching Pick-up Lines Series of 2012

DepEd Order No. 13 Special Program in


Social Media Series of 2012
Nanliligaw Rehiyonal Foreign Language

1. “First-language-first”; Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mother tongue sa


pagtuturo (language of instruction) simula kindergarten hanggang grade 3
upang mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
2. Ito ay programang naglalayong mahasa ang kakayahan ng mga piling mag-aaral
sa paggamit ng ikalawang banyagang wika.
3. Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyang
panahon dahil sa lawak ng target na naabot nito.
4. Ang wikang ito ang nangungunang midyum na ginagamit sa telebisyon na kung
saan kalimitang ginagamit sa dyalogo sa mga lokal na palabas sa telebisyon.
5. Ito ang medyum na nagiging daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa
pamamagitan ng pagpost sa internet.
6. Ito ang pangunahing wika na ginagamit sa pakikipag-komunikasyon maging sa
mga dokumentong ginagamit sa kalakalan.
7. Ito ang wikang ginagamit kapag nag-iindorso ng produkto sa mga
mamamayang Pilipino.
8. Ito ang tawag sa linya ng pag-ibig.
9. Ang ___________ ay mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga
drayber, tindera, at iba pang manggagawa sapagkat ito ay nakasulat sa wikang
higit nilang mauunawaan.
10. May mga estasyon ng radyo sa probinsya na gumagamit na ___________na wika.
11. Ang tawag sa paraan ng pagpapalit-palit ng dalawa o higit pang wika sa
pagpapahayag ng mensahe sa pamamagitan ng cellphone.
12. Dahil sa humigit kumulang na apat na bilyong text messages ang ipinadadala at
tinatanggap sa ating bansa araw-araw, ang Pilipinas ay tinaguriang "_________
of the world".
13. Itinuturing na makabagong bugtong kung saan madalas inihahalintunad ang
isang tao sa isang bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto ng
buhay.
14. Sinasabing nagmula ito sa mga binatang __________ na nagnanais magpapansin,
magpakilig at magpa-ibig sa mga babaeng nililigawan nito.
15. Ang Fliptop ay naihahalintulad sa modernong bersyon ng uri ng sining na ito.
III. Punan ang hinihingi sa bawat bilang. (10 Puntos)

1. Antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kalahok sa Fliptop. (1 puntos)

2. Ibigay ang pangalan ng Pangulo na nagpatupad ng panukala sa paggamit ng Wikang


Filipino sa mga tanggapang pampamahalaan; gayundin ang pangalan ng atas na
ipinatupad niya. (2 puntos)

3. Magbigay ng isang popular na hugot line (mula sa movie or sa isang kanta). (1


puntos)

4. Magbigay ng babasahin na nakasulat sa wikang Filipino sa internet (4 puntos)

5. Ang kadalasang ginagamit na wika sa paggawa ng pamagat ng isang pelikula sa


Pilipinas. (1 puntos)

6. Pangunahing wika sa paggawa ng dialogo ng pelikula. (1 puntos)

MEMBERS (BS ChE 1-2)


Alcaparaz, Lyndsay Mariel S. Dayupay, Ma. Rose Roxane
Asuncion, Rovin F. Flores, Janela Marie K.
Bautista, Trisha Anne A. Gulay, Jasziel
Candelaria, Vince Rafael Lamprea, Joshua Reign
Castillo, Patricia Nicole Peñaranda, Allian D.
Cortes, Mikhaila Adrienne
Pagpaplanong Pangwika (30 points)
I. Identification (10 points)

Ponolohiya Formulasyon Tagalog Implementasyon


Surian ng Wikang
Language Planning Ortograpiya Ealaborasyon
Pambansa
Komisyon ng
Morpolohiya Filipino Semantika
Wikang Filipino

1. Komisyon na may mahalagang papel sa pagpaplano ng wikang Pambansa.


2. Ayon kay Fisherman (1974), ito ay tumutukoy sa proseso ng intelektwalisasyon
ng mga termonolohiya.
3. Ito ang pambansang wika ng Pilipinas.
4. Pagbusisi sa iba’t ibang paraan ng pagbubuo ng kahulugan ng mas malalaki
nitong bahagi.
5. Pag-aaral sa mga morpema at sa komposisyon ng mga ito.
6. Ang paggamit dito sa iba’t ibang larangan ng kaalaman at disiplinang
akademiko tulad ng siyensiya, teknolohiya, matematika, batas, pilosopiya,
teolohiya, politika at humanidades.
7. Ito ang yugto ng deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin.
8. Pag-aaral ng mga espesipikong tunog at mga kombinasyon nito.
9. Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga
materyal na kakailanganin sa pagpapalwak ng gamit ng piniling wika.
10. Ang katanggap-tanggap na sistema ng pagsulat.

II. Enumeration (20 points)


1. Ibigay ang apat na palatuntunin na napapalood sa Language Planning sa maayos
nitong pagkakasunod-sunod. (5 points)
2. Ibigay ang tatlong polisya at batas na may kinalaman sa mga hakbang ng
komisyon sa pagpaplano ng wika. (5 points)
3. Magbigay ng pitong Philippine English na salita na nakapalood sa Oxford
English Dictionary. (10 points)
MEMBERS (BS ChE 1-2)
BELZA, Patricia Mae MONTEDERAMOS, Selina Khae
DARANG, Jamella Lhyn OSEÑA, Rynzier
MARTINEZ, Dinah Jane SALVACION, Angel
Tradisyunal na Pilosopiya sa Wika (35 points)
I. Identification (11 points)
1. Ito ay ang pag-aaral ng wika ng mga tao sa loob ng higit na malawak na
konteksto ng mga kasanayan sa panlipunan, kultura pati na rin ang mga
paniniwala ng mga miyembro ng partikular na kultura at komunidad ng
pagbigkas.
2. Ayon kay Hymes, ito ang mahahalagang punto o aspekto upang mapag-aralan
ang wika sa isang partikular na lugar. (Ibigay ang tatlong punto o aspekto, 3
points)
3. Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng ano?
4. Tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika.
5. Tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika.
6. Pag-aaral ng relasyon ng sa|ita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
7-9. Ibigay ang tatlong katangian ng wika.

II. Matching Type (8 points)


A. Interaksyon at pakikipag-kapwa F. Di berbal na komunikasyon
tao G. Impormatib
B. Sikolohiya ng panitikan ng mga H. Perpormatib
Pilipino I. Persweysib
C. Pakikipagbiruan at pagmumura J. Direktib
D. Mga terminong Filipino K. Ekspresib
E. Yupemismo ng wikang Filipino

____10. Makikita sa mga bugtong, salawikain, awit, tula, at iba pa.


____11. Pagkakaunawaan kahit hindi gumagamit ng mga salita.
____12. Paggamit ng mga hindi direktang salita upang maiwasan na masaktan o
mapahiya ang kausap.
____13. Ito ay gampanin ng wika kung saan nagagawa nitong makahikayat ng tao
tungo sa isang paniniwala.
____14. Nagiging __ ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napakikilos ang isang
tao upang isagawa ang isang bagay.
____15. Ito ay gampanin ng wika kung saan nagagawa nitong makapagpahayag ng
saloobin o makapagpabago ng emosyon.
____16. Ang gamit ng wika na ito ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Ito
ay kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.
____17. Ito ay gampanin ng wika kung saan nagagawa nitong makapaglahad ng
impormasyon tungo sa tagatanggap nito.

III. Multiple Choice (13 points)


18. Ito ang teorya ng wika na binubuo ng tatlong parte: ang lokusyonari, ilokusyonari,
at perlokusyonari.
a. Normative Act Theory b. Speech Act Theory
c. Communication Theory d. Communicative Act Theory

19. Siya ang bumuo at nagtatag ng teoryang binubuo ng lokusyonari, ilokusyonari at


perlokusyonari.
a. John R. Searle b. William P. Alston
c. John Langshaw Austin d. Stanley Cavell

20. Ito ang isa sa mga act na pumapatungkol sa mismong sinabi o utterance, ang
kahulugan at ponetika ng salitang binigkas.
a. ilokusyonari b. lokusyonari
c. perlokusyonari d. wala sa nabanggit

21. ito ang isa sa mga act na pumapatungkol sa intension at ang nais ipahiwatig ng
sinabi na gumagawa ng pwersa sa makikinig na kumilos.
a. ilokusyonari b. lokusyonari
c. perlokusyonari d. wala sa nabanggit

22. Ito ang isa sa mga act na pumapatungkol sa aktwal na epekto ng sinabi sa
makikinig, upang gawin o mapagtanto ang isang bagay, nilalayon man o hindi.
a. ilokusyonari b. lokusyonari
c. perlokusyonari d. wala sa nabanggit

23. Sino ang sumulat ng librong pinagmulan ng teorya ng communicative action?


a. Jürgen Habermas c. Friedrich Nietzsche
b. Immanuel Kant d. Martin Heidegger

24. Ano ang pamagat ng librong pinagmulan ng teorya ng communicative action?


a. Communicative Action: A Theory c. A Theory on Communication
b. The Theory of Communicative d. Rationality through Communicative
Action Action

25. Saang pundasyon nakasalalay ang teorya ng communicative action?


a. Pakikipagtalastasan c. Pagrarasyonalisasyon
b. Pakikiusap d. Pakikipagtawaran
26. Ano ang katangian ng communicative action ayon sa sumulat ng teorya nito?
a. Ito ay binubuo ng tatlong parte: lokusyonari, ilokusyonari, at perlokusyonari
b. Isang uri ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa iba na nagmumula sa
pagnanais na makamtan ang isang kasunduan
c. Pag-aaral ng wika ng mga tao sa loob ng higit na malawak na konteksto ng mga
kasanayan sa panlipunan
d. Pagkakaunawaan kahit hindi gumagamit ng mga salita.

27. Ayon sa paniniwalang ito, ang mga bata ay pinanganak na may kakayahan na sa
pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring humubog sa kanilang
pagkatuto ng wika.
a. Teoryang Ta-ta b. Paniniwalang inativist
c. Paniniwalang behaviorist d. Teoryang Bow-wow
28. Ang mga sanggol ay may “likas na salik” sa pagtamo ng pagkatuto ng wika, ito ay
paniniwala ng mga:
a. Behaviorist b. Inativist
c. Cognitivist d. Makatao

29. Sa paniniwalang ito, ang ating damdamin at emosyon ang nakakatutulong upang
mas mabilis matutunan ang wika
a. Teoryang Hocus Pocus b. Teoryang Eureka!
c. Paniniwalang Cognitivist d. Paniniwalang Makatao

30. Ito ang salik na tumatalakay sa pagkatuto ng tao ng wika


a. Developmental Linguistics c. Pilosopiya
b. Linguistics d. Sikolohiya
Tanong:
Mahalaga ba ang wika sa ekonomiya ng isang bansa? Pangatwiranan ang iyong sagot.
(3 points)
MEMBERS (BS ChE 1-2)
ABORDO, Oliver Chuck
DOMINGO, Mark Lloyd
FRANCISCO, Gian Carlo
LABANERO, Elisha Roselle
LOGRONIO, Ren Joseph
PASCUAL, John Cedric
PELAEZ, Nina Ysobel
SALAZAR, Marc Joshua
TUAZON, Kyra

You might also like