You are on page 1of 1

Narrative Report- Buwan ng Wika 2014

“ Filipino: Wika ng Pagkakaisa ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2014 na taunang
ipinagdiriwang sa buong kapuluan ng Pilipinas sa buong buwan ng Agosto bilang pagpupugay sa Ama ng
Wikang Pambansa na si G. Manuel L. Quezon at alinsunod na rin saalituntunin ng Kagawaran ng
Edukasyon na pagbibigay halaga sa ating pambansang wika, ang Filipino.
Kaisa ang Sta. Irene National High School sa adhikaing pagkakabuklod ng pagpapalaganap at
paggamit ng sariling wika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga paligsahan sa loob ng skol kampus.
Tatlong araw ang inilaan sa kontes ng islogan, kundiman at limang minutong balitang panradyo.
Sa unang araw ay islogan ang ginanap sa lahat ng antas ( Grade 7,8,9 at ika-apat na antas).
Pangalawang araw ang kundiman at broadcasting ang panghuling araw. Hindi isinagawa sa iisang araw
lamang mga paligsahan upang hindi maapektuhan ang klase sa bawat klasrum. Mayroon ding
integrasyon sa klase sa lingguhang tema ng nasabing pagdiriwang.
Nasungkit lahat ang unang puwesto ng ika-apat na antas. Matagumpay ang mga patimpalak sa
tulong na rin ng mga gurong tagapayo sa bawat seksyon, mga gurong nagsasanay mula sa Philippine
Normal University , mga guro sa departamento ng Filipino at ng punong guro ng Sta. Irene na si G.
Carmelito H. Anino.

Inihanda ni:

Bb. JOIELYN L. OSIN

Filipino Koordinator

You might also like