You are on page 1of 3

Paglalakad, pagtawid habang may gamit na gadgets ipagbabawal sa Baguio

ABS-CBN News
Posted at Jul 01 2019 03:55 PM | Updated as of Jul 01 2019 08:06 PM
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Baguio City Council ang ordinansang magbabawal
sa paggamit ng gadgets at earphones habang naglalakad o tumatawid sa mga kalsada ng
lungsod.

Ayon kay Baguio City Councilor Francis Robert Ortega, layon ng ordinansa na matiyak
ang kaligtasan ng mga tao sa pagtawid o paglalakad.

"Minsan makikita natin habang naglalakad, nakatingin sa device nila, minsan natatapilok
sila or nauuntog sila or nakakabangga sila," sabi ni Ortega sa panayam.

Sa ilalim ng ordinansa, sisitahin ang mga residente sa unang paglabag.

Sa ilalim ng ikalawang paglabag, pagmumultahin ang lumabag ng P1,000 na may


kasamang community service.

Multang P2,000 at community service o pagkakakulong na hindi bababa sa 10 araw ang


parusa sa ikatlong paglabag, habang multang P2,500 at community service o
pagkakakulong na hindi bababa sa 30 araw naman ang parusa sa ikaapat na paglabag.

Lagda na lang ni Mayor Benjamin Magalong ang hinihintay para maipatupad ang
nasabing ordinansa.

-- Ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

Paggamit ng gadgets habang naglalakad, tumatawid, ipagbabawal sa Baguio


Baguio City – Nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Baguio City Council ang
ordinansang pagbabawal sa paggamit ng gadgets at earphones habang naglalakad o
tumatawid sa mga kalsada ng lungsod. Pahayag ni Baguio City Councilor Francis Robert
Ortega, layunin ng naturang ordinansa na matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa
pagtawid o paglalakad. […] The post Paggamit ng gadgets habang naglalakad,
tumatawid, ipagbabawal sa Baguio appeared first on REMATE ONLINE

Baguio City – Nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng


Baguio City Council ang ordinansang pagbabawal sa paggamit ng gadgets at
earphones habang naglalakad o tumatawid sa mga kalsada ng lungsod.
Pahayag ni Baguio City Councilor Francis Robert Ortega, layunin
ng naturang ordinansa na matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa pagtawid o
paglalakad.

“Minsan makikita natin habang naglalakad, nakatingin sa


device nila, minsan natatapilok sila or nauuntog sila or nakakabangga sila,”
pahayag ni Ortega.

Sa ilalim ng ordinansa, sa unang paglabag ay sisitahin ang


mga residente.

Sa ilalim ng ikalawang paglabag, pagmumultahin ang lumabag


ng P1,000 na may kasamang community service.

Samantalang multang P2,000 at community service o


pagkakakulong na hindi bababa sa 10 araw ang parusa sa ikatlong paglabag,
habang multang P2,500 at community service o pagkakakulong na hindi bababa sa
30 araw naman ang parusa sa ikaapat na paglabag.

Lagda na lang ni Mayor Benjamin Magalong ang kulang para


maipatupad ang nasabing ordinansa. Remate
News Team

Ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone habang naglalakad at tumatawid sa mga


kalsada sa Baguio City.

Ito ay nang maglabas ng isang resolusyon ang konseho ng lungsod na ang layunin ay
maisulong ang kaligtasan ng mga mananakay sa kanilang lugar.
Kabilang sa ipinagbabawal ang pagtetext o pagbabasa ng text messages, at pagbabasa ng
anumang impormasyon habang tumatawid sa mga lansangan o pedestrian lane.
Ipinaliwanag sa resolusyon na nakaaabala sa iba pang gumagamit ng kalsada ang mabagal
na paglalakad ng mga pedestrian dahil nakatuon ang kanilang pansin sa mga gadget na
posible ring humantong sa aksidente.
Sa unang paglabag, pagsasabihan lamang ang mga ito, multa naman na aabot sa P1,000.00
para sa ikalawang paglabag o community service; at sa ikatlong paglabag ay multang
P2,000 o community service o isa hanggang 10 araw na pagkakakulong at may katumbas
naman na multang P2,500 at community service o pagkakakulong ng 11 hanggang 30 araw
sa ikaapat na paglabag.
-Rizaldy Comanda

Bawal gumamit ng gadgets habang naglalakad. Matapos ang ilang mga insidente sa


kalsada gaya ng banggaan dahil sa paggamit ng gagdgets gaya ng cellphone ay
ipinagbabawal na ito sa lungsod ng Baguio lalo na sa mga taong naglalakad at tumatawid.
Kapag nahuli ay pagsasabihan muna ito bilang warning.

Sa ikalawa namang pagkakahuli ay pagmumultahin na ng P1,000 hanggang P2,500 na may


kasamang community service o pagkakakul0ng ng 11 hanggang 30 araw.

You might also like