You are on page 1of 5

Pagiging Matapat

Ano nga ba ang kahulugan ng katapatan?

Ang kadalasang pagkakaunawa natin ng salitang katapatan ay hindi

pagsisinungaling ngunit ang salitang katapatan o “honesty” sa ingles ay may mas

malawak na kahulugan

Ito’y nangangahulugan ng paggawa ng tama. Kung ang iyong ginagawa ay labag sa

batas o kinakailangan mo itong itago dahil alam mong ika’y mapapagalitan ng iyong

tatay o nanay ang ibig sabihin noon hindi ka tapat o honest.

Ano ang katapatan? – Katapatan sa Salita

Ang katapatan ay pag-amin ng katotohanan. Ang kasinungalingan ay hindi

katapatan dahil ito ay hindi katotohanan.

1. Ang katapatan ay hindi pagsasalita ng anumang bagay tungkol sa ibang tao

na hindi naman totoo. Hindi pagiging matapat ang pagkakalat ng mga salita

na ikakasama ng iyong kapwa lalo na kung hindi naman ito totoo.


2. Ang pagiging matapat ay pag-amin ng kamalian kahit alam mo na ika’y

mapapagalitan.
3. Ang pagiging matapat ay pagpapaliwanag ng kung ano ang totoong nangyari.

Hindi ka matapat kung nagkwekwento koa ng mga bagay ng hindi ka naman

sigurado na nangyari talaga.

Ano ang katapatan? – Katapatan sa Gawa

Kung ika’y may nagawang immoral o hindi tama o kung ika’y may tinatagong

masamang nagawa dahil alam mo na hindi ito dapat gawin nangangahulugan ito na

hindi ka tapat. Ang pagiging tapat ay paggawa ng tama.


Ang pagiging tapat ay nangangahulugan din ng pagiging patas. Dapat hindi ka

nandaraya at hindi ka nagnanakaw.

Ano ang katapatan? – Katapatan sa Sarili.

Ang malaking bahagi ng pagiging matapat ay kung paano ka nakikipag-usap at

nakikisalamuha sa ibang tao. Ngunit isa sa kahulugan ng pagiging matapat ay

pakikinig sa sarili mong diwa o konsensya dahil kung alam mong wala kang

nagawang masama hindi ka uusigin ng iyong konsensya.

Pagsusulit:

Ano ang katapatan sa mga sitwasyon na ito?

Nakabasag ka ng baso at tinanong ka ng iyong nanay kung sinong bumasag ng

baso . At umamin kang ikaw ang nakabasag.

Ano ang masasabi niyo sa sitwasyon na ito?

Kinuha ni Ben ng walang paalam ang laruan ng kanyang kaklase.

Pinagbawalan si Katkat ng kanyang ina na lumabas ng bahay ngunit siya’y tumakas

noong natutulog ang kanyang upang makipaglaro sa kanilang kapitbahay.


Pagiging Masunurin

Ang pagtalima ay nangangahulugang pagiging masunurin sa matatanda o sa batas

o otoridad ng walang pagkwestyon.

Pagtalima sa Magulang

1. Pagiging magalang. Parte ng pagiging masunurin ay ang paggalang sa mga

magulang o mga nakakatanda at paggamit ng po at opo. Kung may nais

hinging pabor maging magalang at gumamit ng salitang “please” at huwag

kakalimutang magpasalamat. Nangangahulugan rin ito ng pagsunod sa

kanilang mga alintuntunin. Dapat makinig sa kanilang mga payo at pangaral

at huwag na huwag sasagot ng pabalang.


2. Paggawa ng gawaing bahay. Kadalasan ang inyong mga magulang ay

uutusan kayo na gawin ang mga gawaing bahay. Ang pagiging masunurin ay

nangangahulugang paggawa ng mga gawain na hindi na hinihintay utusan ng

mga magulang. Hanggat maaari gawin na ang mga gawaing bahay na dapat

gawin bago maglaro .


3. Huwag makipagtalo sa inyong mga magulang.Kung may mga pinagbabawal

ang gawin o kung nagpaalam ka at hindi ka pinayagan imbis na makipagtalo

sa inyong mga magulang ay sumunod na lang dahil alam nila ang mas

makakabuti sa kanilang mga anak ayaw lang nila ng kapahamakan.


4. Sabihin ng matiwasay ang inyong di pagsang-ayon sa inyong mga magulang.

May mga oras na may mga hindi resonableng limitasyon o bagay na

ipapagawa sa inyo. Maging kalma sa pagdidiskurso ng inyong mga

nararamdaman sa inyong mgamagulang. Sabihin ito ng magalang at

malambing. Ipaliwanag ang inyong panig at magbigay ng mga katibayan.

Ang pagiging masunurin ay hindi nangangahulugang pag-OO na lang sa lahat


ng sitwasyon ito’y katangian ng pag hindi pagsang-ayon sa magalang na

paraan.
5. Huwag magrerebelde sa inyong mga magulang. Kahit anumang di pagsang-

ayunan o di pagkakaunawaan huwang na huwag subukang magrebelde sa

mga magulang. Ito ay paggawa ng mga bagay na mali o immoral o paglabag

sa utos ng magulang.

Pagtalima sa Batas

1. Makinig mabuti sa kung anumang sinasabi ng otoridad. Katulad ng guro, siya

ang may otoridad sa loob ng klase , kailangang making sa kanya ng mabuti.

At ipakita ang interes sa diskusyon sa klase. Halimbawa:sa loob ng silid-

aralan tumingin sa guro habang siya ay nagsasalita. Maglista ng mga

impormasyon habang siya ay nagtuturo. At kung may tanong huwag

mahiyang magtaas ng kamay.


2. Sumunod sa Panuto: Ang mga batas at alituntunin sa paaralan at sa inyong

komunidad ay dapat pag-aralan at sundin. Umakto ng naaayon sa

regulasyon. Halimbawa: tamang pagtatapon ng basura, tamang uniporme, at

tamang gupit ng buhok sa paaralan.


3. Huwag maging mapanghusga. Huwag tnating husgahan ang ating kapwa

base sa kanilang pisikal na anyo o maging sa kanilang mga paniniwala.


4. Maging mapagkumbaba. Ang pagiging mababang loob ay isa sa magandang

katangian ng pagiging masunurin. Matuto tayong tanggapin ang ating

pagkakamali at buksan ang ting mga sarili sa mga posibilidad at pagbabago.


5. Maniwala tayo sa Panginoon. Ang pagmamahal sa may kapal ay ang

bumubuo sa malaking bahagi ng pagtalima. Hindi tayo makakagawa ng

masama sa kapwa o sa ating sarili kung susundin natin ang mga utos ng

Diyos. At kung may pagmamahal tayo sa Panginoon naririto sa ating mga

puso ang walang anggang pagtalima sa kabutihan.

You might also like