You are on page 1of 2

Bethany Christian School of Tarlac Inc.

Paniqui, Tarlac
S.Y. 2020-2021

Lagumang Pagsusulit (Unang Markahan)


October 20-21, 2020
Araling Panlipunan 10

Pangalan:_______________ Petsa:__________
Guro: Warda Dorcas Duras/Resty Hezron C. Damaso Lagda ng Magulang:___________
TEST I. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
__________1. Ano-ano ang mga manmade o kagagawan ng tao na nakadadagdag sa epekto ng climate
change? (Higit sa isa ang sagot)
A. Pagsunog ng fossil fuels
B. Pagsusunog ng mga plastik
C. Sobrang daming sasakyan na nagbubuga ng maruming hangin
D. Pagpapalit ng gamit ng lupa mula agrikultural patungong komersyal
__________2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng matinding epekto ng climate change sa Pilipinas?
A. Patuloy na pagbaba ng temperatura ng daigdig
B. Paghaba ng panahon ng tag-init at pagdagsa ng maraming bagyo
C. Pagbaba ng lebel ng tubig sa dagat
D. Pagtaas ng produksyon sa agrikultura
__________3. Alin sa mga sumusunod ang nakapaloob sa Republic Act 8749: Clean Air Act of 1999?
A. Bawal magsunog ng basura.
B. Bawal ang pagtatapon ng mga pabrika ng kanilang dumi sa ilog.
C. Striktong batayan sa pagtatapon ng mga nakakalason at delikadong basura at kemikal.
D. Paghahanda ng environmental impact statement ng mga kompanya sa lahat ng proyekto.
__________4. Bakit tumataas ang lebel ng tubig sa mga dagat?
A. Dahil sa madalas na pag-ulan
B. Dahil sa natutuyo na ang lupa sa sakahan.
C. Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo sa Amerika at Europa
D. Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo at niyebe sa North at South Pole
__________5. Ano ang tawag sa wastong pangongolekta, paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor
ng basura ng mga tao?
A. Proper Disposal
B. Waste Segregation
C. Waste Management
D. Pagsusunog ng Basura
__________6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggamit ng 3R(Reduce, Reuse, Recycle) Formula
upang mabawasan ang basura? (Higit sa isa ang sagot)
A. Paggamit ng mga one-time use ng mga plastic or disposables.
B. Pagdadala ng sariling lalagyan o bayong sa pamamalengke.
C. Paggamit ng paper bags, paper cups.
D. Gawing paso ang mga basyo ng mineral water, sirang gulong.
__________7. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng deforestation? (Higit sa isa ang sagot)
A. Climate change
B. Kaingin
C. Pagmimina
D. Wildfires
__________8. Ano ang tawag sa pagbabago sa klima na nagtatagal nang ilang dekada o matagal pa, kabilang
ang pagbabago sa temperatura at global na direksyion ng hangin?
A. Climate Change
B. El Niño
C. Global Warming
D. Greenhouse Effect
__________9. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagmimina o mining? (Higit sa isa ang sagot)
A. Nakapagbibigay ito ng trabaho
B. Nalilinang ang mga lupain.
C. Naaalis nito ang mga bagay na hindi na natin kailangan.
D. Nakakakuha ng mga mineral na magagamit sa paggawa ng bahay.
__________10. Alin sa sumusunod ang maaaring masamang epekto ng pagka-quarry o quarrying?
(Higit sa isa ang sagot)
A. Paglambot ng lupa.
B. Pagbaha at pagkawala ng sustansya ng lupa
C. Nakababawas ito sa gastusin ng ating pamahalaan sa pag-aangkat.
D. Pagbibigay ng trabaho sa mga tao.

TEST II MAIKLING PAGSULAT


Panuto. Sumulat ng talata ayon sa ibinigay na tanong. Guhitan ang pangunahing ideya sa iyong sagot. Ang
sanaysay ay dapat na may panimula, katawan at konklusyon at hindi bababa sa 150 bilang ng mga salita. Isulat
sa malinis na papel ang sagot.

Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang climate change sa iyong pamumuhay? Paano ka makakatulong
upang matugunan ang suliraning dulot ng climate change sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

You might also like