You are on page 1of 1

Ang pagsakop ng mga Kastila sa mga Pilipino ay nagbigay sa kanila ng mga negatibo at positibong epekto

na naglayon sa kanilang payabungin ang kanilang mga natutunan at patuloy na maging sagisag ang
dugong Pilipino hanggang sa kasalukuyan kahit nasakop man ng mga dayuhan. Sa pagsakop ng mga
Kastila sa mga Pilipino, ito ay ang nagbigay sa iba ng pribilehiyo na madagdagan ang kanilang
karunungan at kaalaman sa mga bagay na maaari nating makuha sa kanila tulad ng mga katawagan,
lingguwahe, tradisyon, paniniwala, kaugalian at kung minsan ay kung paano tayo manamit, gumalaw, o
manalita. Mayroon ding ibang mga Pilipino na sa pagsakop sa atin ng mga Kastila ay nagbigay ito sa
kanila takot, pagdurusa, pasakit, at panibugho nang mga panahong tayo ay pinagkaitan ng mga bagay,
tinuring na mangmang sa lipunan, at mga pangyayaring tumatak sa ating mga isipan gaya ng rebolusyon
at himagsikan na naganap pati na rin ang mga buhay na nawala sa gitna ng kanilang paghihirap.
Hanggang sa kasalukuyan ay nararamdaman parin natin ang epekto ng pagsakop ng mga Kastila sa ating
mga Pilipino, tulad na lamang ng ating pagiging Romano Katoliko o ang pagyakap natin sa pagiging
Kristiyano na hanggang ngayon at sa darating pang henerasyon ay mananatiling buhay, mga pagdaraos
ng mga piyesta o pagdiriwang sa mga bayan ay patuloy paring dinaraos hanggang ngayon, mga kaugalian
tulad ng pagmamano sa mga nakakatanda ay buhay parin at pinasa-pasa ng bawat isa bilang tanda ng
pagrespeto at pati na rin sa pagkain ay nariyan ang menudo na galing sa kulturang Kastila. Ang mga nasa
atin ngayon pati na ang ating mga isipan ay may bahid na Kastila maparoon man at maparito o kahit
saang parte ng bansa ay may bahid na impluwensya ng mga Kastila na patuloy na mabubuhay sa
pagdaan ng panahon.

Ang wika ay makapangyarihan dahil ito ay nagagamit bilang instrumento ng


komunikasyon dahil ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin,
pangangailangan, at iniisip sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan
at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.  magbubunga ito
ng kaunlaran at karunungan. 

Makapangyarihan ang wika kung alam ng tao kung paano ito linangin dahil nasa tao ang
basihan kung paano niya ito natutunan o nalinag ang isang bagay na kung saan kung paano
mo ito natutunan ay ganun rin kung paano mo ito gamit. Sa paglinang natin sa isang bagay,
ito ay magbibigay ng malawak na kaalaman, mga pribilehiyong maaari nating gamitin dahil
ang wika ay makapangyarihan na ginagamit ng bawat isa sa ating lipunan bilang instrument
ng ating komunikasyon at ito ang nagiging daan upang ipahayag natin an gating mga sarili.

You might also like