You are on page 1of 6

ANG MGA IMPLUWENSIYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO

1. Ang pagkakapalit ng Alibata sa Alpabetong Romano


2. Ang pagkakasulat ng iba’t ibang aklat pambalarila sa iba’t-ibang wikang Filipino gaya ng
sa Tagalog, Ilokano, Cebuano at Hiligaynon.
3. Ang malaking ginawang pagtulong sa simbahan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng
panitikan
4. Ang Pagkakaturo ng Doctrina Cristiana
5. Ang pagkakasinop, ang pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa Tagalog at sa
ibang wikain
6. Ang pagkakadala sa Pilipinas ng mga alamat sa Europa
7. Ang Wikang Kastila
MGA UNANG AKLAT
DOCTRINA CRISTIANA
• Kauna-unahang aklat na panrelihiyong nalimbag noong 1543 na sinulat nina Padre Domingo de
Nieva, at Padre Juan del Plasencia.
• Ang aklat ay nasusulat sa Tagalog at sa Kastila

NUESTRA SENORA DEL ROSARIO


• Ang ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas.
• Ito’y sa Tagalog nasusulat na akda ni Padre Blancas de San Jose noong 1602
• Juan De Vera- naging katulong ni Padre Blancas de San Jose sa pagkakalimbag ng aklat
• Naglalaman ng mga talambuhay ng mga Santo
• Nasa pag-iingat ng Pamantasan ng Sto. Tomas

BARLAAN AT JOSAPHAT
• Kauna-unahang nobelang isinulat
• Inilimbag ni Padre Antonio de Borja noong 1703-1712
• Ang orihinal nito’y sa Griyego nasusulat at isinalin sa Ilokano ni Padre Agustin Mejia.
• Hango ito sa Kuwento sa Bibliya

ANG PASYON
• Ang pagsamba at pagpaparangal sa anak ng Diyos na nagaganap kung Mahal na Araw
• Ang mga Pilipino’y inaawit ang buhay ng ating Panginoon
• Binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod

URBANA AT FELISA
• Tungkol sa kagandahang asal
• Aklat na laging binabasa ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila na sinulat ni Padre
Modesto De Castro
• Padre Modesto De Castro- ama ng klasikong Tuluyang Tagalog
BUOD NG BARLAAN AT JOSAPHAT
May malakas at makapangyarihang hari ang India. Siya ay si Haring Abenir. Ang hari ay isang
pagano. Siya ay naniniwala sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kanilang kaharian ay marami-rami
na ang nagiging Kristiyano dulot marahil ng pananakop ng mga ibang lahi tulad ng nangyari sa
Pilipinas. Ayaw niyang maging Kristiyano ang mga nasasakupan kaya ipinakulong niya at
ipinakulong ang mga pari. Ngunit sila ay hindi natakot. Patuloy pa rin sila sa pagtuturo ng mga
aral ng Kristiyanismo

Hindi naglaon ay nagkaroon ng anak na lalaki si Haring Abenir. Pinangngalanan niya itong
Josaphat. Mahigpit ang hari sa anak. May nanghula kasi sa anak na magiging Kristiyano ito sa
pagsapit nito sa tamang gulang. Kaya ipinatayo niya ito ng palasyo sa malayo at ligtas na pook.
Pinaalis lahat ng hari ang lahat ng pari sa kaharian.

Habang lumalaki ay nakakahingi rin naman ng pahintulot si Josaphat nalumabas ng palasyo at


maglibang-libang naman. Pumapayag din naman ang hari.Mahigpit na ipinag-utos ng hari sa
mga bantay ng anak na huwag na huwag ipakitaang kahirapan ng kanyang mga nasasakupan
dahil sa pinahihirapan nga niya ang mgaito sa pagiging Kristiyano. Ngunit kahit anong
paghihirap ang gawin ng mga bantayay may nakita si Josaphat na kalulunos ang kalagayan.
Nagtaka siya at tinanong angmga bantay kung ganoon ba talaga ang kasasapitan ng lahat sa
kanilang kaharian.Sumagot ang bantay na ganoon nga. Dahil dito ay naging interesado ang
prinsipe salumalaganap na Kristiyanismo.

Sa kabilang dako, may isang matandang hari sa isang malayong bayan sa Indiya. Siya si Barlaan,
ipinarating sa kanya ng Diyos na si josapaht ay may mabuting puso kaya nagpunta siya sa Indiya
upang puntahan ang prinsipe. Nagbalat-kayo siyang isang mangangalakal at may ipapakita daw
siyang bato kay Josaphat. Nakapasok nga siya sa palasyo. Doon na nagsimula ang pagtuturo niya
ng mga araling Kristiyanismo kay Josaphat. Naging Kristiyano ang prinsipe. Walang
nakakaalamna Kristiyano na si Josaphat kahit mga bantay nito.

Dahil sa madalas ng pagdalaw-dalaw ni Barlaan ay napansin tuloy ni Zardan(isa sa mga bantay)


ang mga ito. Nalaman ni Zardan ang lahat. Binalaan niya ang prinsipe sa posibleng mangyari
kung malaman iyon ng hari. Nakiusap si Josaphat nahuwag munang magsumbong sa hari at
hintayin ang pinakamubuting panahon.Inanyayahan ng prinsipe si Zardan na makinig sa mga aral
ni Barlaan.

Isang araw, sinabihan ni Barlaan na aalis siya. Hiningi ni Josaphat ang damit-ermitanyo nito
upang ala-ala. Ipinukol ng prinsipe ang panahon sa pagdadasal at paghingi ng awa sa Diyos.
Naligalig si Zardan sa nangyayari kaya nagsakit sakitanito. Umuwi siya sa kanila at ipinagamot
siya ng hari. Dahil dito ay nalaman na wala talagang sakit si Zardan. Doon na ipinagtapat ni
Zardan ang pagiging Kristiyano niJosaphat. Nagalit ang hari. Humingi siya ng payo kay Araquez
(isa niyang tagapayo).Sinabi ni Araquez na ipadakip si Barlaan at ipahiya sa isang pagtatalo.
Kung ito'ymatalo ay baka mawalan ng pananalig si Josaphat dito at bumalik sa pagiging pagano.

Ipinahanap ng Hari si Barlaan ngunit sila'y bigo. Pero may dinakip sila naakala nilang si Barlaan.
Siya ay si Nacor (isang astrologo). Pumayag din naman si Nacor na magpanggap na si Barlaan.
Nalungkot si Josaphat ng malaman niyangnadakip na si Barlaan (na si Nacor pala). Hindi niya
alam na hindi iyon ang totoong Barlaan.

Pinuntahan ng hari ang anak at hinikayat na bumalik sa pagiging pagano. Ngunit ayaw na nito.
Sinabi ng hari na magpapabinyag siya at ang buong kahariankung mananalo si Barlaan sa debate.
Tinanggap ni Josaphat ang hamong iyon.

Dumating ang araw ng pagtatalo. Si Barachias lamang ang tanging Kristiyanong pumanig kay
Barlaan (Nacor). Binalaan ng hari ang mga paham (angkanyang mga pambato) na kung hindi
nila matatalo si Barlaan ay papatayin niya angmga ito. Dito na nalaman ng prinsipe na hindi iyon
ang tunay na Barlaan ang makikipagtalo. Hindi siya nagpahata na alam na niya. Binalaan din
niya ito at dapat hindi siya magpatalo.

Sa pagtatalo ay parang biniyayaan ng hiwagang karunungan ng langit si Nacor. Nakasagot siya


ng mabuti sa mga tanong ng mga paham. Ipinahinto ng hariang pagtatalo at ipagpapatuloy
kinabukasan. Kinausap ni Josaphat si Nacor at doon niya sinabi na alam niyang nagpapanggap
lamang ito. Tinuruan niya ng mga aral ng Kristiyanismo si Nacor at naging Kristiyano ito.
Sumama si Nacor sa mongheng naninirahan sa monasteryong nasa labas ng lungsod.
Nanghinayang ang hari sa nangyari. Nawalan siya ng pagkakataon na talunin ang inakala niyang
si Barlaan. Nawalan tuloy siya ng paniniwala sa kanyang mga diyos ngunit ayaw pa rin niya sa
Kristiyanismo.

Sa araw ng kapistahan ay ayaw na niya sanang makialam sa ikasisigla ng selebrasyon. Itong si


Theudas ay nakiusap sa hari na tumulong at bilang kabayaran,siya ay tutulong sa pagkumbinsi
kay Josaphat na bumalik sa paniniwalang pagano. Ipinayo ni Theudas na palitan ang lahat ang
mga utusan sa palasyo ng mga magagandang babae upang tuksuhin si Josaphat. Ngunit ng
mangyari ito ay hindi natukso si Josaphat. Nanalangin ito sa Diyos na ilayo siya sa tukso. Dahil
sa isang masamang pangitain ay nagkasakit si Josaphat. Dinalaw ng ama ang anak. Tinanong ng
anak na bakit siya tinuturuang maging masama. Hiniling niyang lumabas at hanapin si Barlaan
ngunit hindi pumayag ang hari.

Ipinayo ni Theudas na magtalo si Haring Abenir at Josaphat. Kung matatalo si Josaphat ay


babalik ito sa pagiging pagano. Natalo ang hari. Ipinayo na naman ni Theudas na hatiin nalang
ang kaharian sa dalawa. Yun nga ang nangyari. Ang kalahati ay kay Josaphat. Sumama kay
Josaphat ang mga taong ayaw magtamo ng parusa.

Simbahan ang unang ipinatayo ni Josaphat. Naging masagana ang kanyang mga nasasakupan
kaya nagsilipitan ang ibang nasa kaharian ng hari dahil sila'y pinarurusahan nito. Doon nalaman
ng hari ang kanyang pagkakamali. Sinulatan niya ang anak na handa na siyang maging
Kristiyano. Tinanggap ng malugod ng anak ang ama. Matapos ang 4 na taong paghihirap at
pagsisisi sa mga kasalanan ay namatay si Haring Abenir.
Hahanapin ni Josaphat si Barlaan. Inihabilin niya kay Barachias ang kaharian. Maraming hirap
ang dinanas ni Josaphat bago nito nakita si Barlaan. Namuhay silang magkasama. Iniukol nila
ang kanilang panahon sa pagdadasal sa Diyos.
Isang araw ay sinabi ni Barlaan na malapit na siyang mamatay kaya iniutos niya kay Josaphat na
ipunin lahat ang mga mongheng naninirahan sa kalapit bayan. Matapos magbigay sa misa
panalangin si Barlaan ay binawian ito ng buhay.

Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Ng mamatay ito ay inilibing nila si Josaphat katabi ng


pinaglibingan nila kay Barlaan. Isang pangitain ng monghe ang nagbigay kaalaman kay
Barachias na patay na si Josaphat. Ipinahanap niya ang bangkay nito sa bulubundukin sa Senaar.
Dalawang bangkay ang nakita at kataka-takang hindi ito naagnas at may mahinhing halimuyak
pa ang masasamyo. Ang mga ito ay dinala sa simbahang ipinatayo ni Josaphat at doon inilagay.
Maraming himala ang nangyari kaya marami ang nagsibalik-loob sa Diyos.

BUOD NG URBANA AT FELIZA

Ang pagsusulatan ng dalawang binibini na si Urbana at ni Feliza ay isang nobelang isinulat ni


Padre Modesto de Castro. Ito ay ang keno ng declawing magkapatid na sina Urbana at Feliza na
nagpapalitan ng liham tungkol sa mgabagay-bagay na nangyayari sa buhay. Tinalakay madalas
ni Urbana ang mga kagandahang asal at ang tamang Gawain sa isang pangyayari o sa isang
lugar. Tinalakay din ni Urbana ang tamang pagsulat ng liham, ang pag-iingat kay Honesto na
kanyang pinakabunsong kapatid sa mga bisyo tulad ng alak, sugal at mapasama sa masasamang
kaibigan at marami pang iba. Si Feliza nama’y humihingi ng payo sa nakatatandang kapatid na si
Urbana. Sapagkat si Urbana ay nasa Manila upang mag-aral, ito ay mas may mga kaalaman at
karanasan na makatutulong na ibahagi sa kanyang kapatid na si Feliza. Nagdaan ang
mga panahon ng mga payo at gabay ng nakatatandang kapatid at ang mga pangyayari sa
Paombong na isinusulat ni Feliza, dumating sa isang punto ng buhay ni Feliza na siya ay
nagpakasal sa lalaking si Amadeo. Hanggang sa huli ay humingi pa rin ng payo si Feliza dahil
noong una ay may pag-aagam-agam parin siya sa pagpapakasal, ngunit natuloy din at naging
asawa niya si Amadeo. Ito ay sinundan pa ng mga sulat ni Feliza na may kalakip na mga liham
na galing sa saserdote ukol sa pag-aasawa at sa pamilya. Ang huling bahagi ng liham ni Feliza
kay Urbana ay ang pagkamatay ng kanilang ama. Inihabilin ng kanilang ama na lumiham kay
Urbana kapag tapos na siyang iburol upang mapawi ang kanyang kalungkutan.
Ang huling liham mula kay Urbana ay tumalakay sa mga taong nakapaligid sa namamatay na
kakilala at sinabi nitong siya’y tuluyan nang magmomongha.

Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng liham ng
dalawang kapatid, malayo ang pook kung saan sila naninirahan. Si Urbana ay nasa Manila upang
mag-aral, at si Feliza naman ay nasa Paombong, Bulacan. Ang nobelang ito ay naisulat nang
pasalaysay, taliwas sa mga kilalang nobela ng makabagong panahon na naisusulat nang
paglalahad.

Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga kagandahang asal na dapat gawin sa mga pangyayari
tulad ng pamamasyal, sa isang piging at sa ibang pantaong pangyayari. Gayundin, tumalakay ito
sa mga nauugnay na dapat gawin sa isang lugar tulad ng pamamanhikan sa bahay. Isiniwalat din
sa nobelang ito ang tamang pagsulat ng liham nang ito ay sumasalamin sa katauhan ng isangtao.
Sa wikang Ingles, ito ay tumatalakay sa etiquette na dapat sundin ng isang tao sa mga
pangyayari, lugar at bagay. Sa nobelang ito, nakita rin natin ang paggamit ng mga talaba dahil
ang ilang mga bagay na pinag-usapan ay halaw sa banal na aklat ng mga Kristiyano (Bibliya).
Tinalakay din sa nobelang ito ang pagpapahalaga sa pananampalataya sa Diyos, kung saan
makikita natin ang mga payo ni Urbana kay Feliza. Batay sa pagsulat ng editor, isinulat niya ito
sa dalawang bersyon: isa na gumagamit ng lumang pagsulat ng Filipino at isa ayedit na
gumagamit ng makabagong pagsulat ng Filipino upang maintindihan ngmga bumababasa.

BUOD NG FLORANTE AT LAURA


Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong
labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito
naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya
ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at
kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya
ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa
lalaking nakatali. Kinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at
inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-
Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama
sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang
kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni
Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. pagkatapos ay nakatangap si
Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si
Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong
kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa
Albanya nang siya'y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni
Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni
Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya'y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng


bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng
kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap.Tumayo ang


dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida ay tumakas sa persya
upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si
Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si
Florante. !sinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat
sakanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida,
pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

You might also like