You are on page 1of 6

Visual Arts

Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura noong 2006


si Abdulmari Asia Imao (Ab·dul·má·riA·sya Í·maw). Isa siyang eskultor at
pintor. Isa rin siyang nangungunang tagapagtaguyod ng sining at kulturang
Muslim saFilipinas.
Ang pagiging bihasa ni Imao sa sining ng “ukkil” o “okir” (masinsing disenyo
ng pakurbang elemento  na  maaring tumutukoy sa alon, halaman o baging
sa Maranaw na ang ibig sabihin ay “umikit”) ang nagsilbing puhunan ng
noo’y sumisibol pa lamang na manlilikha. Ang ukkil, “sarimanok”
(mitikongibon-isda), “sari-mosque” (halong sarimanok at mga mosque) at
“sari o kir” na kaniyang isinakontemporaneo ang sa kalauna’y nagging
pangunahing paksa ng mga eskultura at pintura ni Imao.
Unang solong eksibit niya ay sa Contemporary Art Gallery sa Mabini noong
1960. Noong 1971, isa siya sa kumatawan sa Filipinas sa Seventh Paris
Art Biennale sa France. Kabilang sa mga likha niya ang monumento ni
Lapulapu sa Luneta at ni Pangulong Elpidio Quirino sa Roxas Boulevard;
“Antonio Figafetta Monument” (12 piye) sa Fort San Pedro Cebu City; “Sulu
Warriors” (6 piyeng estatwa ni Panglima Unaid, isang lokal na bayani ng
Sulu at Kapitan Abdurahim Imao) sa Sulu Provincial Capitol; Amai Pakpak
(8.5piye), “Hero of Marawi” sa Lanao Del Sur; “Sultan Kudarat’,s Battle at
Tantawan,Cotabato, ”brass mural sa PICC; “Sarimanok, ”logo ng 1974
Miss Universe; mga pinturang sarimanok Central Bank of the Philippines
Museum; Allah Islamic Calligraphy sa Vargas Museum. Noong 1968,
itinanghal siyang isa saTen Oustanding Young Men (TOYM).
Pinagkalooban siya ng Art Association of the Philippines ng gintong
medalya para sa eskultura noong 1980. Pinagkalooban din siya ng Gawad
CCP para sa Sining noong 1990 at Presidential Merit Award noong 2005.
Isinilang siya noong 14 Enero 1936 sa Tulay, Jolo, Sulu kina Jamasali Alih
at Asia Juraiya Imao. Ginamit ng pamilya niya ang Imao bílang apelyido sa
payo na rin ng isang Imam. Nagtapos siya ng digri sa Fine Arts sa
Unibersidad ng Pilipinas noong 1959. Sa pamamagitan ng mga iskolarsyip,
nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral sa University of Kansasnoong 1962
at sa Rhode Island School of Design, USA. Taong 2014, sa edad na 78 ay
binawian siya ng bhay. Pinaniniwalaang atake sa puso habang siya’y
natutulog ang dahilan ng kanyang pagkamatay. (RVR)
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura noong 1976
si Napoleon V. Abueva (Na·pol·yón Vi Ab·wé·va). Sa edad na 46, siyá ang
pinakabatang nagkamit ng parangal na ito. Kinikilala rin siyáng Ama ng
Makabagong Eskultura sa Filipinas.
 
Bihasa si Abueva sa iba’t ibang larangan ng eskultura. May kakayahan din
siyáng gamitin ang iba’t ibang uri ng materyales tulad ng kahoy, metal, at
bato. Ilan sa mga obra ni Abueva na matatagpuan sa mga espasyong
publiko ay ang sumusunod: Transfiguration (1979), isang matayog na
pigurang Kristo sa Eternal Gardens Memorial Park sa Caloocan;
magkabilaang krusipiho, altar (1957) at busto ni Padre Delaney sa Chapel
of the Holy Sacrifice sa kampus ng UP Diliman; labing-apat na estasyon ng
krus ng Kapilya ng Paaralang Claret sa Teacher’s Village, Diliman at ng
EDSA Shrine; Siyam na Musa sa UP Faculty Center (1994); rebulto ni
Teodoro M. Kalaw sa harap ng Pambansang Aklatan; marmol na miyural
sa Bantayog ng mga Bayani sa Bundok Samat, Bataan; at Sunburst sa
Peninsula Manila Hotel (1994).
 
Nagtapos siyá ng Master sa Sining sa Cranbrook Academy of Art sa
Michigan, USA noong 1955 bilang iskolar ng Fulbright/Smith-Mundt.
Nagpatuloy pa siyá ng pag-aaral ng Ceramics sa University of Kansas at
Kasaysayan ng Sining sa Unibersidad ng Harvard sa Estados Unidos.
Noong 1978, hinirang si Abueva bilang Dekano ng College of Fine Arts sa
Unibersidad ng Pilipinas, at nanatili sa posisyong ito hanggang 1989
Bukod sa isang mahusay at modernistang arkitekto, si Leandro V. Locsin (Le·yán·dro
Vi Lok·sín) ay isang musiko, kolektor, at patron ng sining, mag-aaral ng kasaysayan,
tagadisenyo ng set para sa drama, opera at ballet, kilalang eksperto sa pottery na
Chino at pilantropo. Ang kaniyang mga arkitektura, gusali man, tahanan, o iba pa ay
nagpa-pakita ng pagtatagpo ng damdamin, imahen, at karakter ng iba’t ibang larang ng
sining na naging bahagi ng kani-yang karera at buhay. Ipinagkaloob sa kaniya ang
Pam-bansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1990.
 
Ang Chapel of the Holy Sacrifice sa UP Diliman na ikino-misyon ni Padre John Delaney,
SJ noong 1954 ang unang obra ni Locsin. Ang simpleng disenyo nitó ay sumasala-min
sa arkitektura ni Locsin–maaliwalas dahil sa bukás na espasyo, payak ngunit maraming
atensiyong ibinibigay sa detalye at ornamento na umaangkop sa kaligiran at kaugalian
ng mga Filipino. Ganito rin ang prinsipyong sinasalamin ng isa sa pinakahulí niyang
nilikha, ang Philippine Stock Exchange Plaza. Ang malalaking arko, malawak na bukás
na espasyo ng plaza at saganang lungtiang kaligiran nitó ay animo isang payapang
lugar sa gitna ng isa sa pinakaabalang kalye sa lungsod.
 
Mula 1955 hanggang 1994, ang pangalan ni Locsin ay naging kadikit ng halos 100
gusali, at marami dito ay sa Lungsod Makati. Gayundin ng mahigit 70 tahanan, mga
simbahan, hotel, at iba pang pampublikong pasilidad. Ang pinakamalaki at
pinakanakamamanghang obra naman na kaniyang nagawa ay ang Istana Nurul Iman,
ang palasyo ng Sultan ng Brunei may kabuuang sukat na 200,000 piye kuwadrado.
Tumanggap siyá ng iba’t ibang parangal: Ten Outstanding Young Men Award for
Architecture (1959); Pan-Pacific Citation mula sa American Institute of Architects Hawaii
Chap-ter (1961); Rizal Centennial Award for Architecture (1962); Republic Cultural
Heritage Award (1970); Patnubay ng Sining at Kalinangan Award (1972); at Arts and
Culture Prize sa ikatlong Fukuoka Asian Culture Prizes Ceremony sa Japan (1992).
 
Isinilang si Locsin noong 15 Agosto 1928 sa Silay, Negros Occidental kina Guillermo
Locsin at Remedios Valencia. Nag-aral siya sa University of Santo Tomas Conservatory
of Music para sa kurso sa musika. Isang taon na lamang at makakakuha na ng diploma
sa musika, si Locsin ay pumunta sa kursong arkitektura. Ikinasal siyá kay Maria Cecilia
Yulo, anak ng industriyalistang si Jose Yulo, na tapos ng kurso sa music theory sa
Manhattanville College sa New York at master sa archaeology sa Ateneo, at biniyayaan
ng dalawang anak na sina Leandro Jr. na isa ring arkitekto at Luis. Yumao si Locsin
noong 15 Nobyembre 1994. (RVR)

 
Isang iginagálang na arkitekto si Jose Maria V. Zaragoza (Ho·sé Mar·ya Vi Za·ra·go·za) (6
Disyembre 1912–26 Nobyembre 1994) na pinarangalan bílang Pambansang Alagad ng Sining
para sa Arkitektura noong 2014. Kinikilála rito ang mga likha niyang “sekular at relihiyoso” na
nagpapakita ng malawak niyang kakayahang tipolohiko at“kadalubhasaan sa bokabularyo ng
modernistang arkitektura.”
Isinilang noong6 Disyembre1912, kumuha si Zaragoza ng BS sa Arkitektura mula sa
Unibersidad ng Santo Tomas at nagtapos noong 1936, at nakakuha ng lisensiya noong1938
upang maging ika-82 arkitekto sa bansa. May diploma si Zaragoza sa sining at arkitekturang
panliturhiya mula sa International Institute of Liturgical Art sa Roma, gayundin para sa
pagpaplanong komprehensibo mula naman sa Hilversun Technical Research Center sa The
Netherlands.
Malaki ang naging papel ni Zaragoza sa pagbangon ng bansa pagkatapos ng digmaan. Popular
ang mga disenyo niya ng iba’t ibang simbahan mula sa mga Katolikong simbahang Sto.
Domingo at St. John Bosco Parish(1978) hanggang sa Protestanteng Union Church ng Maynila;
binago rin niya ang disenyo ng Simbahang Quiapo. Sa mga sekular niyang disenyo,
pinakatampok ang 14-palapag na Gusaling Meralco (1969) sa Ortigas; ang Virra Mall, na siyang
unang mall sa Greenhills noong dekada 70; at ang gusali ng PAL sa Makati. Nasukat ang tatag
ng disenyo ni Zaragoza nang hindi nasira ng 7.7 na lindol noong 1990 ang Gusaling Meralco.
Sa kabuuan, bago pumanaw noong 26 Nobyembre 1994 ay nakapagdisenyo si Zaragoza ng 45
simbahan, 273 tahanan, 36 gusaling pantanggapan, tatlong hotel, 15 tanggapan ng terminal na
pampaliparan, limang gusaling pampubliko, 15 gusaling pang-kondominyum, at 350 mga
proyektong pabahay.
Cinema
Bukod sa pagiging premyadong direktor sa pelikula at Pambansang Alagad sa Sining, kinilala si
Lino Brocka sa pagiging palaban at matapang na kritiko ng diktadurang Marcos. Ginamit niya
ang kanyang mga pelikula para suriin ang lipunan.

Naging biktima rin si Brocka ng hagupit ng rehimeng Marcos nang minsan siyang makulong.
Ngunit hindi ang kanyang mga pelikula o sining ang dahilan ng kaniyang pagkakaaresto. Sa
halip, dinampot si Brocka kasama ang kaibigang direktor na si Behn Cervantes habang
sinusuportahan ang transport strike na inilunsad ng mga tsuper ng jeep noong 1985. Kinasuhan
sina Brocka at ang mga kasama niya ng illegal assembly. Sa kabila ng pagpipiyansa, hindi
pinakawalan si Brocka at ilan sa mga dinakip matapos na dagdagan ang kaso nila ng inciting to
sedition.

Bagamat sa kaniya umanong sining kinikilala si Brocka, masusukat at matitimbang ang kaniyang
mga panindigan, higit, sa labas ng paggawa ng pelikula. Gayong epektibong sandata ang sining
sa pagsusulong ng mga interes ng mga pinagsasamantalahan, kinilala ni Brocka na mas
nakahihigit ang kapangyarihan ng pakikipagkapit-bisig sa iba pang sektor.

Sa dokumentaryong Signed: Lino Brocka ng Amerikanong filmmaker na si Christian


Blackwood, idinetalye ni Brocka ang kaniyang mga panindigan at pakikipaglaban. Aniya, “ I am
fighting for an atmosphere wherein I could make the kind of films I’d like to make with the least
compromise. And to do that, you have to fight the system.” Ayon pa kay Brocka, hindi raw dapat
inihihiwalay ng mga alagad ng sining ang kanilang reyalidad sa reyalidad ng buong lipunan.
Hindi raw nalalayo ang problema sa industriya ng paggawa ng pelikula sa problemang
kinakaharap ng iba pang sektor tulad ng mga mangaggawa, magsasaka at mga estudyante.

Sa pagbagsak ng diktadura noong 1986 at pagbubuo ng bagong konstitusyon, kasama si Brocka


sa mga nahirang para maging kasapi ng Constitutional Commission. Isa sa mga sinasabing
kontribusyon ni Brocka sa konstitusyon ay ang artikulo hinggil sa malayang pagpapahayag.
Ngunit bago pa man matapos at mapagtibay ang ngayo’y kinikilala bilang Saligang Batas ng
1987, nagbitiw si Brocka dahil sa pagpapalabnaw sa mga artikulong magagarantiya sana sa mga
karapatan ng mamamayan at magsusulong sa interes ng nakararami.

Sa mga huling taon ng buhay ni Brocka, naging kritiko siya ng panunungkulan ni Cory Aquino,
na minsan niyang sinuportahan noong 1986 snap elections, dahil sa pagsusulong ng kanyang
administrasyon sa pananatili ng US bases, mapanlinlang na reporma sa lupa at pag-aarmas sa
mga vigilante. Ginawa ni Brocka ang pelikulang Orapronobis bilang protesta at pagkukundena sa
paggamit ng administrasyong Aquino sa mga grupong paramilitar para supilin ang rebelyon sa
kanayunan sa halip na tugunan ang ugat ng pag-aalsa.

Sa pagkilala kay Brocka bilang isang natatangi at mahusay na alagad ng sining ng pelikula, hindi
dapat maihiwalay sa kanyang mga obra ang kaniyang paninindigan at mga ipinaglaban na siyang
bukal ng kaniyang sining na dinadakila at pinupuspos ng papuri.
Si Ishmaél Bernál ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula
noong 2001. Isa siyáng direktor sa pelikula at itinuturing na pangunahing haligi ng
tinaguriang Ikawalang Gintong Panahon ng pelikulang Filipino. Isa siyá sa nagpaunlad
at nagtaas ng kalidad ng pelikula sa pamamagitan ng paglihis sa nakagawiang
pamamaraan at nilalaman sa paglikha ng pelikula.
Mga mohon sa larang ng paglikha ng pelikula sa bansa ang mga obra
niyang Pagdating sa Dulo (1971), Nunal sa Tubig (1976), Manila By Night (inilabas
na City After Dark, 1980), Himala (1981) at Hinugot sa Langit (1985). Ilan pang
mahahalagang hiyas sa mahigit sa 50 pelikulang nagawa ni Bernal ay ang sumusunod:
mga tumatalakay sa kasaysayan na El Vibora (1972) at Lahing Filipino (1976); mga
may temang nagpapalawig sa iba’t ibang uri ng kara- kter ng indibiwal at
pakikipagrelasyon; Pabling (1981), Ligaw na Bulaklak (1976), Working Girls
I (1984), Till Death Do Us Part (1972), Walang Katapusang Tag-
Araw (1977); Galawgaw (1982), Ito Ba ang Ating Mga Anak (1982); eksperimental na
pelikula, ang Scotch on the Rocks to Remember, Black Coffee to Forget (1975). Ang
peliku- lang Wating (1994) ang pinakahuling obra ni Bernal.
Bukod sa paggawa ng pelikula ay nasangkot din siyá sa dulaan. Gumanap siyá sa mga
dulang Kamatayan sa Anyo ng Isang Rosas (1991) at Bacchae (1992). Nagbigay rin
siyá ng mga palihang panteatro at nagdirihe ng mga dula para sa Sining, isang
pederasyon ng mga grupong panteatro ng mga kabataan sa komunidad.
Kinilala siyá ng Urian bilang Pinakamahusay na Direktor sa mga pelikulang Dalawang
Pugad, Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985);
at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Kinilala rin siyá bilang manunulat nang igawad sa
kaniya ang Pinakamahusay na Iskrip para sa City After Dark (1980). Ginawaran din
siyá ng FAMAS, Catholic Mass Media Awards (CMMA), at Metro Manila Film Festival.
Sina Elena Bernal at Pacifico Ledesma ang kaniyang mga magulang. Nag-aral siyá sa
Mababang Paaralan ng Jose Burgos, Mataas  na Paaralang V. Mapa, at Uniber- sidad
ng Pilipinas. Nang makapagtapos sa UP ng A.B. English, medyor sa Literatura,
nagpatuloy siya ng pag-aral ngpanitikan at pilosopiyang Pranses sa University of Aix-
en- Provence sa France. Nagtungo rin siyá sa India para mag- aral sa Film Institute of
Poona. (RVR)

You might also like