You are on page 1of 2

Wika – nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila.

Ito’y isang masistemang gamit sa


pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at manuntunan. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng
damdamin at opinion sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao (Panganiban).

Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng pagsalita.


Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng
mga kaisipan

Denotatibo

Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita

Konotatibo

Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin

Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang literal

Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal

Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon
at ugnayan ng bagay sa ibang bagay

Komong Referens – tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao.

Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang salita

Paralanguage – magbigay ng kahulugang kaonotatibo

Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilosng


katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.

Kinesics – tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may ibinibigay na kahulugan ito.

Expresyon ng Mukha – nagpapakita ng emosyon

Galaw ng Mata – nagpapakita ng katapatan ng isang tao

Kumpas – tumutukoy sa galaw ng kamay, maari itong regulatibo, deskriptibo o empatiko

Tindig o Postura – ito ay nagpapakita kung anong klaseng taong ito na nag-uusap sa iyo

Proksemika – tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya

Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.

Publiko – 12 ft. o higit pa


Sosyal – 4 -12 ft.

Personal 1 1/2 – 4 ft.

Kronemika – tumutukoy sa oras

Teknikal – ang oras na ginagamit para sa laboratoryo

Pormal – kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano itinuturo

Impormal – ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto

Sikolohikal – ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan

Haptiks – ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagpapahiwatig ito ng positibong emosyon.

Katahimikan – nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita

Kapaligiran – ang lugar na gagamitin sa anumang pulong

Simbolo – ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe

Kulay – nagpapahiwatig ng emosyon

Bagay – ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan

You might also like